Ayoko na

3 0 0
                                    

'Di mawari,
saan nagkulang?
Ginawa lahat,
ba't pa rin iniwan? 
Tumunog ang alarm,
hudyat ang napipintong oras
Nagsusumamo,
Ito na ba ang wakas?
Ramdam kong 'di ka na masaya,
Ganoon ba talaga? 
Na ang pinagsaluhang masayang pagsasama,
ay maganda lang sa umpisa?
Siguro kung 'di tayo naging duwag, 
nasa kalagitnaan na sana ng pag-uswag
Ngunit kaysa buuing muli,
bigla ka na lamang humindi
Alas 11:11 na,
oras kung kailan naging tayong dal'wa
Nandito ako't 'inantay ang oras
para magsabing mahal kita
Ngunit sabi mo
"Ayoko na, nagkakasakitan na tayong dal'wa."
'Di na sana nag-antay
para 'di na mas lalong malumbay
At mas lalong 'di na dapat umasang magbabalik ka pa
Kasi kumakapit na lang pala ako sa taong noon pa lang, bumitaw na
Tama ka,
nakakapagod na
Nakalulumbay
Nakamamatay
Kung babalik ka man,
Paki-usap,
'wag na
Tama na.
Ayoko na.

POEMS Where stories live. Discover now