(Fransine's POV)
Nang matapos na akong magbihis para pumuntang mall ay bigla nalang nag-ring ang cellphone ko. Si Cass lang pala. Bakit kaya ito napatawag?
"Hello Cass? Bakit ka--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi bigla nalang siyang tumili ng napakalakas kaya nailayo ko kaagad ang cellphone ko sa tenga ko.
"Ano ka ba Cass! Bakit ka ba tumitili jan? Ang sakit kaya sa tenga! Bakit ka ba kasi napatawag?!" Inis kong sabi sa kanya. Bigla-bigla nalang kasing tumitili!
"Eh kasi naman Best! Eiiiiiii! Kami na ni Kurt! Kyaaaaa! Kinikilig ako!" Sabi niya.
Wtf? Sila na ni Kurt? Agad-agad? Bakit ang bilis yata? Mga moves nga naman. Hahahaha!
"Ang bilis niyo naman yata Cass." Sabi ko.
"Ganito kasi yun Best, nung nasa sasakyan niya na kami kanina para ihatid niya ako--" Sabi niya kaso hindi ko na siya pinatapos.
"Mamaya ka nalang sa mall mag kwento. Magkikita pa naman tayo eh. Sige na, pumunta na kayo dito." Sabi ko sakanya.
"Hehehehehe. Sige. Bye Best!" Sabi niya tapos binaba na ang call.
Pagbaba ko ng hagdan ay may nakita akong nakatayong gwapong lalake. Teka, sino kaya 'to? Siguro kaibigan 'to ni Sky. Ang ga-gwapo talaga ng mga kaibigan ni Sky. Mas gwapo pa sa kanya. Tapos hindi niya man lang ine-entertain.
Nilapitan ko yung lalake na nakatalikod na ngayon.
"Ammm. Excuse me po, hinihintay niyo po ba si Sky?" Tanong ko sa lalake. Tapos humarap ang lalake sa akin na naka-shades. Teka, parang kamukha siya ni Sky ah. Kaso mas gwapo pa 'to dun kay Sky. Baka naman kapatid niya lang 'to?
"Hahahahaha! Nakakatawa ka! Hahahaha!" Sabi niya nung lalaki sakin habang tumatawa parin.
Teka, parang magkaboses din sila ni Sky. Siguro nga kapatid niya 'to o di kaya ay kakambal niya.
"Ammm. Kuya? Bakit po kayo tumatawa? Hindi naman po ako nagjo-joke eh. Ang tanong ko po, kung hinihintay nyo si Sky." Sabi ko sa kanya. Nang bigla ulit siyang humagalpak ng tawa.
Ay loko pala 'tong lalakeng 'to ah! Tinatanong ko ng maayos tapos tatawanan lang ako. Aba! 'pag ako hindi nakapagtimpi dito, papatulan ko na 'to kahit na gwapo siya. Aba, tinitigan ko na nga siya ng masama, tawa pa rin ng tawa.
"Teka nga lang po Kuya, porket kapatid po kayo ni Sky tatawanan nyo na lang po ako? Aba Kuya,tinatanong kita ng maayos tapos tatawanan nyo lang po ako? Aba Kuya, hindi po tayo close! Kaya kung tatawanan niyo lang po ako, makakaalis na po kayo sa bahay namin!" Sabi ko sa kanya. Nakakainis na talaga eh.
Buti naman at tumigil siya. Pero halata parin sa kanya na nagpipigil siya ng tawa.
"At bakit naman ako aalis? Ano ka ba naman Frans, si Sky 'to! Tsaka ano ba yang mga pinagsasabi mo?" Sabi niya tapos tinanggal na niya ang shades niya. Ay oo nga, si Sky nga.
Okay! Ako na napahiya! Nakakainis! Eh sa hindi ko pala siya nakilala dahil sa suot niya? Ugh! Nakakainis talaga!
"Heh! Ewan ko sayo! Eh sa hindi pala agad kita nakilala, tapos may pa-shade-shades ka pa jan! Hindi naman bagay sayo!" Sabi ko nalang sa kanya. Kahit na ang totoo eh naga-gwapuhan talaga ako sa kanya NGAYON.
"Hahahahahahaha! Oo na! Sabi mo eh." Sabi niya sa akin tapos tawa parin ng tawa kaya hindi ko nalang siya pinansin. Bahala siya jan. Mawalan sana siya ng hininga sa kakatawa.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Love [On-Going]
Teen FictionPrologue: Hindi naman porket, enemy kayo sa first, ay enemy na din kayo sa last. Well, pero pwede din naman. Pero sa kwentong ito ay may mga bagay na magbabago at may mga bagay din na mananatili nalang. May mga bagay na hindi mo inaasahan na ma...