WSMR I - Scarlet

200 17 12
                                    

Third person's pov

*6 years ago*

April 17, 2011

"First test young lady..." sambit ng isang matigas at matapang na boses...

Kung pakikinggan ang tinig ay para itong kontrabida sa isang pelikula...

At para namang mamamatay tao sa tunay na buhay...

Ngunit siya naman ay sanay na sa boses na ito. Sapagkat ito ang nagturo sakanya ng lahat...

Lalo na ang ikakabuhay niya...

Ngunit alam niya na sa likod ng boses na ito ang lalaking nagmamahal at nag-aalaga sakanya...

Ang kanyang ama.

Ngayong araw ang unang pagsubok niya sa lahat ng kanyang natutunan...

Madali lang ang pagpatay para sa kanya, ngunit ang pagsusulit ay pumatay siya ng inosente...

Akala niya ay inosente ito, ngunit hindi niya natunugan na ito pala ang muntik nang pumatay sa kapatid niyang si Magenta...

Isa lang ang kailangan niyang gawin...

Barilin ito sa malayo at tapos na ito...

Kinakabahan at nanginginig ang dalaga, ngunit hindi niya ito ipinakita sa ama sapagkat ito ay isang kahinaan.

Kinuha niya ang baril na isang sniper at umasinta...

And, she pulled the trigger which meant her test was a success.

Ngunit sa loob niya ay binabagabag siya ng konsiyensa.

Sa labis na pag-aakalang inosente nga talaga ang kanyang napatay.

Agad naman siyang nilapitan ng kanyang ama at niyakap siya nito...

"Yan ang gusto kong matutunan mo anak, may mga taong akala mo ay inosente, pero ang hindi mo alam ay siya pala an dahilan kung bakit nadadamay ang mga tunay na inosente..." sambit ng kanyang ama, nagulat naman siya sa mga sinabi nito at hindi maintindihan

"Siya ang may gustong pumatay kay Magenta..." sa dinagdag na mga salita ng kamyang ama ay tila naging maliwanag ang lahat...

"Minsan, may mga bagay sa buhay natin na hindi inaasahan... dahil may mga bagay at taong mapagpanggap. Ang tiwala mo ay dapat lamang na ibinibigay sa mga karapat-dapat na pagbigyan nito..."

...

*7 years after*

April 17, 2018

"Imagine ate! Six years ka nang assassin! And... you are the best!" Wika ng kapatid niya na si Magenta

Lahat sila ay masaya dahil sa pagdiriwang ngayong gabi.

"Mana tayo kay ate, Magenta!" Sabat naman ni Violet

"Of course!" Sagot ni Scarlet at sabay uminom naman ng kanyang red wine at ganoon din ang ginawa ni Violet at Magenta

"My girls!" Singit ng kanilang ama sa usapan

"Papa! Wag mo naman kaming gulatin diyan!" Sabi ni Magenta habang papalapit ang kanilang ama

"Seven years for my eldest, three years for my second, and two years for my youngest... ang tanda na ng papa niyo!" Sabi ng kanilang ama

Agad naman silang nagtawanan sa sinabi ng ama.

Bigla naman silang natigil sa pag-uusap ng biglang...

"Ms. Scarlet, you have a phone call..." nagulat sila ng biglang naroon na ang sekretarya ni Scarlet

Tumango naman siya sa sekretarya at nagpaalam.

When Scarlet Met RedWhere stories live. Discover now