Third person pov
Sa paglayas ni cassia sa kanyang trabaho at apartment hindi niya alam kung saan siya tutuloy. Makulimlim ang kalangitan at parang uulan
wala siyang kakilala dito sa maynila, wala rin siyang kaibigan na malalapitan. Kailangan na niyang makahanap ng matutuluyan bago pa lumakas ang ulan.
Sa kanyang paglalakad ay biglang may humintong kotse sa tapat niya at bumaba yung salamin ng kotse, laking gulat ni cassia ng makita niya yung nag mamaneho
"Sakay ka na" sabi nito, hindi parin makapaniwala si cassia parang feeling niya panaginip lang ito. Sumakay siya sa kotse at hindi parin siya makapaniwala
"Tahimik mo" nagulat si cassia saka napatingin sa salamin ng driver, nakatingin ito sakanya
"Um.... Wala ganito talaga ako"
"Sigurado ka?" Dahil sa sinabi niya ay napakunot ang noo ni cassia
"Oo"
"Okay"
Cassia pov
SHET!!!!
SHET TALAGA OH!
Hindi ako makapaniwala na etong kasama ko ay si chanyeol! Tama kayo ng basa si chanyeol nga! Humaygad ang galing niya mag tagalog kaso nakaka awkward kasi kaganina pa siyang tahimik panis na ata laway neto kaya pati rin ako eh napapanis at binging bingi na ako sa hangin grabe walang nag sasalita tapos wala ring music
"Heto na tayo oh" sabi ni chanyeol at papasok na yung kotse sa patag na parking lot ng biglang huminto
"A..anong nangyari?"
"Wala nang gas yung kotse, alanganin yung pwesto natin" bigla siyang lumabas ng kotse kaya nagulat ako, malakas pa naman yung ulan tapos ganito pa yung nangyari
Aish.....
"Bakit ka lumabas? Malakas ang ulan dali punta ka na sa unit ko, 16P" sabi niya pero umiling ako
"Hindi, ayokong iwanan ka lang dito, sabay natin tong itulak dun sa parking lot" sabi ko , wala na siyang magagawa dahil basa na rin ako
Sabay naming tinulak yung kotse hanggang sa maipark ito, nakakapagod siya dahil sa hindi lang mabigat yung kotse, ang lalaki nang patak ng ulan grabe
Nilabas ni chanyeol yung cover at ako naman yung gamit ko tska payong, nag iisang payong
"Okay tapos na, tara na" binuka ko na yung payong saka binigay sakanya
"Ako na ang mag bibitbit niyan, ikaw nalang ang mag payong satin"
"Nako wag na"
"Dali na o, sige ka mababasa tong mga damit mo haha" bigla siyang tumakbo kaya hinabol ko siya para mapayungan ito, hay buhay nga naman
"YA! PARK CHANYEOL! NABABASA NA YUNG GAMIT KO!"
Pagkapasok sa unit agad niya akong binigyan ng twalya habang ako naman nilapag yung umbrella niya sa gilid
"Oh ikaw na ang mauna, dalian mo ha?" Sabi niya at tumango ako saka pumasok sa cr
Ang ganda ng cr niya! Ang linis tapos ang kinang! Humaygad, sana yung magiging Bf ko eh ganito kalinis gumamit ng cr
Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako sa cr na mabango,malinis at nakasuot na ng pantulog
"Tagal ha?" Sabi niya saka pumasok sa cr
BINABASA MO ANG
I'm with you [Under Renovation]
Fanfic"KYAAA!!! OPPA! SARANGHAE!!!" "MARRY ME OPPA!!" "HOY! TAMA NA YANG PAG ASSUME MO! WALANG FOREVER SAINYO NI BAEKHYUN" Hay bakit kaya ganun? Ang gwapo ni baekhyun my labs so sweet? Bakit hindi nalang magkatotoo yung mga pangarap ko sakanya? Gusto...