Tulog

578 16 5
                                    


Anong ginagawa mo bago matulog?

Kumakain?

Nanonood ng Tv?

Umiinom ng gatas?


Nagbabasa ng libro?



Nananalangin?


Naghihintay ng forever?

Nagbibilang ng tumatalong tupa?

Eh, naranasan mo bang pumunta sa isang paraisong lugar bago matulog?

"Napakaganda ng tanawin dito no?, nakakarelax, malayo sa kabihasnan, tanging simoy ng hangin ang magiingay, mga huni ng ibon ang sarap pakinggan, hampas ng alon parang nakakabata." Usal ko habang nakatayong tinitignan ang napakadalisay na dagat.

Sa harap ko nakatambad din ang kulay kahel na langit, kung saan unti unti ng nagtatago ang araw.

"Masaya ka ba?" Tanong sa akin ni Jude pagkatapos akong yapusin mula sa aking likuran.

"Ako? Masayang masaya." Sagot ko.

Hindi ko mawari ang pakiramdam. Tila hindi ko makakalimutan ang bawat segundo na dinadama ko ang yakap niya sa lugar na isang paraiso para sa aming dalawa.
Masaya, ngunit dama ko ang pagbabadya ng pagpatak ng aking luha.

Sana hindi matapos ang mga oras na ito.



Naranasan mo na ba bago ka matulog na kumain ng mga bagay na hindi mo pa natitikman? Yung pangarap mong kainin sa buong buhay mo? Yung mga pinakamasarap na pagkain sa panlasa mo?

"Oh eto kainin mo to ah?, masarap yan sa kanto ko yan nabili. Ay, teka tikman mo din itong cake, strawberry ang flavor niyan alam kong paborito mo yan." Salubong sa akin ni Jude dala ang isang kahon ng cake at mga hindi pamilyar na pagkain sa akin.

"Ah salamat hon, ito na lang cake siguro ang kakainin ko." Masayang ani ko sabay kinuha ang cake at mga platitong madalas kong ipatong sa lamesa sa gilid ng kama ko.

"No, try this. Kailangan matikman mo ito. Masarap ito promise. Isaw lang naman 'to hon eh. Tsaka heto pa may balot pa 'kong binili. Alam mo bang naghanap pa ko ng mabibilhan ng mga yan para matikman mo? Kaya sa ayaw at sa gusto mo... EAT." mahabang bigkas niya.

"Ano pa bang magagawa ko? Sige na nga.."

Itinabi ko ang platito sa lamesa sa gilid ng kama ko katabi ng kahon ng cake. Kinuha ko ang plastik na dala niya laman ang limang pirasong isaw at isang balot.

Agad kong sinimulan na kainin ang isaw.

Masarap.

Bago sa panlasa ko pero masarap.

"Kamusta? Masarap noh?" Tanong niya sakin.

Nginitian ko lamang siya bilang tugon.

Nang matapos kong lantakan ang limang stick ng isaw ay agad na inabot sakin ni Jude ang balot. Sira na ang shell nito kung saan makikita mo ang tila mga buhok ng kung ano man.

"Sige tikman mo favorite ko yan. Wag ka mag-alala sisiw lang yan." Pagpapagaan niya ng loob ko ng mapansin niyang tinititigan ko lamang ang iyon.

"Sige na. Please.." dagdag niya sabay nagpout pa.

Minsan lang naman diba? Bakit hindi ko subukan?

"Oo na, pasalamat ka malakas ka sakin." Pagbibiro ko ngunit seryoso ang tono.

Hinigop ko ang sabaw ng balot.
Tama, hindi kasisi- sising tinikman ko.

Pagkatapos no'n ay pinagsaluhan namin ang cake.

What A Bedtime Story (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon