Maldita 3: Bookstore

35 0 0
                                    


Maldita 3: Bookstore

Maldita's POV

"TARA na!" sabik na sabi nito sabay hila sa akin.

Kagaya ng ibang mga nerds or what-so-ever they call it, mahilig din si Charlotte sa books at tambayan nya talaga ang book stores at libraries. At dahil isa akong mabuting kaibigan, ako naman ang syang taga suporta dito, mahilig din naman kasi akong magbasa ng libro, novel books nga lang at hindi masyado madalas magbasa ng nonfiction books.

Nang makarating na kami sa loob ng book store, agad kong tinawag si Charlotte dahil mas nauuna sya sa akin, excited masyado si ateng =.=. "Charlotte! Wait!" sigaw ko rito ngunit hindi ito lumingon, batid ko namang maraming taong nakatingin sa akin dahil sa pagsigaw ko at since medyo crowded din ang bookstore ngayon kaya maraming napalingon, siguro dahil sa wala na silang school supply or dahil sa maraming bagong published books ngayon.

Agad naman akong tumakbo dahil tila hindi nya pinansin ang pagsigaw ko sa kanya. Kainis naman to'ng babaitang to! Pero sa pagtakbo ko, may isang lalaking binangga ako. Oo, binangga ako kasi ang laki laki ng space, kaya imposibleng hindi nya ako makita! Dahilan ito ng pag tumba ko sa malamig na sahig. Gosh! Madudumihan damit ko nito eh, puti pa naman 'tong damit ko!

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" rinig kong sigaw ng bumangga sa akin. Ay! Walanjo! Sya pa may ganang sumigaw sa akin ng ganon?! Siya ba ang nasaktan?! Sya ba ang nadapa at halos sumalubsob na sa floor?!

"Aba! Hoy, walang hiya ka ha?! Ang laki laki ng space tapos babanggain mo lang ako?! At ikaw pa ang may karapatang sumigaw at manumbat ha?! Galing mo rin noh?!" irita kong sigaw sabay tayo mula sa pagkakasalubsob ko. Kainis naman! Sumakit tuloy balakang ko!

"Talagang malaki ang space miss. Did you listen to your science class when you were in elementary? At isa pa, magaling talaga ako dahil wala akong sakit." sarcastic na tugon nito.

"Aba't—" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang maramdaman kong may humila sa akin. Epal! Speech pa naman sa sasabihin ko!

"Umayos ka nga Maldita! You're in a public place! Huwag kang mag-eskandalo!" mala-nanay na sermon sa akin ni Charlotte, isa pa tong babaeng to eh!

"Aba! Ako pa ang dapat umayos ha?! Yung lalakeng yun kaya!" sigaw ko rito sabay turo dun sa dereksyon kanina nung lalake habang hindi tumitingin dito.

"Anong lalake?" kunot-noong tanong nito.

"Ayun oh—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang paglingon ko sa dereksyon nito kanina ay wala na ito. Shocks! Ang dami na rin palang nakatingin sa akin, kakasigaw ko siguro! Punyemas nayan!

"Nasaan na yung walang hiyang yon?!" nakakarinding sigaw ko. Kainis! Natakasan ako!

Agad ko namang inilibot ang pata ko sa paligid, ngayon medyo kumakalma na ako at kakaunti na lamang ang mga taong nakatingin sa akin. Bakit ba kasi crowded ngayon ang bookstore na 'to?!

"Hayaan mo na yun, di naman nadumihan yung damit mo at hindi ka naman na pilayan kaya tara na." akmang hihilahin na naman nya ako nang inis akong bumaling dito.

"Hahantayin mo pa bang madumihan ang damit ko at mabalian ako bago mo ako hayaang sugurin yung walang hiyang lalaking 'yon?!" irita kong sigaw rito. Shocks! Stress is eating me~!

"Hindi naman sa ganon, pero please, nasa public area ka, patience please." Pakiusap nito sa akin. Ano pa bang magagawa ko? Tch.

"Fine, basta't ipangako mo sa akin na kapag nakita ko na naman yung lalakeng 'yon ay di mo na ako pipigilan, understand?" taas kilay kong tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Senyorita MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon