Naisayos na ang tutuluyan ng mga kapanalig ni Amihan, at sila ay nakagayak na rin ng ayon sa kanilang katungkulan.
Napansin ni Danaya na hindi pa rin mabitiwan ng kanyang kapatid ang avatar na pagmamay-ari ni Lira.
"Nasan na kaya sya, Danaya?"
"Sigurado akong ginagawa ng Prinsipe ng Sapiro ang lahat ng kanyang makakaya upang matagpuan ang inyong anak."
********
Sa kabilang banda naman, si Lira ay naabutan ni Ether.
"Bakit mo ba ko sinusundan, ahas ka! Tantanan mo na ko. Wala naman akong ginawa sayo."
"Wala pa sa ngayon, ngunit sa hinaharap ay magbubuklod ang mga sang'gre at magkakaroon nanaman ng kapayapaan sa encantadia. Hindi ko ito papayagang mangyari!"
"Alam mo, bitter ka lang. Para kang si Ashti Pirena, bitter sa lahat."
"Hindi ka makakabalik sa iyong ina pagkat sa oras na ito, ikaw ay sinusumpa kong makalimutan ng lahat. Walang makakaalala sayo sa encantadia."
"Yan ang akala mo, ahas ka!"
Ginamit ni Lira ang evictus sa pagtatangka niyang makaalpas kay Ether, ngunit siya ay nabigo sapagkat tinamaan siya ng kapangyarihan nito.
**
Sa Sapiro..."Napakagandang sandata nito. Alam mo ba kung sino nagmamay-ari nito, Danaya?"
"Hindi Amihan. Ngayon ko lang rin nakita yan."**
"Ano ba ang nangyayari dito Lira? Akala ko ba'y maaalala ka na nila kasabay ng pagpapakita ng iyong angking kapangyarihan at marka ng sang'gre?""Yun din ang akala ko. Pero, hindi nila nakikita ang aking marka. Marahil ay binura rin ito ng ahas na yun sa kanilang mga alaala."
"Ngunit ikaw ang nararapat na tagapagmana."
"Okay lang bessy. At least alam ko na magiging successful ang Encantandia sa iyong pamumuno. Ipinapangako ko na poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya."
"Salamat, Lira."
Dumating si Amihan at binigkas ang katagang "anak", na pareho namang nilingon ng dalawang sang'gre.
"...Mira." Pagpapatuloy ni Amihan, na muli nanamang ikinalungkot ni Lira. Ngunit tinatagan nito ang kanyang loob at tumango sa kanyang pinsan na animo'y basbas na nagpapahintulot sa kanya upang gawin ang nararapat.
Binigyan naman nng makabuluhang tingin ni Amihan si Lira habang yakap nito ang kanyang hadia, bilang tanda ng pasasalamat.
********
Isang linggo na ang lumipas mula ng ibinalita ng reyna ang susunod na tagapagmana. Sila ay naglalakad sa kakahuyan habang sinasanay ni Amihan si Mira upang bigyang pansin ang bawat sulok ng kanilang kaharian.
Bigla na lamang nagpakita si Hagorn at ilang mga hathor at nagsimula ng gulo. Hindi rin naman hahayaan ni Amihan na masaktan ng hadia o sinuman sa kanilang pangkat kaya't sila'y naglunsad ng opensa. Dahil nakatapat ng reyna ang gabay diwa ng ikalimang brilyante, nawala sa kanyang paningin si MIra. Kahit alam niya na kaya nitong ipagtanggol ang sarili, ay hindi pa rin maibsan ang kanyang pag-aalala dito.
Nahuli ni Hagorn si Mira at panandaliang natigil ang labanan. Ngunit hindi nagtagal at may biglang sumaksak sa likuran ni Hagorn at nabitiwan nito ang diwani ng Lireo. Si Lira pala ang dumating na nakagayak pandigma. Tulad sa kanyang binitiwang pangako, palagi lamang siya sa malapit upang ipagtanggol ang pinsan.
BINABASA MO ANG
Huwag Ka Ng Umiyak
Hayran KurguKaya pa bang magpatawad ni Amihan matapos ang ginawa ni Alena?