Chapter 12

9 0 0
                                    

Nasa OJT ako ngayon, dito lang din ako nag o-OJT sa NewGen.

Moral Values and Discipline Department yung pinag o-OJT-han ko.
1pm-9pm ang pasok ko every tuesday, thursday at saturday.

Ako na lang mag isa sa office kasi yung kapalitan ko na OJT is hanggang 6pm lang so from 6pm to 9pm mag isa na lang akong nag-eencode ng attendance ng mga students.

Busy ako sa pag -eencode nanlalabo na mata ko dito Haha 😂

"May tao ba dito?" boses ng lalaki na nanggagaling sa labas

Di kasi ako agad makikita pag binuksan yung pinto kasi may nakaharang na istante sa kinauupuan ko.

"Opo" Sagot ko

Narinig ko yung footsteps na papalapit na sakin di ko naman napapansin kung sino kasi tutok ako sa computer.

"Oh KC ikaw pala yan?"

"Ayy Sir Tom! Bakit po?"

"Wala papasa ko lang yung attendance ng section na hawak ko"

"Anu ba yan kala ko ala na kong ie-encode dinagdagan mo pa! Ba't kasi late ka na nagpasa ng attendance?"

"Ayy sorry naman may ginawa ako kanina"

"Tsk! Ok paki-lagay na lang po jan"

Tumingin ako sa relo ko na naiinis kase naman 8:30pm na hanggang 9pm lang ako dito jusko matatapos ko ba 'to ng 30mins azarrr!!!

"Masyado ka naman kasing masipag sa OJT mo, pwede mo naman na yan i-turn over sa kapalit mong OJT bukas"

"Haynakoo sir! Gusto ko pag sinimulan ko tatapusin ko, ayoko ng may naiiwang trabaho"

Sabi ko habang nagta-type.

"shit 8:45 na!" pabulong na sabi ko

Tatalikod na dapat si Sir Tom pero parang narinig nya ko.

"Nagmamadali ka ba KC?"

"Hindi naman Sir Pero kasi hinahabol ko yung last trip ng jeep hanggang 9pm lang yun"

Sabi ko na halos naiiyak na. Naiimagine ko pa lang na maglalakad ako mula Robinson Pulilan hanggang samin naiinis na ko! Tsk! Ba't kasi late magpasa ng attendance! Badtrip!

"Ayy ganun? Sige pag di ka natapos agad jan sumabay ka na lang sakin"

"Ayoko! Ma-issue pa tayo!"

"Ikaw bahala or kung gusto mo maglakad ka Hahahah"

Aalis na dapat sya pero,

"Sir naman di ka mabiro! Sige sasabay na ko tapusin ko nlang 'to. San kita pupuntahan?"

"Sa tapat ng walter sa may gasolinahan para alang makakita satin"

"Okay sir, tapos na ba klase mo?"

"Oo patapos na"

"Sige Sir text nlang kita pag andun na ko"

"Ge ingat ka dito sa MVD may multo dito" Biro nya na ginantihan ko lang ng irap.

9:20pm natapos ko yung ine-encode ko. Nagready na kong umuwi pinatay ko na din yung ilaw at dali daling lumabas.

Habang papunta ko sa gasolinahan palinga linga ako kase baka may mga kapwa ko estudyante na makakita samin.

Sakto naman pagdating ko dun andun na agad si Sir Tom pagkakita nya pa lang sakin sinenyasan nya agad ako na umangkas na ko sa motor nya.

So dali dali akong umangkas at sinuot yung helmet na inabot nya sakin.

My Prof BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon