Kung...

5 0 0
                                    

Kung babalik ka pa 
'wag mong puntahan 
'yong lugar kung saan una 
tayong nagkita
'Wag kang pumunta 
sa bilihan ng tsokolate
o 'di kaya sa karinderya 
d'yan sa tabi 
kung saan mo 'ko binilhan
ng pritong manok
'Wag mong puntahan
'yong bench kung saan 
una tayong nagtabi
Kung saan nagtagpo ang 
ating mga mata
nang magdampi 
ang ating mga labi 
habang nakikinig 
sa musika
Kung babalik ka 
'wag mo 'kong hanapin
sa school grounds
o 'di kaya'y sa canteen
kung saan 
nagsimula ang tayong dal'wa
'Wag kang magtangkang 
puntahan ako sa aming 
silid-aralan
dahil limot ko na'ng 
bawat hakbang pabalik 
sa dating tayo
kahit na sunduin mo man
sa gitna kung saan
dapat tayo magtatagpo, 
'wag mo na'ng subukang 
umindayog sa ilalim ng musika
na paborito nating dal'wa
o 'di kaya'y 'wag ka nang 
mag-abang sa gate 
para lang ako'y mahagkan
dahil ayoko na
'Wag mo nang bahidan ng 
iyong samyo
O 'di kaya'y alaala 
ang mga daang dadaanan ko
patungo sa kung saan
Hindi ko na kaya.
Kung babalik ka,
'wag mo nang puntahan 
ang mga lugar 
kung saan tayo nagsimula,
naging masaya,
ngunit sa huli'y napalitan lamang ng pagluha
Kung babalik ka, 
magbago ka ng landas
at huminto
sa daan paliko sa
school gymnasium
dahil nandito pa rin ako
naghihintay
kung saan mo 'ko iniwan.
Kung babalik ka, 
bakit 'di ngayon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEMS Where stories live. Discover now