Chapter 5

5.8K 143 19
                                    

Chapter 5 - First day

♡ Mirabella's pov ♡

"Gabi na, ah... Anong kailangan mo?" Natutulog na ako nang makatanggap ako ng text mula sa kanya na nagsasabing puntahan ko raw siya sa kwarto niya.

"Sleep here..."

"A-ano?!" Kaagad akong napatakip sa katawan ko. "Ikaw, ah! Hindi porke personal maid mo 'ko pwede mo na akong p-pagsamantalahan!"

"You wish." Diring diri ang itsura niya. Wow, ha! "I-I'm scared."

"Pfft." Kaya naman pala.

"Sleep on the couch."

"Hindi mo makalimutan itsura ni Anabelle 'no? Paulit ulit na nagp-play sa utak mo?"

Papatayin ko na sana ang ilaw nang pigilan nya ako.

"D-don't!"

"Ano ba 'yan! Ikaw na nga 'tong nang-aabala! Bahala ka na nga sa buhay mo! Hindi ako makakatulog nang may ilaw."

Tinalikuran ko siya. Naglalakad na ako palabas nang biglang namatay ang ilaw. Pero may natira pa namang liwanag mula sa lampara na nasa tabi ng kama niya.

"Ayan, very good." Hinarap ko na siya ulit atsaka dumiretso sa sofa. "Good night, Mr.Walkout!"

"Okay. Shut your mouth."

"Ay, walang good night, too?" Biro ko, ang sayang asarin ng gunggong na 'to.

"Shhhh!"

"Buti pa 'yung katabi mo nag-goodnight sa 'kin!" Pang-aasar ko.

"Damn!" Napabangon ito mula sa pagkakahiga. "Sleep here--"

"H-ha?!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Sleep here and I'll sleep on the couch instead, let's switch. Hindi pa kase ako tapos." Paglilinaw niya.

Napakaduwag naman ng isang 'to. Pumayag na ako sa gusto niya at nanahimik. Unang araw na ng klase bukas, kailangan ko nang matulog.










First day of school!

Gusto kong mag-commute pero next month pa darating ang sweldo ko kaya kailangan kong magtipid. Wala tuloy akong choice kundi maglakad.

"Where are you going, Ms. Lampa?" Tanong ni Jace. Iba na naman ang tawag niya sa 'kin.

"Sa hospital, manganganak na 'ko." Humawak ako sa tiyan at pinikit ang mga mata. "Obvious ba?"

"Stop making that face, lalo kang pumapangit."

"Wala akong pake." Mas pinangitan ko ang itsura ko.

"Wait... you're seriously just going to walk?"

"Actually, gagapang ako."

"Sakay..."

"A-ako? Sasakay s-sayo?" Tanong ko. "M-manyak!" Kahapon pa 'to!

"Clean your dirty mind! Sabi ko sakay sa car ko..." Tinuro niya ang lamborghini niya.

"Ang yabang ah, mag-aaral ka lang ganyan ang sasakyan mo?"

"Do you want a ride or not?" Mukhang napupuno na siya.

Well. The feeling is mutual. Punong puno na din ako sa 'yo, amo ko!

Pinaandar na nito ang kotse niya nang makasakay ako. Mabilis lang ang biyahe, kaagad kaming nakarating sa GU.

Hindi pa kami nakakababa, rinig ko na ang sigawan ng mga fans niya. Naragdagan ito ng bulungan nang tuluyan na kaming makababa ni Jace.

"Fafa Jace!" Ew! Ano ka? Anak?

"Oppa Jace!" Okay, medyo gets ko 'to, mukha naman siyang koreano. Este! Ang layo kaya!

"Jace... akin ka na lang." Sige, tapos 'wag mo nang ibalik!

"Teka... sino 'yung kasama niyang babae?" Dahil sa babaeng nagtanong, napansin na nila akong lahat.

Sa akin napunta lahat ng atensyon! Baka atakihin ako ng mga fans niya! Ano nang gagawin ko?!

"Hindi niya naman siguro girlfriend, right?" Huwag kang mag-alala, girl.

"Of course! Ang panget niya masyado para maging girlfriend ni Jace!" Ay, harsh.

"Sana pala nagpapangit na lang ako para may chance ako kay Jace." Ano daw?

Grabe ang mga babaeng 'to! Parang ang laki ng kasalanan ko! Parang kung anong nagawa ko sa kanila!

Sunod lang ako nang sunod kay Jace hanggang sa pagbawalan niya ako kaya humiwalay na ako sa kanya. Naisipan ko na lang na hanapin ang room ko.


"Ella? Dito ka pala nag-aaral?" Nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong si Reep na naglalakad sa hallway.

"Reep! Oo, dito ako nag-aaral."

"Let me guess, you're new here?" Tanong nito sa akin. "You seem lost."

Naliligaw talaga ako! Pinakita ko sa kanya ang pangalan ng building at room na hinahanap ko.

"Woah! We're classmates! What a coincidence!" Masaya nitong sambit.

It's destiny, Reep. Hindi lang basta basta coincidence.

"Should we go there now?"

Nakangiti ko itong tinanguan. Sabay kaming dumiretso sa room. Ginawa namin ang lahat nang makakaya upang hindi mahuli sa klase ngunit nabigo pa rin kami.

"Bakit ngayon lang kayo?" Bungad ng teacher namin.

Lagot! First day na first day tapos late ako! Late kami!

"Good morning ma'am." Lahat kami ay napalingon kay Jace na kakadating lang din, hingal na hingal sya at tagaktak ng pawis.

"Mr. GailFord, Mr. Velasquez and Ms. Rivera..." Mas nakakatakot si ma'am dahil nakangiti!

Ngumiti pa rin kami pabalik kahit na kabadong kabado.

"Y-yes, ma'am?" Nagtanong pa kami kahit na alam na namin ang magiging kapalaran namin.

"Ano pang hinihintay niyo? Go to the detention room! NOW!" Napatalon ako sa lakas ng sigaw ng teacher namin.

Galit na galit ito kaya napilitan kaming tumakbo papunta sa detention room. Nang makarating sa loob ay umupo ako sa isa sa mga upuan at napasapo na lang sa noo.

Detention sa first day of school? Ano na, Mirabella?

Personally Maid for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon