POEMS

8 2 0
                                    

Lulan mo ang napakaraming pangako
Nangako kang di ka magbabago
Naglista ka pa ng mga gagawin mo
Pero sa huli,iiwan mo rin pala ako

"Tayo'y sabay na bubuo ng kinabukasan"
Unang nakalista,una kong inasahan
Una pa lang saya na ang aking naramdaman
Pero sa huli , bigla mo lang din akong iniwan

"Ikaw lang sapat na"
Pangalawa sa iyong lista
Pero nagulat ako sa iyong inasta
Kasi mang-iiwan ka rin pala

Hayaan mong ipagpapatuloy ko
Ang mga pangakong nailista mo
At sa pagpapatuloy nito
Ako naman ang MANG-IIWAN sa'yo 💔

POEMS Where stories live. Discover now