Trixie POV
Ghad! It's been a week after nung shocking confession ni Daniel. Yeah! Ayoko muna siyang tawaging Kurt, ang akward lang kasi. Ewan ko ba, matagal ko na siyang kilala, we're best of friends kaming tatlo nila Ashley, alam namin yung lahat lahat tungkol sa isa't-isa. Pero bakit naman ganito! Bakit kelangan maulit ulit ung nangyari dati. Akala ko naintindihan na niya eh. Ayoko ng bumalik sa dati. Gusto ko ng magsimula ng bago, pero bakit nagkakaganito ang mga bagay-bagay. Hindi ko alam kung bakit ako pinahihirapan ng ganito.
Ilang araw na rin akong nagkukulong dito sa kwarto ko, hindi naman ako makalabas ewan ko feeling ko kasi bumalik na naman ako dun sa dati eh, yung unang nangyari nung ganitong bagay, yung nagconfess sakin si Daniel sa unang pagkakataon. Naalala ko nung bago ako nung magfourth year highschool, naiwan kami nun dalawa ni Daniel sa may field, ewan ko kung saan pumunta noon si Ash, Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun, parang ganon din yung nararamdaman ko ngayon. Gulong-gulo ako.
FLASHBACK
"Coleen, I'm so glad to be your friend."
"Ano ka ba Kurt, porket magcocollege ka lang nagkakaganyan ka na. Hindi naman malayo yung pag-aaralan mo na university eh, magkikita parin naman tayo kapag wala kang pasok kaya bakit ka ba nagdradrama diyan."
"Wala, baka kasi makalimutan mo na agad ako niyan."
"Nah! Kurt naman eh! Bakit naman kita makakalimutan? Ikaw pa! Yung bestfriend ko pa! Syempre hindi no! Tska isang taon lang naman ang hihintayin mo para magkasama-sama ulit tayo sa iisang school eh."
"Yeah, I know but I will still miss you."
"Kurt naman eh, wag ka na ngang gan-----------"
"Hi Trix" sabay yakap naman sakin ni Matt, nagulat na lang ako, bigla-bigla na lang kasing sumusulpot yung lalaking yan eh.
"Oh, anong ginagawa mo dito? Tapos na ba yung class mo? Diba mamaya pa kayong 4:30? Bakit nandito ka na??"
"Oo nga eh kaso nakita kita nung naglalakad ako pabalik ng classroom kaya eto."
"Sige na bumalik ka na sa room mo, mamaya mapagalitan ka pa ni Ma'am Vergara diyan eh."
"Grabe, hindi ka man lang ba natutuwa na makita ako? Nag-effort pa naman akong puntahan ka dito tapos hindi ka man lang natuwa." tapos sabay pa siyang nag puppy-eyes.
"Opo na, natuwa na po ako. Sige na mamaya na lang ok. Hihintayin kita dito"
"Yes, Ma'am." sabay saludo tapos tumingin siya kay Kurt. "Uy, Daniel, mauna na ako ha. Sige" tapos nagwave na siya at bumalik na dun sa classroom nila, kami naman naiwan ulit sa may field, nung tumingin ako kay Kurt parang nag-iba bigla yung mood niya.
"Kelan pa naging kayo?"
"Ha, eh, ano kasi Kurt, sasabihin ko dapat sayo nung----"
"Matagal na?"
"Hindi, nung nakaraang linggo lang"
"Akala ko friends lang kayo"
"Kurt naman eh, sorry na, alam ko dapat sinabi ko sayo kaso alam ko kasi na ganito yung mangyayari kaya hindi ko muna pinaalam."
"Alam mo ba kung bakit ganito na lang ako kahigpit sa mga manliligaw mo ha? Kasi natatatakot ko na dumating tayo sa ganitong point."
"Ang alin? Hindi kita maintindihan"
"Trixie, hindi pa ba halata? Kulang pa ba yung attensyon na ibinibigay ko sayo? Alam mo ba kung bakit lahat ng manliligaw mo hindi tumatagal, dahil lahat ng yun sakin. Natatakot ako Trix, natatakot akong mawala ka sakin."
BINABASA MO ANG
Love is BITTER the Second Time Around?? [Ch. 5]
Teen FictionCan Love be really SWEETER the SECOND TIME AROUND? Pero paano kung sa case mo mas applicable yung "LOVE IS BITTER THE SECOND TIME AROUND??" Meron ba nun? Aba, malay ko? Tignan na lang natin if TRUE LOVE REALLY HAS ITS HAPPY ENDING.