simula

40 3 1
                                    

~~Geomeun geurimja nae ane kkaeeona

Neol boneun du nune bulkkochi twinda

Geunyeo gyeoteseo modu da mulleona

Ijen jogeumssik sanawojinda

Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

Neo mulleoseoji anheumyeon dachyeodo molla~~

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone,nakapikit pa akong kinakapa-kapa ang side table na malapit sa aking higaan. Unti-unti kong minulat ang aking ga mata at O.O “ANO?ALAS-SYETE NA?”sigaw ko sa gulat,sakto naman na pumasok si mama sa aking kwarto “anak! Anu kaba kanina pa kita ginigising,bilisan mo na at male-late kana,ang layo pa ng school mo”sabi nito at sinarado ang pinto.naku!baka masermonan na  naman ako.

Kaya ito nagmadali na ako maligo,halos wisik-wisik nalang dahil mahigit 30 mins ang iba-biyahe ko papaunta sa school depende padin,dahil ganitong tanghali na ay traffic sa highway kaya malamang mga-isa oras bago pa ako makarating doon kaya kailangan wala pang 8:15 ay nandoon na ako dahil iyon ang palugit namain,pag lumagpas kana doon,ay late kana. Kaya  nagmadali akong nagbihis at dinala yung mga gamit ko at bumaba na, pagkababa ko ay kinuha ko nalang yung sandwich at nagpa-alam na kay mama

“ma alis na po ako”sabi ko at hinintay si mama bigyan ako ng baong pamasahe, “oh eto kasama na yung pang lunch mo at snacks,ikaw talaga nagpuyat ka na naman, lunes na lunes naku!, o sya ingat ka”at pgkatanggap ko nun ay dumiretso na ako sa labas ng bahay naming at nag-abang ng jeep papuntang bayan

Kung mamalasin ka nga naman eh mabagal tong  jeep na nasakyan ko dahil humahakot pa ng pasahero at anak ng! tumigil pa sa gas station para mag-pagas, excuse me kuya! Dapat kaninang umaga niyo niyan ginawa bago bumiyahe hindi yung madami kayong naper-perwisyo late na ako hoy!tss di ko masabi.

Buti nalang at tumuloy na siya sa pagbiyahe. Tiningnan ko yung relos ko ay 7:30 na means 30- mins na lang malayo pa ako sa bayan huhu TT. At last 20 mins ay nakarating na ako sa bayan pagkababa ko ay sumakay na ako ng bus at salamat naman at nakasakay ako kaso malapit na mag 8:00 ng umaga kaya malelate padin ako.

Pagkababa ko ng bus ay binilisan ko ang takbo ko papaunta sa gate ng school, dahil mabilis naman mag-check ng bag yung guard ay dali-dali akong nakarating sa second floor at sa kalagitnaan ng pagmamadali ko ay may nakabangga ako kaya nahulog yung java programming book ko kasama yung dalawa ko pang libro.

Pinulot nito ng lalaki para sa akin ay inabot “miss eto sorry”pagkasabi niya ay nahinto ako at tumitig sa kanya,tumitig din siya sa akin pero bigla niya tong binawi nung magsalita siya at umalis na. naiwan akong tulala sa kawalan at hindi ko namalayan na may hinahabol akong oras, kasabay nito ang paglakas ng tibok ng aking puso. Ano itong nararamdaman ko?

 -------------------------------------------------------------------

“class dismissed” sabi ng aming professor sa programming "okay sino nga ang late ulet? "santiago,at de guzman" sabay turo doon sa kanilang dalawa, "absent si cortez, okay kung wala nang tanong you may go” sabi nito at niligpit na ang kanyang mga gamit kasabay nito

ay ang lumabas ng iba kong mga kaklase. Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko nang batiin ako ni tina,  “andrea,late ka na naman,isa nalang absent kana” sabi nito sa akin. Jusko kundi lang dahil dun sa lalaking bumangga sa akin kanina eh hindi pa ako late.

“Tara bili muna tayo sa canteen, late naman yun si Maam pursigido eh!” sabi sa amin ni Clau,pagkapasok namin sa roon 304 klase namin sa Filipino. Hay ang isang to lagging gutom kaya di na nakakapagtaka kung bakit antaba niya huehe xD.

“Hoy andrea!”bati nito sa akin, “ anu ang ni ngisi mo jan? ”sabi nito sabay irap, sumagot ako “ ah! wala tara diba bibili tayo?bilisan na natin,malay niyo agad dumating si maam”

sabi ko saka hinila ang dalawa palabas ng room. Haha kaya ako naka ngisi kanina kasi ini-imagine ko si Clau haha!hay, ang bad ko talaga hehe.

“nakow bart!di ka kasi marunog pumorma ala eh! Kaya ayun na get yong chicks mo eh.tsk tsk” naabutan namin etong si renzo na sinesermonan si bart sa kabilang table ng canteen,siguro broken hearted na naman si bart kasi may syota na ata yung babaeng nakilala niya nung isang araw hay! Playboy talaga,kada linggo eh puro chicks,sawi naman sa huli.

Nandito kami sa kabilang table umupo nina Tina, ”alam mo si renzo di ko maintindihan hindi naman batangeno pero kung makapagsalita parang hindi taga rito” pabulong sabi ni tina habang kumakain nung sandwich.

biglang lumapit sa amin sina renzo at bumaling kay Tina,patay!, narinig ata  “ano ere sabi mo?” sabi nitong nakatingin sa kumakain na si tina  “wala” patay malisya na sinabi nito  “tsk duwag” sabi nito at umalis na

“Tina inlababo lang kasi to sayo haha!kung anu-anu ang naririnig,ARAY!!,sige bye girls,sakit naman par!” paano ba naman kasi biglang pinigot ni renzo ang kabilang tenga niya kaya ayun, at mabilis silang nawala agad sa paningin ko dahil mabilis silang lumakad!haha, lagi na kasi tong sina renzo nag-aaway  ni Tina. hindi ko alam kung bakit lagiganun satuwing magkikita sila. Ngayon lang siya tinigilan ni renzo siguro ay……

“Andrea tara na!kanina ka pa tulala sa pwesto kung saan umalis ang engot na yon!”sabi na nakasimangot na si Tina na kasunod na si Clau . shemay! hindi ko namalayan na tulala na pala ako kakaisip sa kanilang dalawa. Agad akong sumunod sa kanila papuntang classroom.

Crush(-on hold-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon