Chapter 1

13.4K 246 48
                                    

Chapter 1 - How it all started

♡ Mirabella's pov ♡

"Mabuti naman at pagkatapos ni ateng maasim na nasa harapan ko ay ako na ang sunod." Bulong ko.

Akala ko aabutin ako ng gabi dito. Kanina pa kasi ako nakapila at naghihintay dahil balak kong mag-enroll dito sa Gailford University o GU. Ang isa sa pinakasikat na university sa Pilipinas, at syempre, isa din sa pinakamahal. At higit sa lahat, ito ang dahilan kung bakit ako magiging yaya, para makapag-aral ako dito.

Wala na sila mama at papa. Matagal na silang pumanaw. Pero nang mawala sila, naalala ko na ipinangako ko na dito ako magka-college bilang scholar pero hindi kase ako ang naging valedictorian namin kaya hindi ako naging scholar. Wala tuloy akong choice kundi mag-apply bilang yaya para may pambayad ng tution fee dito.

Si Tita Vanessa na lang ang natitirang pamilya ko at nakakahiya naman kung siya pa ang magpapa-aral sa akin dahil Lima na ang anak na pinag-aaral niya. Hindi din sila mayaman... makikidagdag pa ba ako?

Umalis na ang babaeng nasa harapan ko kaya ako na ang sunod na mag e-enroll nang may biglang gunggong na tumatakbong hindi tumitingin sa dinaraanan kaya naman bumangga ito sa akin. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil nawalan ito ng balanse at hinila ako pababa kaya sabay kaming bumagsak sa lupa.

Nasa taas niya ako at nasa baba ko naman siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa bigla. Napatingin ako sa kanya. Kaharap ko at napakalapit ng mga mukha namin sa isa't isa kaya malamang ay mapapatitig ako sa kanya! Sa mga mata niyang nakakalunod...

Marahas kong inalog ang ulo ko at dali daling umalis sa itaas niya. Tumayo ako at pinagpapagpag ang damit.

"Hoy! Alam mo bang kanina pa ako nakapila dito?! Tapos bigla ka lang susulpot at hihilain mo ako paalis nang basta basta?! Tignan mo nawala ako sa pila! Babalik na naman ako at pipila doon sa pinakadulo dahil sa ginawa mo! Hindi pa kasama d'on ang pagkatumba na 'tin sa sahig ha! Ang sakit kaya n'on!" Hanggang ngayon pinapagpag ko ang mga palad ko na puno ng buhangin.

"Easy, my love..." Ngumisi ito. Akala niya madadala niya ako sa pagpapapogi niya.

"Anong easy?! Palibhasa, hindi ka nakakaranas ng hirap kaya ang daling sabihin na okay lang! Pero papaano naman kaming mga mahihirap, ha? Intindihin niyo din naman kami, oh!" Bigla na lang may namuong luha sa mga mata ko. "Kanina pa ako dito! Napaka-init! Ang se-swerte nga ng mga ibang estudyante dito! Mga yaya na nila ang nag-aasikaso! Pero ako? Ano?! Mula kaninang madaling araw—"

"7 am po nagbubukas ang GU, ma'am." Pagputol sa 'kin ng guard.

"M-mula kaninang m-madaling araw a-ano! B-bumabiyahe ako! Hindi muna kase ako patapusin! Tsk!" Mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng itutugon.

"Move. This crybaby was the first one in line earlier, you could check the cctv if you want proof." Napangiwi ako nang makita ang mga babaeng kilig na kilig nang lapitan niya upang sabihin 'yon.

Masunuring umatras ang mga ito. Mabuti naman.

"Where's my thankyou?" Napataas ang kilay ko sa tinanong niya.

"Nasa toilet bowl, kunin mo na bilis... Malapit na ma-flush ni ate!"

"By the way, Ms. Crybaby, if you don't know, I'm J---"

"I don't want to know." Nginitian ko siya. "'Tsaka wala naman akong sinabing magpakilala ka, pero kung gusto mong may kausap, ayun 'yung water dispenser, willing to listen, nagb-blubub 'yan kapag kinukuhanan mo ng tubig. Blubub! Blubub!" Ang saya talaga mambara.

Oo nga pala, hindi ko pa nga pala nasasabi na isa akong palaban na babae. At talento't hilig ko ang pambabara. Mukhang nabara siya sa sinabi ko dahil hindi na nakapagsalita.

Pagkatapos kong mag-enroll, agad akong dumiretso sa bahay kung saan ako mag-aaply at magt-trabaho. Pero wala pa raw ang magiging amo ko kaya bumalik na lang daw ako mamaya.

Eh s'an naman ako pupunta?

"Pwede ho bang papasukin niyo na muna ako? Ang init init po kase. Kanina pa ako nasa ilalim ng araw—"

"Ah! Kaya pala ang asim ng amoy mo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi ng leader 'daw' ng mga yaya sa mansyon na pag-aaplayan ko.

Naisipan kong amuyin ang sarili ko at lalong nagsalubong ang kilay ko. Nagdadagan din ng ngiwi nang mapagtantong totoo nga.

Ibig sabihin, ako 'yong maasim kanina? Sinisi ko pa si ateng nasa harapan ko!

Takte! Hindi ako pwedeng mag-apply sa trabaho nang mukhang ganito at amoy ganito!

"Sige na nga! Babalik na lang ako!" Tinalikuran ko na ito at mabilis na naglakad palayo dahil sa hiya.

Lakad lang ako nang lakad dahil sa labas pa ng village ang tricycle. Kahit anong paypay ko sa sarili ko napaka-init pa rin at tagaktak pa rin ang pawis ko.

Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng matinding nahilo, dumilim din ang paningin ko na siyang ikinabagsak ko.



























Nang muli kong imulat ang mga mata ko'y nasa langit na ako. At napakagwapo ng anghel na nasa harapan ko!

"Miss, kumusta na pakiramdam mo?" Tanong nito.

"Okay... okay na okay na ako... N'asan si Lord? Malapit lang ba dito 'yung kaharian niya?" Bumangon ako sa pagkakahiga at nilibot ang paligid. Ba't parang pareho lang ang itsura ng mundo sa langit? Gan'on ba talaga?

"Ay! Tulungan mo din pala akong hanapin ang mga magulang ko! Pwede ba? Kaso baka sa impyerno pala ang diretso nila, palaging nag-aaway at nanglalait ang mga 'yon, e, buti nga ako pumasa ako dito." Nagtaka ako nang tawanan niya lang ako atsaka guluhin ang buhok.

"I saw you kanina, while I was driving back home, na walang malay so binuhat kita at dinala pansamantala sa bahay ko... because I didn't know where else to bring you. S'an ka ba nakatira? Para maihatid kita pauwi sa inyo?" Ah, so wala pa pala ako sa langit? Buhay pa ako?

Shet! Nakakahiya!

"S-salamat sa pagdala mo sa akin dito pero nandito kasi ako sa village niyo para mag-apply bilang yaya, may kilala ka bang... Ano kase 'yon? Gay... ford?" Hinimatay lang ako, nagka-amnesia ako bigla.

"Wow." Bakit wow? "They're actually my neighbor, tamang tama, I can go there with you... and by the way my name's Reep Velasquez..." Inabot niya ang kamay niya.

"Mirabella, Ella for short... Pero kaya ko na ang sarili ko, thankyou, ha..."

Buo ang ngiti ko hanggang sa paglabas ko sa pamamahay ni Reep. Kailangan matanggap ako rito para may kapitbahay akong gwapo! Lalo tuloy akong ginanahang mag-apply.

Sana talaga't matanggap ako!

Personally Maid for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon