🌹🌹Spoken Word Poetry 01 🌹🌹

9 2 0
                                    

UMASA SAYO

Umasa na naman ako,umasa na naman sayo
Umasang maibabalik pa ang dating tayo

Hindi ko alam bakit nga ba sa dinami daming tao sa mundo
Sayo pa nahulpg ang loob ko
Ikaw pa ang nakakakuha dito,Ikaw ang nakahuli sa puso kong bato

Ilang beses kong inisip ano bang meron sayo?
Ano bang meron sayo at ako'y nagkakaganito

Ngunit walang sagot sa sarili kong tanong,sabi nga nila walang salita ang makakapagpaliwanag kung tunay ang pagmamahal mo

Sabi ko sa sarili ko wala na akong pakielam sayo,hindi na kita gusto
Ngunit tuwing nababangit ang pangalan mo,sabi nila di ako naniniwala sayo
Dahil kitang kita sa mata mo kung gaano mo pa sya kagusto
Nagningning at kumikislap ito

Ilang beses,ilang ulit,ilang pagkakataon na ba ang sinayang ko?
Oo ako ang umiwas sayo

Ako ang lumikha ng sariling sakit sa puso ko,ako ang gumawa ng pagdurusang ito

Patawad,sana'y patawarin mo ako
Patawarin sa lahat ng nagawa ko
Ngunit alam kong mahirap,kaya mag-iintay ako na maghilom ang sugat na nadulot ko

At sana sa oras na yon,wala nakong nararamdaman sayo
Upang tayong dalawa'y magbalik na sa dati

Yung dating walang ilangan,dahil walang espesyal na nararamdaman
At sana kahit mahirap dumating ang araw nayon

Kaya simula ngayon sisimulan ko nang pigilan ito,aalisin na kita sa buhay ko
Aalisin ko na ang kapit sa pag-asang hinahawakan ko

Bibitaw nako,bibitawan kona ang mga ala-alang dahilan ng pagkapit ko
Titigilan ko na ang umasa sayo

🍁🌻TALAHUGUTAN🌻🍁 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon