Chapter 10

16 0 0
                                    

Tapos na intrams back to normal na naman. Gigising na naman ng maaga para pumasok.

Wait.

Anong araw ba ngayon?

Monday?

So 1st subject pala namin si Sir Tom.

7:30 pasok namin at 7:25 pa nasa byahe pa din ako pero petiks lang ako kasi masakit ulo ko wala pang ganong tulog.

"Good Morning Sir sorry I'm late" sabi ko kay Sir Tom pagpasok ko ng room habang naghihikab

"Anong oras na?" Tanong ni Sir

Tumingin ako sa relo ko.

"8am sakto" sagot ko

"At anong oras ang klase natin?"

"Uhm 7:30 po"

"Eh ba't ngayon ka lang?"

"Sorry po Sir Traffic Kasi"

"Haynako tinanghali ka lang ng gising eh"

Napakamot ako sa ulo at nginitian lang si sir.

"O'sha sige na take your seat"

"Thank you po"

Naupo ako sa upuan na ipinag reserve sakin ng mga kaibigan ko. Wala kasing permanent seat dito. First come first serve.

Nagtuturo si Sir Tom at pilit kong iniintindi yung tinuturo nya pero di ko ma-gets. Lutang talaga ko pano ba naman kasi di ako nakatulog kagabi kaka-wattpad haha.

9:30 na, lumipas lang ang oras ng wala akong naintindihan.

"Guys you may have your break be back at 10:30" pagdi-dismiss ni Sir Tom samen.

"Tara breakfast tayo sa macdo? Nagugutom ako" Yaya ni Rica samen.

"Tara" pag sang-ayon naman ng tatlo pa naming kaibigan.

"Guys kayo nalang di ako nagugutom gusto ko umidlip. Mag stay nlang ako dito sa room, inaantok talaga ko e" sabi ko

"Ano ba kasing tinira mo kagabi?" Tanong ni Ellaine

"Katol bes" biro ko

"Sige na alis na kami, do you want anything? Baka magutom ka later?" -Chelle

"Burger and fries nlang"

"Sige bye"

Pag alis ng mga kaibigan ko dumukdok ako sa may desk naidlip naman agad ako. Nagising lang ako ng may kumalabit sa likod ko.

Unti unti kong inangat yung muka ko at dahan dahang minumulat yung mata ko habang hinahawi yung buhok ko. Pagkadilat ko Si Sir pala.

"Bakit di ka nagbreak?

"Inaantok ako Sir e gusto ko umidlip"

"Puyat ka kasi ng puyat di ka naman mahal ng pinagpupuyatan mo" nang aasar na sabi nya

"Sir naman napaka-ano mo" sabay irap.

"Sige na idlip ka muna ulit maaga pa naman 10am palang may 30mins ka pa para umidlip. 10:30 pa resume ng class natin"

"Okay lang ba sir?" tanong ko kasi parang awkward na kaming dalawa lang tao sa room.

"Oo dun muna ko sa harap magrerecord ng grade"

"Sige sir Thanks"

Dumukdok ulit ako at ipinikit yung mata ko pero di na ko makatulog kaya binuksan ko na lang yung computer at tinry yung mga tinuturong command ni Sir kanina.

My Prof BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon