Chapter Four

148 6 3
                                    

CHAPTER FOUR

"Before the gold and the glimmer have been replaced, 

Another sun soaked season fades away 

You have stolen my heart" 

- "Stolen" by Dashboard Confessional

March 2009 - Life-changing event sa akin 'to, kasi 'yan ang month at year when I first experienced love at first sight.

At legit talaga 'to.

Pero hindi ito 'yung literal na love at first sight. Love at first sight in a sense na first time ko siya makita at makausap for a moment, then bigla na lang ako tinamaan sa kanya. Walang landi, walang lagkit. Medyo illogical pa rin ba? Para sa'kin mas may sense naman 'to kaysa ma-inlove ako sa pagmumukha ng tao sa unang tingin. Sabi nga nila, kailan pa ba tumibok ang mukha?

Naniniwala ako na totoong na-inlove ako sa kanya, lalo na noong nag-play sa utak ko ang kantang "Stolen" ng Dashboard Confessional. Yup, buong kanta.

Everything was in fast-forward, habang tumutugtog ang kanta, wedding proposal hanggang kasal hanggang honeymoon ang nakita ko, kasama siya. Sa sobrang detalyado, tanda ko ang motif ng kasal, kung paano ang yare ng wedding gown ko, pati ang mabigat at nakakagimbal na slow-motion moment habang naglalakad ako papunta sa kanya para ihatid ako sa altar. Ewan ko lang kung wala pa sa inyo ang naka-experience ng ganito, pero naniniwala akong hindi lang ako ang may ganitong nabuong scenario.

Ang sarap mag-daydream, kaso kapag nakikita ko na ang sarili ko sa salamin, magpipira-piraso na lang ang mga pangarap ko na para bang pira-piraso ko din pinunit ang buong nobela, kasama pati pabalat.

Hindi naman kasi ako talaga maganda in physical appearance. Ang pangit ko talaga, pero dati 'yun. Nagkaroon ng improvement noong na-inlove ako. Totoo pala talaga ang sabi nila na gaganda ka kapag na-inlove. Kaya masarap ma-inlove - hindi mo mamamalayan, maganda ka na sa paningin ng iba kasi blooming ka araw-araw. At isa pa, nakakataas ng self-esteem.

March 16, 2009, ang alam ko naghihintay lang kami ng mga classmates ko sa school lobby, less than two hours pa bago ang susunod na klase. 'Yung prof, hindi ko na maalala kung sino. Kahit 'yung subject, hindi ko maalala kung tungkol saan. Tungkol saan nga ba? Ang talagang naaalala ko lang eh 'yung pagdating ng mga seniors namin sa lobby pagkatapos ng kanilang klase. Ayan nanaman siya, makikita ko na ulit siya. At alam kong 3:00 PM 'yun.

Mark Fender Ibañez. 19 years young. Member ng Jose Rizal Honor Society. Palaging kasama sa starting 5 sa basketball team sa kanilang barangay, magaling kahit hindi varsity member. Freelance graphic artist. At higit sa lahat, rakista. Heto nanaman, palapit na siya sa lobby, suot niya pa ang band shirt ng isa sa mga paborito niyang banda: Saosin.

Bulong ko sa sarili ko, Eh 'di ikaw na!

Ikaw na nga yata ang hinihintay ko all my life...

At tumugtog nanaman ang Stolen sa utak ko.

Wala na akong nagawa kundi ang tumingin na lang sa malayuan. Bakit ko nga ba siya lalapitan? Una, hindi niya ko kilala. Pangalawa, for sure sina Rozeanne lang ang kilala niya kasi sila naman 'yung talagang magaganda sa klase namin.

As expected, lumapit nanaman ang kanilang tropa sa mga chicks ng klase namin.

Naramdaman ko nanaman ang pressure sa sarili ko. Para bang kailangan ko din maging maganda para mapansin niya ko. Hay naku, hopeless lang.

"Uy, Aning!" biglang may tumawag sakin mula sa malayo. Si Pepper pala, kasama si Oso. Senior din namin sila, at malapit na kaibigan din ni Fender. Ayan, nakangiti na ulit ako nang makita silang kumakaway.

Kumusta Naman Ang Lovelife Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon