Chapter 9-Pageant Day

16 0 0
                                    


Derecho na tayo sa pageant wala namang ganong nangyari nung mga nakaraang araw puro basketball at volleyball lang game. Pero nanalo nga pala ko sa badminton bwahahaha!!

Papunta na kong Gym ngayon, rehearsal kasi namin sa production number ng mga candidate mamaya.

Dala ko na din mga gamit ko for the pageant, yung make up artist ko mamaya pa dadating.

So yun practice dito practice dun, rampa dito, rampa dun.

Nubayan! Di pa nagsisimula pageant pagoda na! Maghapon kaming naka-heels kamusta naman!

2pm na, so pinagpahinga na kami maya maya dadating na din ung make up artist para ayusan ako. So habang wala pa nag iisip ako ng pwedeng kasabihan mamaya 😂
Pero dumating yung mga bwisit kong kaibigan 😑

"hi bess! ready ka na ba mamaya?" -Rica

"Ah, eh? Mejo? Haha wala naman akong choice eh" sagot ko

"Galingan mo frenny ha!" Ellaine

"Oo naman gagalingan ko"

"Naniniwala kami sa kakayahan mo" Geleen

"Ang da-drama nyo di bagay sa inyo hahaha" Biro ko

"Basta bessy andun lang kami sa baba ng stage mamaya ni-reserve namin mga boses namin para i-cheer ka" Rica

"Osige hanapin ko kayo mamaya 😂" sabi ko

"Ayy wait bes may hinanda kami pampawala ng kaba" -Ellaine

"Ano?"

"Tadaaannnn" sabay wagayway ng banner na may nakasulat na...

Go Fight KC! We loveyou!!

Yiee sweet naman ng mga kaibigan ko Hahaha!!

"Thank you mga bes"

Habang nag uusap-usap kami dumating na yung make up artist so umalis na muna yung apat  gagala daw muna sila maghahanap ng pogi 😂

Inaayusan na ko as of now.

Favorite ko talagang part pag inaayusan na ung mata haha ang daming ka-ek ekan 😂

5pm tapos na ko mag make up-an. Naka-ayos na din ung ibang candidate. 6pm ang start ng pageant kaya nagrerelax relax muna kami.

6pm...
Everything is set na!

"Gusto nyo na bang makita ang nag gagandahan at nag-gagwapuhan nating candidate?" - Sir Mike

"Yess!" Sagot ng mha students

"Okay palakpakan na may kasamang sigawan! Lets welcome here on stage our Candidates for Mr. and Ms. New Generation University"

Hiyaw ni sir Mike sa mic habang papalabas na kami sa stage.

"Nobodyknows what I'm feeling inside
I find you so stupid so why should I hide that I love to make love to you baby, if  this would be a perfect world, we'll be together then... I wanna dance and love and dance againnn!!!"

Haha yan kasi yung sinayaw namin sa production 😂

So apat yung criteria for judging nila

Casual Wear- Where in yun ung suot habang nagpapakilala ka.

Sports Wear.
Talent
Question and Answer
At Evening Gown.

Ay lima pala! Hahaha 😂

Candidate no. 6 ako kaya matagal din muna ko naka-tengga sa backstage habang nagpapakilala ung ibang candidates. Maya naya tinawag na rin ako.

"Ladies and gentlemen candidate number 6" Emcee

Pose sa right side,
Pose sa left side,
Pose sa gitna,
Rampa,
Pose ulit,

"Standing in front of you is an 18 year old stunner which is all the way from Pulilan Bulacan, My name is Kim Carla Alonzo from 2-comsec-B, representing Green Archer!"

Sabi ko sa mic habanh nagpapakilala, tuwang tuwa naman ako nang makita ko ang nga hiyawan ng mga sumusuporta sakin, Ang sarap pala sa pakiramdam.

"Wuhuuu! Go! go KC! Green Team for the win" Hiyawan ng mga kaklase, kaibigan at ka-team mates ko.

Tapos na introduction so sportswear cowgirl naman ang peg ko dito I'm wearing short shorts with a white tube and a chekered blazer na nakatali so kita yung tyan ko. Nakasuot din ako ng sumbrero na pang cowboy at may hawak na latigo at yung shoes ko is Boots na converse na magkaiba ang kulay ng sintas.

Pak! Pose! Kunwari may pinapalaong kabayo 😂

Pak! Pose ulit!

Tingin sa baba at unti unting titingin sa sa audience at ngingiti Haha ginagamitan ko talaga sila ng charm ko 😂

Pero pagtingin ko sa baba at pagbalik ng mata ko sa audience si Sir Tom yung nahagip ng mata ko so kinindatan ko sya, para naman syang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan nya Hahaha!

After ng sports wear is Talent portion na.

Nag-interpretative dance ako dito. Yung kanta na "When God ran" yung sinayaw ko. Kaya full of emotions at hindi ko talaga maiwasang maiyak dahil sa kanta.

Next na ang Question and Answer sa Q & A ang irarampa na namin is yung eveninh gown namin. At ang mechanics ng Q & A is may ipapakitabsilang picture at bibigyan mo ng kahulugan ung picture.

"So now let's call on candidate number 6 for her Q & A portion" - Sir Paul sya emcee this time.

So umawra na ko habang papalabas sa stage pose kung pose angbpeg ng lola mo kahit kinakabahan.

Paghinto ko sa tapat nila Sir Paul

"Ready ka na ba Candidate number 6?" Tanong ni Mam Yohan na co-emcee ni Sir Paul.

"Opo" matipid na sagot dahil nga kinakabahan ako

"Kung ganon! Bunutin mo na ang picture" Sir Paul

Bumunot na ko sa bowl, hinalo halo ko pang mabuti haha shet sana madali lang!

Pagka-bunot ko binigay ko kay Sir Paul ung picture at nag-reflect yun sa Monitor dahilan para makita ng lahat kung ano ung picture na bibigyan ko ng kahulugan.

"KC ang nabunot mo ay puso" Mam Yohan

Shet? Bakit puso pa? Nanadya ata 'to na sa broken hearted ibigay ungbganung picture eh haha joke 😂 Sige na bahala na kung anong lumabas sa bibig ko.

"Okay ang nakikita ko po sa larawan ay puso, para po sakin ang puso ng isang tao ay napaka-powerful, bakit? Dahil ito ay sumisimbolo sa pagmamahalan, Ngunit!  kadalasan ay ito rin ang sinusunod natin kaya tayo ay nakakagawa ng maling desisyon sa buhay at nasasaktan sa bandang huli" sagot ko.

Narinig ko ang mga palakpakan at hiyawan ng mga kaklase, kaibigan at mga kateam ko emeged eng seye sye nemen Hahaha!

"Thankyou for that wonderful Answer Candidate number 6! Huu! Ang lalim mukang may pinagdadaanan ka" Biro ni Sir Paul na tinawanan ko nlang.

Napatingin din ako kay Sir Tom na na tawa ng tawa na parang nang aasar! Epal talaga tong prof na to! Haha 😂

Susunod na ang awarding ng or coronation.

Sa totoo lang di naman ako nag eexpect na manalo ko okay na sakin ung nagampanan ko ung part ko bilang muse ng Green Team at na experience kong mag-pageant for the 1st time. Para sakin kasi ung experience na un na yung pinaka-trophy ko.

Pero! Hindi ko ineexpect na hahakot award ako oh! Taray ng lola nyo.

In the end nag uwi ako ng award na:

Best in sportswear,
Best in Catwalk,
Darling of the Crowd,
At Ms. New Generation University 2nd runner up.

Yey! Ang saya saya! Di man nag-title okay lang.

Yung escort ko nga pala yung nag-title sa Mr. NewGen University

Hayy. Nakakapagod na araw pero ang saya!!!

My Prof BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon