Sunflower 5

112 4 0
                                    

Mahal ko si MARK!

Mahal na mahal.

Alas sais na nandito pa din ako sa school. 

Uuwi muna ako... bukas na lang ako magso-sorry kay Mark. 

*KINABUKASAN*

Mejo na late ang gsing ko kaya hindi ko masosolo si Mark. Pagpasok ko, wala si Mark sa room. Absent kaya siya? Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa shop nila. 

Pupunta muna ako sa locker ko, may 5 minutes pa bago magbell.

Pagbukas ko ng locker ko may Sunflower akong nakita.

Kinuha ko yun at may nakaikot na papel. 

*Dear Denise,

         Siguro nababasa mo na to ngayon wala na ako dito sa school. Lilipat kasi kami na naman ng bahay. Maski ako ayokong lumipat kasi ayaw talaga kitang iwan. Mahal kita Denise, Mahal na mahal. Alam mo bang sa lahat ng sinasabi ni papa 'oo' lang ang sagot ko? Pero ngayon nagmatigas ako, ang sabi ko 'ayoko' kaso hindi pa din umubra. Sana maging masaya ka sa buhay mo, kalimutan mo na ako, tutal hindi naman ako mahalaga sayo eh. Pero sa pinagsamahan nating buwan sobrang saya ko, hindi ko alam kung baliw na ba ako o ano. Alam mo ba kung bakit ako maagang pumapasok? Para makita ka. 1st day pa lang may gusto na ako sayo kaso sa tingin ko hindi mo ako mapapansin. Kaya nga sa tuwing naguusap tayo nakukumpleto mo na ang araw ko. Alam mo bang galit na galit ako sa ex mo? Kasi sinaktan niya yung babaeng gusto kong ingatan, galit na galit ako. Kung sana ako ang nauna hindi ka masasaktan yun ang sinasabi ko sa sarili ko. Ang sakit eh, pero kailangan kong tiisin... Sana makahanap ka ng lalakeng para sayo. I love you Denise. Mahal na mahal kita.

- Mark.

Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan hawak hawak ko yung letter at sunflower nang tumakbo ako palabas ng school. 

"MARK!" Sinisigaw ko yun habang tumatakbo ako. hindi ko na makaya ang nadarama ko...

pagdating ko sa shop nila, may nakita akong kotse... medyo malayo na din pero habang hinahabol ko iyon... pabagal ako ng pabagal... Umiyak na ako di ko na kaya...

SHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA*

Nakiayon na naman ang panahon.. kung nandito lang si Mark... siya lang ang handang magpayong sa akin... siya lang at wala ng iba...

"MARK!!! Mahal na mahal kitaaaaa! Wag mo akong iwan....." Iyak ako ng iyak di ko na kaya....

Pero wala na namang tumulong ulan sa akin napahinto ako sa iyak dahil may nagsalita.

"Mahal na mahal din kita Denise." 

Paglingon ko.

Nandun siya.

Ang nagiisang taong handang magpayong sa akin sa mga oras na ganito.

Pinatayo niya ako niyakap. Wala kaming pakielam kung basang basa na kami. 

Hawak hawak ko ang sunflower  binigay niya saakin at binigay sa kanya yun.

"Mark. Gusto kong maging sunflower mo at ikaw ang sun ko. Ikaw lang ang kailangan ko wala nang-- 

hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang pinatong ang kanyang mainit na labi sa aking malalamig na labi... 

A kiss. He gave me the most passionate kiss that I have ever had.

"You were always my sunflower." And then he continue kissing me. That was the best moment of my life. 

FIN.

Sunflower [Shortstory]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon