Pagpapaubaya (sa kapalaran)

485 11 6
                                    

Sa Lireo, kakatapos lamang magbigay at mag apruba ng mga utos ang reyna at tumungo na muli ito sa silid ng anak upang tignan ang lagay nito. Hinalikan ni Amihan ang noo ni Lira at umupo sa tabi nito at hinawakan ang kamay. Ikinuwento niya ang mga naganap ngayong araw. Nakasanayan nya na itong gawin magmula ng mahimlay ang anak.

Natapos na ang kanyang pagsasalaysay at papalabas na sana ng silid nang magising ang tunay na diwani ng Lireo.

"Lira?"

Agad na nilapitan ni Amihan ang anak at niyakap ito ng mahigpit.

"Na-miss ko din po kayo, Inay" Sambit ng dalaga "Pero, maaari po bang kumain muna tayo? Gutom na gutom na ko." Sabay himas sa tiyan.

Natawa na lamang si Amihan at agad na iniutos sa mga dama na maghanda ng isang piging sa muling pagbabalik ng kanyang anak.

*******

Sa deteminasyon ni Lira ay napagtagumpayan nya ang misyon: Pagkasunduin ang magkakapatid na sang'gre.

May pag-aalinlangan si Amihan ngunit ipinag-utos pa rin nya na pakawalan si Pirena. Si Pirena naman ay isinuko ang brilyante ng tubig at ibinalik ito kay Alena. Humingi sya ng tawad sa lahat ng kanyang nagawa at muling sumumpa ng katapatan sa Lireo.

Sadyang hindi na niya binanggit ang kasunduan nila ni Ether.

Isang malaking piging muli ang inihanda sa pagbabalik loob ng kanilang nakatatandang kapatid. Kasabay nito ay plinano nila ang paglusob sa Hathoria upang mabawi ang brilyante ng apoy at ang brilyante ng diwa.

  *******  

Sa silid ni Pirena ay naghahanda sya ng liham para sa anak na si Mira, nang bigla itong pumasok ng walang pasabi. Agad nyang itinago ito at pinahiran ang luha sa kanyang mukha.

"Avisala, Mira. May maipaglilingkod ba ako sa'yo?"

"Wala po. Narito lamang ako upang magpasalamat sa inyong ginawang pagsauli ng mga brilyante at muling pag-anib sa Lireo. Sana po ay hindi ito isang palabas lamang katulad ng dati."

"Makakaasa ka, Mira. Wala na kong hangad na maging reyna o maging makapangyarihan. Ang nais ko lamang ay kilalanin mo akong bilang iyong tunay na ina. Alam ko na marami pa akong dapat patunayan. Gagawin ko ang lahat para lamang mapatawad mo na ako."

"Avisala Meiste."

Umalis na si Mira na mag pag-aalinlangan pa rin, ngunit naramdaman nya ang sinceridad ng mga katagang binitiwan ni Pirena. Si Pirena naman ay ipinagpatuloy ang pagsulat.

  *******  

Gabi ng digmaan...

"Lira at Mira, kayo ang aking inaatasan upang magbantay sa Lireo."

"Opo, Ina. Mag-iingat po kayo."

  *******  

Mahaba ang naging labanan. Marami ang nasugatan at namatay, ngunit sa bandang huli ay nagtagumpay sina Amihan na mabawi ang mga brilyante. Si Pirena mismo ang pumaslang sa kanyang ama pagkat alam niyang hindi ito titigil kailanman na maghasik ng kasamaan sa Encantadia. Kasabay ng pagkakagapi kay Hagorn, ay ang tuluyang pagbagsak ng Hathoria. Katulad ng sinaunang kaharian ng Etheria, ito'y isa na lamang alaala.

"Hasne Ivo Live Encantadia!" Sigaw ni Mashna Aquil at Mashna Muros. Sa wakas ay nagtagumpay na rin sila.

Napangiti si Pirena sa saya na naaninag nya sa mukha ng mga nakababatang kapatid. Lubusan niyang pinagsisisihan ang ginawa nya sa mga ito at malugod na tatanggapin ang kanyang nakatakdang kamatayan sa pagsuway sa kasunduan nila ni Ether.

Huwag Ka Ng UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon