Chapter 6

83 1 0
                                    

Girl :

Sya na kaya talaga?

Hayyy... Thank you Lord! Nahanap ko din yung wallet ko hayy nako di ko alam gagawin ko kapag di ko to nahanap.. buti nalang ... Thank you din sakanya.. hayy..Nako pinakaba ako ng ilang araw netong wallet na to hayy.. Pero sana sya na talaga..

Kinuha ko yung wallet ko tinignan ko yung papel na sinulatan ko ... nakita ko parin sya.. andun parin..

sana naman hindi nya kinalkal tong wallet ko... binilang ko yung pera ko kumpleto parin.. pero siguro hindi naman nya to kinalkal ...

Pero Nagkatotoo yung sign  #1 :"> Yung Favorite cartoon ko tapos saktong nakausap ko pa sya...

Sana sya na talaga yung matagal ko ng hinahanap.. Magkikita pa kaya kami.. masusundan pa kaya to ng ikalawang sign? 

Sign #2

Makasama si soulmate 

Kapag magkasama kami ni soulmate tapos umulan dapat mag labas sya ng payong na color red.

Makakasama ko pa kaya sya? makikita ko pa kaya sya? sana sya na talaga...

Pagkatapos ng mga ilang araw naglalakad ako pauwi.. tapos biglang lumakas yung ulan pumunta ako sa may tabi ng mga nagtitinda para makisilong Ang malas naman kasi eh nakalimutan ko pa yung payong ko sa bahay.. tapos habang nakasilong ako at naghihintay ng jeep na masasakyan.. biglang may kumausap sakin...

"Uy! ikaw.."

Tumingin ako sa may likuran ko tapos nakita ko sya...

"Oh! Anong ginagawa mo dito?"

"Ahh.. Wala may binili lang ako sa may Enigma pauwi ka na ba?"

"Ahh oo pauwi na rin ako nyan."

Tumingin ako sakanya ang cute nya talaga :') Ano ba? Destiny! Ibigay mo na sakin to..

"Gusto mo sabay na tayo? mag jejeep nyan ako .. ikaw?"

Tinago ko yung pagkakilig ko nung sinabi nya yun 

"Sakto... mag jjeep din ako ngayon.."

Tapos bigla nya akong tinanong..."wala ka bang payong ? sobrang basa mo kasi eh " 

"Wala eh ikaw ba meron?" (sana meron.. sana meron ... sana meron..)

"Wala din eh.. bili nalang tayong payong " 

Pumunta kami sa may nagtitinda ng payong ... tapos tinanong nya ako

"Uy! anong mas magandang kulay? Blue o Red?"

"Ikaw bahala.." ang sabi ko ... pero ang nasa isip ko (Sana red.. sana red.. sana red..)

"Osige.. Blue nalang para favorite color ko.." 

Nalungkot naman ako dun sa pinili nya.. hindi na sya si Mr Right ko.. 

"Halika na alis na tayo.." Pinilit kong ngumiti dun sa napili nya... tapos nung buksan nya yung payong may narinig akong nag crack... 

"Ano ba yan.. nasira agad.. sandali lang ha.. hintayin mo ako.. " Pumunta sya dun sa nagtitinda ng payong binalik nya yung blue na payong tapos pinalitan nya ng Red.. Tapos biglang bumilis yung tibok ng puso ko As in sobrang bilis YUNG SIGN #2!

Nilapitan nya ako at sabi nya tara na ,, alis na tayo baka lalo pang lumakas ang ulan... 

Sign #2

Makasama si soulmate 

Kapag magkasama kami ni soulmate tapos umulan dapat mag labas sya ng payong na color red.

Signs (Soulmate)  :>Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon