Chapter Three

249 8 7
                                    

CHAPTER THREE

"Stay where you are and hold what you love. 

And feel what you want. And know all the while. 

Don't hurt 'til it's done." 

- "What Cannot Be Found" by Copeland

Nagising ako at nag-decide na bitawan na ang lahat ng tungkol sa kanya.

6 AM pa lang, mga tatlong oras lang ang naitulog ko. Mula sa kama, napamulat ako sa bintanang katapat ko. Hindi ko agad na-realize na magdamag akong sound trip, nag-play bigla ang "You Are My Sunshine" cover ng Copeland.

Habang nakatingin sa bintana, walang kibo at tahimik akong nakinig sa mas tahimik pang umaga.

You are my sunshine, my only sunshine 

You make me happy when skies are grey 

You never know, dear, how much I love you 

Please don't take my sunshine away

Nakinig ako sa kanta hanggang sa marinig ko pati ang aking mga hikbi, pigil at mahirap lunukin. Nalulunod pati ang mga tenga ko sa mga luha, pero hindi ako kumibo. Hinayaan ko lang ang sarili kong maging tahimik at kalmado sa abot ng aking makakaya.

At kagaya lang din ng kahapon ang lahat ng ito, wasak pa rin ang pakiramdam. "Lord, Lord, please take this bullet wound out of my chest! Kunin n'yo na ang sugat na 'to, please!"

The other night, dear, as I lay sleeping 

I dreamt I held you in my arms 

When I awoke, dear, I was mistaken 

So I hung my head, and I cried

Ang ganda-ganda ng araw, tapos heto ako parang namatayan naman, bulong ko sa sarili habang sumisinghot. Bumangon na ako at pinunasan ang aking mukha. Inubos ko na rin ang natitirang tubig sa baso at ipinatong ito pabalik sa bedside table.

Hay, heto nanaman po. Good luck sa akin, maka-survive nawa sa isang buong araw.

Bumaba ako sa kusina at nakita kong nagtitimpla ng kape si Mama. "Ate! Good morning!" ang bati niya pagkalingon niya sa 'kin. Hindi ko alam kung paano magre-react.

"Oh, ba't pugto 'yang mga mata mo?" tanong niya habang papalapit sa mesa para ipatong ang dalawang tasa ng kape. Parang naramdaman niya ang pangangailangan na mag-usap kami.

Tumakbo na lang ako sa kanya at yumakap. "Mama, nagtapat ako kay Fender," sinimulan ko. Yakap ko pa rin siya, ang baba ko nakapatong sa balikat niya. "Anong sabi, 'nak?" tanong niya habang magaan niyang tinatapik ang likod ko.

Umiling ako at sumagot, "Wala lang po pala sa kanya 'yun, mama. Umasa lang ako na gusto niya rin ako."

Magaan niya kong hinatak sa mesa. Kinuwento ko ang mga nangyari sa Marian kahapon habang nagka-kape kami. "Okay lang yan, ate. Tama naman si Gina, ang mahalaga lang doon eh nasabi mo."

Hinipan ni mama ang mainit-init pa na tasa at uminom saglit. "Ganoon talaga, 'nak. Mas madalas na win-lose tayo d'yan, lalo na at ganito nga, ikaw lang pala ang nagmamahal."

"Ang bigat pa rin, mama. Parang gusto ko nang bumitaw pero parang hindi pa ako handang magpaalam," sagot ko, tinititigan ang paikot-ikot na cream sa kape matapos haluin gamit ang kutsarita.

Nagtanong si mama nang maibaba niya ang tasa, "Anong balak mong gawin, kung ganoon?"

Napaisip ako at tumingin sa kanya. Nakangiti pa siya. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam kung anong susunod kong gagawin. "Ano nga po ba ang dapat kong gawin?"

Kumusta Naman Ang Lovelife Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon