Chapter 3

10 1 0
                                    

(Fransine's POV)

Nasa kwarto kami ngayon ni Cass, dito kasi siya matutulog kasi wala naman kaming pasok bukas. Nakaupo siya sa kama at nakahiga naman ako sa lap niya habang sinusuklayan niya ang buhok ko.

"Best?" Sabi niya.

"Hmmm?" Sabi ko naman.

"Galit ka pa rin ba kay Sky dahil sa ginawa niya sayo?" 

Well, galit pa nga ba ako? Siguro nga, ikaw ba naman ang manakawan ng first kiss hindi ka magagalit? Tsaka yun kaya yung pinakaiingat-ingatan ko tapos nanakawin lang niya? Psssh.

"Bakit mo naman natanong?" Oo nga, bakit niya naman natanong?

"Wala lang. Pero yung totoo Best? Galit ka pa rin ba sakanya?"

"Oo." Sabi ko nalang. Galit pa naman talaga ako sakanya.

"Bakit naman?" Tanong niya

"Malamang, ikaw kaya ang nakawan ng first kiss? Hindi ka magagalit? Diba nga nagpromise tayo na ibibigay lang natin 'to sa mapapangasawa natin?" 

"Oo nga, pero diba si Sky naman ang mapapangasawa mo kasi fince mo na siya diba?" Oo nga no? May point din naman ang Bbestfriend ko. Pero kahit na! Hindi ko naman siya mahal. We don't love each other!

"Kahit na! Alam mo namang hate na hate ko na siya from the very start diba?" Sabi ko. Totoo naman talaga.

"Oo nga. Pero diba may kasabihan na 'The more you hate,the more you love'?" Sabi niya

"Duh? Naniniwala ka naman jan? Cass, It's just a big lie." Kasinungalingan lang naman talaga yan. Tch.

"Pero alam mo Best, mabait naman si Sky eh. Nakikita ko sakanya. Kasi kita mo naman na nakipagkaibigan siya sa isang nerd na katulad ni Kurt. Eh diba si Kurt lang ang lalakeng loner sa room natin? Pero kinaibigan niya parin. Sa hitsura niya kasi, parang hindi siya ganung tao. Pero mali pala. Dont judge the book by it's cover nga naman." Oo nga no? Pero kahit na. I hate him parin.

"Kahit na Cass. Ayoko parin sakanya. Ikaw kaya ang laging sigaw-sigawan? Eh wala ka namang ginagawa sakanya?" Totoo naman talaga na lagi niya nalang akong sinisigawan.

"Haynaku Best! Basta alam ko na sa huli, matututunan nyong mahalin ang isa't-isa." Sabi ni Cas sa akin na siyang nagpatibok ng puso ko ng mabilis. Sh*t! Bakit na naman ba ganito ang tibok ng puso ko? Abnormal na yata 'to eh!

"P-paano mo naman y-yun nasabi? Ano ka manghuhula?" Sh*t! Bakit ba ako nauutal? Tsaka feeling ko nag-iinit ang mukha ko. Ugh!

"Basta nafi-feel ko yun.Teka Best, bakit ka namumula?"

"H-ha? M-malamang mainit! Woah! Ang init talaga!" Sabi ko sakanya habang pinapaypayan ang mukha ko gamit ang kamay ko. 

"Hahahahaha! Anong mainit? Ang lamig nga oh! Tsaka, naka-on kaya ang aircon. Hahahaha!" Ay sh*t! Oo nga no? Ang t*anga ko naman.

"A-ah. Hihihi!" Sabi ko nalang sakanya.

"Tsaka bakit ka ba nauutal Best? Siguro may gusto ka na kay--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Ano ba Cass! W-wala akong gusto sakanya!" Sabi ko sakanya tapos umupo na ako sa kama.

"Eh bakit ka nga nauutal?" Sabi niya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

"Nenenerbyos lang ako, kasi baka mamaya pag tulog natin may tumabi sa atin na multo. Yun lang yun!" Sabi ko nalang sa kanya.

"Hahahaha! Okay. Sabi mo eh! Pero Best? Ammm. A-nong pinagkwentuhan nyo kanina ni K-kurt? Hihihi" Sabi nya sakin habang namumula. Hahahaha! Ngapala, sinabi sakin kanina ni Kurt nung nagke-kwentuhan pa kami na may gusto daw siya sa Bestfriend ko at wag ko daw sabihin. Buti nalang hindi ko  nasabi sakanya na may gusto din sakanya si Cass. Hahahha!

The Unexpected Love [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon