Chapter One

718 16 27
                                    

CHAPTER ONE

"Is there something better waiting for us on the other side?" 

- "Tell Me It's Over" by Sirens

Five years have passed and I can still remember how it hurt.

Sabi nga nila, lahat naman ng bagay mahirap bago nagiging madali, minsan sasaktan ka talaga kung kinakailangan. Sa pag-ibig kasi, walang "kapos", mataas lang talaga ang ating expectation.

F lang talaga. F na F.

Here's a confession: Nag-expect talaga ako, umasa na mutual ang feelings namin. Sugal kung sugal, kahit hindi ako sure sa mga mangyayari. Back in 2011, wala pang usong term na "friend-zone", pero to put it simply, doon ako napadpad. Saklap lang, right? Parang ang hirap magsimula ulit, when at the end of the day you return empty-handed.

April 24, 2011 - That was the day of "The Reveal" - lahat ng mga kaibigan ko alam ang tungkol sa balak kong confession of love. Kinagabihan, after the reveal, ang pinakaunang tao na nangumusta ay si Ate Regina. Around 9:30 PM, habang nakaratay ako sa kama at nakatulala sa kawalan, tumawag siya sa akin. Siguro maaga pa doon sa Dubai, nag-abala pa siya na tawagan ako.

"Aning! What happened?" tanong niya, may hint of excitement kahit medyo pigil.

Naramdaman ko na parang nakangiti pa siya on the other line. It took me a while bago makasagot, hirap pa kasi ako makapagsalita.

"Hmm, eto uhaw. Tubig naman ang tutunggain ko."

"Tss. 'Wag ka mag-inom! Bawal ka niyan ha! Ano, nasabi mo?

"Yes, ate."

"Oh my GOD! How did it go?" tanong niya na pasigaw, naka-ilang Oh My God pa nga siya, hindi ko na rin binilang baka lalo ako ma-stress.

"It was lame. I was lame. Loser ako."

"What?! And then? Ano sabi niya?"

I was clutching on the phone, gigil sa pagpigil sa luha ko.

"Nothing. Tumawa lang siya. Sarap nga ng pagkakatawa niya eh."

May pause saglit, narinig ko pa ang buntong-hininga ni ate. Disappointed much siya, for sure.

Finally, sumagot ulit siya, "Ang asshole niya. Hayaan mo na lang, hindi ikaw ang nawalan. Always remember that. Bata ka pa, Aning."

Bumigay na rin ako sa pag-iyak, hagulgol pa. "Ate kasi eh! It's hard when I've been keeping this for years. At ang natanggap ko lang sa maghapon, a laugh and an "I appreciate it, thanks" sa kanya!"

"Hay sus, hayaan mo na nga. Let go," comfort sa akin ni ate, parang nagpapatahan lang siya ng batang first time nadapa sa kalye.

"It was not even romantic, nakakahiya talaga ako! Maaawa ka lang kung nakita mo 'ko kanina. As in!" Umiyak na lang ako nang umiyak sa linya, singhot nang singhot pa. "Sana kinain na lang ako ng lupa that time!"

"Hoy! 'Wag ka na mag-cry masyado, okay? Alam mo, he's a douchebag, no more than that. Forget it, ang mahalaga nasabi mo.

At that moment, walang humpay pa rin ang pag-iyak ko. Parang gusto kong yakapin ako ni ate. Sana hindi na lang muna nag-Dubai si ate last week.

"God damn it, I'm so proud of you! Alam mo ba 'yun? To say it in any kind of way, kahit na pa-shy or to brag off, it's one of the bravest things you have done."

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. Intoxicated ako sa mga kahinaang naiisip ko tungkol sa sarili ko.

Sabi pa ni ate, "Ikaw lang makakapag-cheer up sa sarili mo. Pain is beautiful once you've overcome its depressing power. Tandaan mo 'yan."

"Problema ko lang ngayon ate, kaya ba ng gabing 'to bawiin ang buong tatlong taon na 'yun?"

"Ang masasabi ko lang, sige mag-emote ka muna ngayon. Basta embrace the pain, saka 'yun nga, bare no grudges."

But truthfully, I wasn't really mad at him for what he said. I was mad at myself, for being assuming and a sucker for sweet words that didn't mean anything. Well, akala ng past self ko hindi worth it.

"Hello, Aning? Nandyan ka pa ba?"

"Yep..."

"Ako, mas okay magmukhang tanga kaysa hindi ko nasabi. Parehas naman masakit eh. Pero parehas din naman hindi nakamamatay. 'Yun lang, mas may sense ang magsabi ng feelings mo because you chose to be true. So don't apologize to him dahil nagpakatotoo ka. Masakit nga, eh namatay ka naman ba?"

"Hindi..."

Tumawa naman si ate sabay "hay naku" na napagkahaba-haba. 'Yung tawa pa naman niya lakas makahawa, pinigilan ko tumawa kaso nahawa talaga ako. Para lang akong baliw, basa at pugto ang mga mata tapos tawa pa nang tawa.

"Sa bagay...may point ka nga," sagot ko in agreement.

"Hahaha! Alam mo, your heart just needs time to accept what your mind already knows. Don't rush the healing process. Sa umpisa lang 'yan, you'll see!"

Wala na akong sinagot pabalik, hinihintay ko pa mag-sink in lahat ng mga sinabi niya.

"Oh siya Aning, mag ingat ka ha? Pahinga na muna tayo, pahinga ka ng maayos. I love you and see you soon!" 

"Thanks ate, so much...bye."

"Alright, bye! Mwaaah!"

At binaba na niya ang phone. Sabi niya kailangan ko pa ng panahon para matanggap ko ang bagay na alam ko na. Ang hirap naman kasi, hindi ako fan ng ganitong proseso. Gusto ko tapos na agad, wala na agad. Pero kailangan ko na talagang kalimutan siya, nakakairita na rin kasi ang pag-iinarte kong ito. Kaya lang naman ako hindi mapakali kasi hindi pa malinaw kung bakit wala siyang naramdaman all those years na magkasama at magkausap kami. Ang daming "bakit", punung-puno na at naninikip ang dibdib ko at utak ko sa kaiisip. Itulog ko na lang, baka sakaling mabawasan ang kabigatan ng mundo ko.

Kaso nagigising pa rin ako ng madaling araw sa napakaraming tanong. "Pakshet ka, Fender. Bakit? Bakit! BAKIT!"

Kung ano man ang sakit na hindi nakapatay sa 'kin ay ito pa ang nakapagpagising sa 'kin, wishing na sana pala namatay na lang agad ako. Parang pagtalon mula sa rooftop ng isang building: instant. May matitira pa kayang pait sa lasog-lasog kong katawan after impact?

Kaso, sabi nga ni ate, kaysa magpakamatay ako sa feelings ko by locking them away, mas magandang magpakatotoo. Kailangan ko lang talagang tanggapin ang pagkatalo.

Kumusta Naman Ang Lovelife Ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon