Chapter 4: Confusion

266 13 0
                                    

Daniel POV

"Trixie Coleen Chavez. I love you. Will you be my girlfriend? My Beau."

Naman! Isang linggo na after nung confession ko kay Coleen. Oo na, mali ako dun, masyado akong nagpadala sa emosyon ko, hindi ko man lang inisip yung mararamdaman niya at yung pwedeng maging epekto nung ginawa ko sa friendship namin! Ano ba kasing ginawa ko nun! Nakakainis naman! Nagpadalos-dalos ako at hindi ako nag-isip ng tama. Haist! Teka nga ang dami ko ng nasabi pero hindi niyo pa pala ako kilala.

I'm Daniel Kurt Manzano. 18 years of age. Second year college na ako ngayong pasukan, I'm taking up BS in Architecture. Ahead ako ng one year kina Coleen at Ashley. Sabay kaming lumaking tatlo matagal na naming kilala ang isa't-isa. Iisa yung pinasukan naming school mula elementary hanggang sa naghigh-school yun nga lang dahil sa ahead ako sa kanilang dalawa hindi ko na experience na makasam yung mga yun sa isang classroom, pero lagi naman kaming magkakasama kapag vacant namin, may iba din naman akong mga friends pero sabihin na lang natin na iba talaga yung samahan naming tatlo. Dahil na rin sa tagal ko na silang kilala alam ko na yung bawat ugali nila, nakita ko na kung paano sila magalit, malungkot at kung paano sila maging masaya. At dahil sa closeness naming tatlo hindi maiwasan na magkagusto ako sa isa sa kanila.

Yes, hindi ko na itatago pa, mahal ko si Coleen, simula nung mga bata kami alam kong siya yung babaeng rerespituhin at mamahalin ko, ewan ko kung bakit sa murang edad naisip ko na yung mga bagay na yon. Pero siguro wala naman sa edad yun eh, kasi hindi mo naman maiiwasan yung nararamdaman mo kung yung puso at isip mo na mismo yung nagsasabi sayo at nagpapakita sayo kung sino ang karapat-dapat para sayo. Yung una nahirapan akong aminin sa sarili ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para kay Coleen, pero habang tumatagal mas lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya, siguro nagtataka kayo kung bakit kay Coleen lang ako nadevelop ng ganito at hindi kay Ash eh pareparehas lang naman kami na magbebestfriend. Iba kasi talaga si Coleen, yung ugali niya once na makilala mo siya, you'll start to care for her, yung tipong magiging very protective ka sa kanya to the point na ayaw mo siyang masaktan, hindi naman sa hindi ko mahal si Ash, mahal ko din naman yung madaldal na yun eh, haha. Masaya siyang kasama lagi din energetic, pero special talaga para sa akin si Coleen.

"Uy, Kuya Kurt. Anong problema mo kanina ka pa tahimik diyan ah."

Nakalimutan kong sabihin na nandito ako ngayon sa bahay nila Ashley, syempre bestfriend ko din naman siya, alam niya rin yung feelings ko about Coleen kaya halos lahat naikwekwento ko rin sa kanya. Tulad ngayon, pumunta ako dito kasi kelangan ko ng makakausap at mapagsasabihan ng gumuulo sa isip ko.

"Ah, sorry Ash ha. Napasugod agad ako dito."

Ayan na lang yung nasabi ko sa kanya sabay kamot sa may ulo ko. Nakakahiya man pero siya lang yung pwede kong mapaghingahan ng nararamdaman ko eh.

"Tungkol ba ito kay Coleen?"

Tumango na lang ako, hindi ko na alam yung sasabihin ko eh. Naguguluhan na din ako. Hanggang ngayon hindi ko parin kasi siya nakakausap kahit isang call or text wala, sinubukan kong tawagan siya sa landline nila pero kung hindi tulog, or busy eh wala naman daw sa bahay nila. Mukhang iniiwasan niya ako. Kasalanan ko naman kasi eh!

"Ano bang ginawa mo ha Kuya? Nako, mukhang problemadong-problemado ka eh. Talagang napasugod ka pa dito, just like the old times. Hehe"

Oo, tama, diba nga close kami. Sa kanya ako humihingi ng advices noon tungkol sa mga problems ko regarding sa nararamdaman ko about Coleen.

"Oo nga eh. Namiss ko nung ganito kasi nung nasa Paris ako wala naman akong makausap dun, puro mga French naman yung mga naging friends ko dun sa boarding school na pinasukan ko nung first year college."

Love is BITTER the Second Time Around?? [Ch. 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon