McLauren's POV
Kadarating ko lang dito sa unit namin at nadatnan ko si Celestene at Gabby sa sala, this time the television's not on. Atmosphere's quiet.
Umupo ako sa tabi ni Gab, facing Celestene.
"Anong plano mo?" I asked.
"Before your taping tomorrow, Sungwoo will reveal what the truth is" she answered.
Napafacepalm na lang ako sa sagot niya, "Do you know how dangerous this will be? Knowing na nandyan pa at umaalialigid sayo si Taemong, no one can tell what can happen. Tapos magrerelease pa si Sungwoo ng official statement? Oh come on people. Pwede namang itago at ideny muna diba?"
"Wow Mack. Coming from you?" she chuckled, "Are you going to hide this too? Ayaw namin na itago to. Kung babagsak siya, it is his decision. Wala na akong kinalaman doon"
"Kung babagsak siya, babagsak din ako!" I exclaimed. I can't figure out my feelings right now.
Tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko. Nakakainis. My phone rang and it's the CEO.
"Hello sir" I answered.
"Sungwoo released an official statement already but don't worry we will handle this well, the taping will still continue" sabi niya. At some point, I feel relieved. Mostly, humihinto muna ang taping kapag nainvolve ang main lead sa isang issue, pero pursigido yata si CEO kaya ipapatuloy.
Sumandal ako sa upuan at pumikit, tomorrow's gonna be a long day I guess.
*
Third Person's POV
Kinaumagahan, natuloy ang taping para sa film. Naunang dumating ang ibang crew at staff, sunod si Ten at Yohan, ang mga casts, si Mack at si Flynn
Kasalukuyang naglalakad lakad si Mack sa set ng maaninag niya ang isang lalaki na inaayos ang gagamiting sasakyan ni Sungwoo para sa road scene. Matangkad ito at base sa kanyang inference ay parang kakilala niya ang lalaki. Ngunit dahil sa nakauniporme ito kagaya ng ibang mekaniko ay hinayaan niya na lang ang nakita niya.
"Hinahanap kita kanina pa" nilingon ni Mack ang nasa likuran niya, si Ten iyon.
"Bakit? May kailangan ka?" tanong ni Mack sa kanya. Umiling si Ten at nagsalitang muli, "Is it okay if I take you out mamaya, pagkatapos ng set? Soiree and Flynn will be there too" ani ng binata. Tango at ngiti ang naging sagot ni Mack.
"I'll pick up Soiree and Flynn will pick you up too" tila nawala ang ngiti sa mukha ni Mack dahil sa kanyang narinig.
Ilang minuto pa, nahanap na ni Flynn si Mack.
"Mack." tawag ni Flynn sa kanya. "Nagkaroon daw kayo ng misunderstanding ni Celestene kagabi?" he asked.
"Uh yeah. Hindi ko alam. Maybe I'll talk to her pagkauwi ko" nakangiting sagot ng dalaga.
Sabay sabay silang bumalik sa set dahil pinatawag na sila. Sungwoo's already geared up at nasa loob na ng sasakyan nang lumapit si Gabby kay Mack.
"I saw Taemong earlier here" bulong ni Gabby kay Mack na siyang kinagulantang niya.
Naalala niya ang lalaki na nag-ayos sa sasakyan ni Sungwoo, sa hindi malaman na dahilan, bigla siyang kinabahan.
Nagsimulang magbilang ang direktor, nangangatog ang tuhod ni Mack, pinagpapawisan ng malamig.
"5... 4... 3.... 2.... 1.. Action!" Hudyat na umalis na ang sasakyan ni Sungwoo
Tumakbo siya ng mabilis at inistart ang engine ng isang bakanteng sasakyan. Kinagulat nila ang kanyang ginawa.
BINABASA MO ANG
Universe of Uncertainty
Teen Fiction一 they were broken pieces, mended by the purpose of their existence 一