Namumuhay ako sa mundong pagiging pirata ang hanap buhay ng lahat. Sa pagtungtong ng ika-sampung taon mapalalaki man o babae ay dadaan kana sa lahat ng uri ng pagsasanay upang mapabilang sa isa sa mga barkong kinikilala ng lahat at tinutulis ng bawat gobyerno sa buong mundo. Ang aming lugar ay tinatawag na Cartagena. Isa sa pinakamalaking daungan na barko ng mga pirata, at tanging ang may dugong pirata lamang ang nakakaalam at makakakita.
Mayroong tatlong barkong kinikilala ng lahat ng mabubuting pirata at ito ay ang "Kratos", ang pinakamalakas ,pinakamasikreto, at pinakamahiwaga sa lahat. Wala pang nakakakita sa kapitan nito maliban sa mga napiling maglingkod para sa kanyang barko. Walang sinuman sa kanila ang nagtatangkang magsalarawan ng kanyang itsura sa kahit sinong mamamayan ng lugar na kanilang dinarayo. Ang iniisip ng iba marahil isa itong malahalimaw , ang iba naman ay iniisip na mala prinsipe ang kanyang itsura ang tanging alam lamang ng lahat ay ang kanyang pangalan, Kapitan Albus . Sa lahat ng barko ang Kratos ang parating nakapag-uuwi ng napakalaking halaga ng mga kayamanan at malaking ambag ng pagkain, armas, at kasangkapan sa aming bayan, kaya't para sa amin maswerte ka kapag napili kang magsilbi para dito.
Sunod ay ang barkong "Ischus", na pinamamahalaan ni Kapitan Drusus. Masasabi kong isa rin siyang mailap na Kapitan, ngunit mapalad ang ibang nakakita na sa kanyang itsura. Ang makita at mahawakan ang sinumang Kapitan ng 3 kinikilalang barko ay isang malaking kagalakan na para sa aming simpleng mamamayan ng Cartagena. Pinakabatang Kapitan kayat siya ang pinakapasaway, makulit, ngunit pinakamatalino at madiskarte sa lahat.
Ang pinakahuli ay ang barkong "Dunamis", na pinamamahalaan ni Kapitana Nerva. Nag-iisang babaeng naging kapitan ng barko sa tala ng aming historya. Malakas, mapang-akit, ngunit tuso sa lahat ng kalaban. Kaya hindi maipagkakaila na kasali ang kanyang pinapamunuan sa tatlong barkong kinikilala ng lahat.
Kung ikaw ang papipiliin saan mo gustong manatili?
Kaninong barko ka aanib?
Huwag kang mag-alala, hindi ka basta-basta mamamatay sa kagitnaan ng labanan, dahil sa oras na maging isa ka sa napiling maglingkod sa tatlong barkong ito ikaw ay magiging imortal na.
Oo, imortal kana habang buhay. Huwag lamang mamamatay ang inyong Kapitan. Dahil ang pagkamatay niya ay simbolo ng pagpapabaya sa iyong sinumpaang tungkulin, ang protektahan ang barko at ang kapitan nito. Kamatayan niya ay kamatayang din ng kanyang mga tauhan.
Ngunit, paano nga ba mamamatay ang isang imortal?
Paano nga ba mamuhay sa lugar na pagiging pirata lamang ang ikinakabuhay?
Samahan niyo akong aralin at alamin ang sikreto ng bawat pirata.
Ang susi sa kanilang kamatayan.
Ang kaalaman sa kanilang pamumuhay.
Ako nga pala si Sabina Iovita, ang nagnanais sumunod sa yapak ng mga kinikilalang pirata.
YOU ARE READING
Praedonum Meum
FantasyKapag narinig naten ang salitang pirata naiisip agad naten na masama sila hindi ba? Pirata, ibig sabihin ay mga manlalakbay sa katubigan o karagatan na kung saan ginagawa nila ang pagnanakaw sa katubigan kung sa lupa sila ang tinatawag na magnana...