Chapter 12

98 2 0
                                    

Boy:

Oo.. Inaamin ko na nag kamali ako sa ginawa ko... pinaniwala ko sya, pero. di naman lahat ng yun sinasadya ko eh... Kusa lang naman silang nangyayari... Sinusubukan ko naman kontrahin yung mga nakasulat dun pero lagi silang natutupad... Wala akong balak na lokohin sya at sa katunayan, nahuhulog na rin ang loob ko sakanya... Wala akong balak na saktan sya. Hindi ko naman sya sasaktan.. Sa katunayan.. Napapaligaya ko pa sya eh.. Pero kung para kami talaga sa isa't isa, gagawa at gagawa ng paraan si God para maging kami... pero bakit ganito nararamdaman ko.. Ang tagal na naming hindi nag kikita at nag uusap pero bakit lagi ko parin syang iniisip?

"Pare! Pasa mo!"

(Hindi nasalo yung bola)

"Uy! Pare?! Ano bang ginagawa mo..? Sub muna kita! Parang wala ka sa sarili.."

Araw ng mga practice namin ng basketball ngayon dahil sa susunod na linggo na ang laban namin... pero bakit ganito hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko... hindi ako makapaglaro ng maayos. Hindi ko alam kung baket.. pero parang sya nanaman yung laman ng utak ko... Habang nag papahinga ako sa may side ng court.., may napansin akong wallet nanaman...

Nako! Wallet nanaman -.- pero, parang nakita ko na yung wallet na yun... Parang.. kamukha ng wallet nya.. kinuha ko.. tinignan ko kung kanino yung wakket na yun... Nagulat ko nung nakita ko...

Hindi sakanya yung wallet na yun... kamukha lang pala.. Hinanap ko yung may ari at nung nahanap ko na, ibinigay ko sakanya.. nagpasalamat yung may ari sakin.. at habang kinakausap ko sya at nag papasalamat. may nakita akong bata na may suot na garfield.. tapos, sa sobrang inet, biglang umulan.. nagpaalam na sakin yung babae na may ari nung wallet na napulot ko at nilabas nya yung red nyang payong.. Sa may tabi naman, nagpalit na yung kaibigan ko ng tshirt at nakita ko na kulay green na tshirt ang suot nya... Nag tataka ako kung bakit yun yung mga naiisip ko at kung bakit sa tuwing may nakikita ako, Sya yung naiisip ko... Nang tumila na yung ulan at pauwi na kami... May nakita akong isang bata na may hawak hawak na isang rabbit na stuff toy... natuwa ako sa nakita ko.. kasi naisip ko na...

Baka ito na yung sign na hinihintay ko na para humingi ng tawad sakanya at i explain sakanya lahat ng nangyari.. Nahihirapan na rin ako sa mga nararanasan ko ngayon..

Pag uwi ko ng bahay... sya parin yung iniisip ko at nag tataka ako bakit nangyari sa isang araw yung mga sign at ako pa mismo yung nakakita... Pag uwi ko, pumunta agad ako sa kwarto ko para magisip ng paraan kung papaano nya ako mapapatawad sa ginawa ko...sa pag iisip ko, bigla akong napapikit... at napadilat ako nung may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko...

Pag bukas ko ng pintuan, si mama pala.. sinabi sakin ni mama na may nag hahanap daw sakin na babae... bumaba ako para tignan kung sino yung babaeng naghahanap saken... at nakatalikod sya pero pag harap nya, sya yung nakita ko.. Si Miss wallet... nagtataka ako pano nya nalaman yung bahay ko at parang nangyari na to sakin dati na may naghihintay sakin na babae... at sya din yung naka talikod... tuwang tuwa ako nung nakita ko sya... nung kakausapin ko na sya,

"Anak, Gising na... Kain ka na ng hapunan mo..."

Panaginip lang pala...

Signs (Soulmate)  :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon