Paghihiwalay

772 10 0
                                    

Setting: After episode 93, where Lira was turned into a beast.

************  

Tila walang katapusan ang pag-agos ng luha sa mata ng reyna matapos muling mawalay ang kanyang anak. Paano ito nagawa sa kanya ni Alena? Hindi ba batid ng kanyang kapatid na matagal ng nawalay ang kanyang tunay na anak sa kanya?

Ginalugad na nila ni Danaya ang kagubatan kung saan huli nilang narinig ang paghingi ng tulong ng batang sang'gre, ngunit hindi nila siya natagpuan.

Marahil nga ay ito na ang katuparan ng sumpa ni Ether kay Amihan.

Matapos makumbinsi ni Mashna Aquil ang reyna, ay bumalik na sila sa kanilang kasalukuyang kuta. Mabigat man ang loob, alam ni Amihan ang tungkulin niya sa kanyang mga kasama.

Samantala, naghihintay na sina Ybrahim sa palasyo ng Sapiro. Nanabik na siyang ilibot si Lira sa kaharian na ngayo'y unti-unting bumabangon sa pagkakalugmok nito.


************  

Sa pamumuno ni Aquil, narating na nila sa wakas ang palasyo. Hindi pa ito lubusang naibabalik sa dati nitong ganda, ngunit sa ngayon, ito ay sapat na upang mas lalong maprotektahan ang kanilang mga kapanalig.

Si Ybrahim ang sumalubong sa kanila at itinuro ang daan papunta sa kanilang magiging silid. Nagtaka ang Prinsipe ng Sapiro kung bakit wala si Lira.

Bakas sa mukha ni Amihan ang matinding pagdadalamhati, at ito ay agad namang napansin ni Ybrahim.

"Anong nangyari Amihan? Nasaan ang ating anak?"

Muli ay umagos nanaman ang luha ng tagapangalaga ng brilyante ng hangin.

"Kinuha siya ni Alena. Ang sabi niya'y pinaslang na niya si Lira."

Napabuntong hininga ang mandirigma.

Hindi iyon kayang gawin ni Alena, hindi ba?

Tanong nya sa kanyang sarili.

"Kakausapin ko si Alena upang ituro na nya sa atin kung nasaan si Lira. Wag kang mag-alala," Sinambit niya, sabay hawak sa mukha ng reyna. "Maayos din ang lahat."

Tumango na lamang si Amihan at hinawakan rin ang kamay ni Ybrahim.

************  

Natunton ni Ybarro kung nasaan si Alena at tinangka nya itong kumbinsihin.

"Alena, walang kasalanan si Lira. Huwag ka sanang magpadala sa iyong galit sa pagkawala ng ating anak. Huwag kang tumulad kay Pirena."

"Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sa mga nanakit sa aking anak."

"Pakiusap, Alena. Ibalik mo kay Amihan si Lira."

"Wala na si Lira. Patay na sya."

"Hindi totoo yan. Hindi ako naniniwalang kaya mong saktan ang iyong hadiya."

"Marahil nga ay hindi mo pa ko kilala ng lubusan. Hinding-hindi nyo na makikita ang inyong anak."

Napailing si Ybarro.

"Tama ka, Alena. Hindi na nga kita kilala. Hindi na ikaw ang dating mabait at mapagmahal na sang'gre na aking pinakamamahal."

Sinasalamin ng mga mata ng prinsipe ang matinding lungkot at panghihinayang. Tuluyan na ngang nalason ni Pirena ang isip Alena.

"Avisala Meiste, e corre."

************  

Bumalik ng Sapiro si Ybrahim at si Amihan ang unang sumalubong sa kanya.

"Napakiusapan mo ba ang aking kapatid?"

"Ikinalulungkot ko Amihan, ngunit ako ay nabigo. Wala na ang dating Alena. Ipinapangako ko, na hahanap ako ng ibang paraan upang maibalik sa atin si Lira. May awa si Emre."

Hinagkan nya ang reyna upang damayan ito at hiniling na sana'y maibsan kahit sandali, ang lungkot nito sa muling pagkawala ng kanilang anak.

Matapos ay hinatid nya ito sa kanyang silid at hinayaang makapagpahinga.

Nakasalubong naman ni Ybrahim sa Paopao sa bulwagan.

"Kuya Ybrahim, maayos na po ba ang lagay ni Ate Amihan? Pwede ko po ba sya puntahan?"
"Wag na muna sa ngayon, Paopao. Halika't maghapunan muna tayo."

Huwag Ka Ng UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon