Chapter 2

7 1 0
                                    

(Sky’s POV)

“Ano ba?! Pwede bang wag mo akong sigaw-sigawan at mag drive ka nalang?! Gusto ko ng umuwi kasi pagod na ako! Mahirap bang intindihin yun?!” Sigaw niya sa akin. Nakita kong galit na galit na talaga siya, kaya tumahimik nalang ako. Pero hindi ibig sabihin nun ay takot na ako sakanya. Diba nga sinabi niya na pagod na siya? Baka pa kasi mag wild to pag pinatulan ko pa tapos baka kung ano pang gawin sa kotse ko, sayang naman ang napakaganda kong kotse. Hahaha! Makapag-drive na nga.

Habang nagda-drive ako, napatingin ako kay Fransine kasi hindi na umiimik baka kasi namatay na dahil sa kagwapuhan ko. Hahaha! At ayun! Tulog na pala. Hahaha! Siguro nga pagod talaga to. Pero bakit naman siya mapapagod? Eh may mga maid naman sila. Tch.

Tiningnan ko ang papel na may address na binigay bsa akin ng Daddy niya. Hindi naman pala masyadong malayo. Pinuntahan ko nalang ang address na yun at agad naman kaming nakarating dun. Tiningnan ko ulit si Fransine at ayun, tulog parin. Anong akala niya? Bubuhatin ko siya? Hell no!

(Fransine's POV)

Naramdaman ko na may yumuyugyog sa balikat ko, kaya minulat ko ang mata ko.

"Hoy! Gumising kana jan! Andito na tayo! Dun kana matulog sa loob! Pero kung ayaw mo edi wag! Tsaka baka akala mo bubuhatin kita? Hell no! Wag kang assuming!"

F*ck! Wala pa nga akong nasasabi, ang dami na agad nasabi nitong lalakeng to! Nakakainis siya! Wag niya akong unahan!

"Hoy rin! For your information, wala akong sinabing magpapabuhat ako sayo! Tsaka, ang swerte mo naman kung bubuhatin mo ako! Tsaka, wala pa nga akong nasasabi, ang dami mo na kaagad nasabi! Tell me nga, bakla ka ba talaga? Kasi daig mo pa ang isang babae kung makasigaw at makapagsalita eh!"

"Hoy! Una, hindi ako bakla! Tsaka pangalawa, bakit naman--" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya kasi naiirita na ako sa boses niya.

"Would you please shut up? Your voice is so annoying if you wanna know." Sabi ko sakanya at pumasok na ako sa loob. May sarili naman akong susi dito sa bahay kasi binigyan din ako ni Daddy. Tsaka, alangan naman na siya lang ang may susi? Hell no! Hindi ako papayag no!

At nung pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad-agad kong hinanap ang kwarto, at ayun! nakita ko ang pinakamalaking kwarto kaya dito ako matutulog. Bwahahahaha!

"Hoy! Dun ka nalang matulog sa isa pang kwarto, magkasinglaki lang naman sila eh! Or dun ka nalang sa guest room matulog, may tatlo pa naman tayong guest rooms eh. Ako dito!" Sabi ko sakanya ng papasok sana siya sa kwarto

"At bakit naman ako dun matutulog? Ano ka sinuswerte? Ako dito, kasi mas malaki to! Ikaw dun! Kaya umalis ka na jan" Sabi niya.

"Magkasinglaki lang kaya sila. Kaya lumabas ka na dito! Shooo!" Pagtataboy ko sakanya. Magkasinglaki lang naman talaga sila. Siguro duling tong lalakeng to. Psssh.

"Ah ganun ha!" Sabi niya sakin tapos bigla nalang niyang hinila ang paa ko. P*cha! Kapag ako nahulog dito, papatayin ko talaga 'tong lalakeng to!

"AHHHHHHHHH! BITIWAN MO ANG PAA KO! MAHUHULOG AKO! AHHHHHHHH!" Sigaw ko sakanya habang mahigpit kong hinahawakan ang kama para hindi ako mahulog.

"UMALIS KA KASI JAN! JAN AKO MATUTULOG!" Sigaw niya rin sa akin habang mahigpit parin akong nakahawak sa kama.

"AYOKO NGA! DITO AKO! DUN KA! KAYA BITIWAN MO NA ANG PAA KOOO!" Sigaw ko sakanya kasi feeling ko malapait na akong mahulog.

"AYOKO NGA! UMALIS KA NA JAN! AH, AYAW MO PALA HA!" Sigaw niya sakin tapos hinila ang paa ko ng todo. Tapos--

*BLAAAG!*

The Unexpected Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon