Napakasarap talaga ng simoy ng hangin dito sa aming bayan, nakakapagpagaan ng kalooban, nakakabawas ng pagod, at higit sa lahat para akong hinehele ng sariwang hangin upang matulog. Umayos ako ng pagkakahiga dito sa itaas ng puno. Nais ko munang magpahinga dahil labis akong napagod sa aming pagsasanay kanina ng mga punong lingkod ng Cartagena. Pero sabi nga nila hindi lahat ng kagustuhan mo masusunod at aayon sa iyong nais."Sabina ano ba naman yan, paano ka mapipili sa susunod na talaan ng mga pangalan kung katatapos palang ng pagsasanay ay natutulog kana diyan?" Nakapikit ko siyang pinapakinggan dahil binato lang naman ako ng 10 kutsilyo ng lalaking nasa ibaba at ngayon ay kasalukuyan na akong nakabaligtad sa punong dapat ay pagpapahingahan ko.
"Anong gusto mo Farold? Lumapit ako kina maestro at magpabibo sa harapan nila kahit tapos na ang araw ng ensayo?" Mahinahong sabi ko sa aking kaibigan at iniibig. Oo kaibigan at iniibig ko siya, tulad ko ay nangangarap din siyang mapili upang maglingkod sa tatlong pinakamalalakas na barko ng mga pirata.
"Mabuti pa ay bumaba ka na lamang diyan at samahan mo kaming tumulong sa paggawa ng isang barkong panglayag sa lapit bayan Sabina, huwag mong isipin na gusto kong magpabibo. Ayaw ko lang isipin nila na madaling bumigay sa pagod ang iyong katawan."
Tumalon ako mula sa pagkakasabit sa puno at naggawad ng ngiti sa aking kaibigan. Naiintindihan ko naman na kahit sabihin nilang pantay ang pagtingin sa mga babaeng pirata dahil kay Kapitana Nerva ay may iba paring hindi ito matanggap. Tanging si Kapitana Nerva lamang ang tanggap ng ilang lalaking pirata, at pagdating sa simpleng babaeng pirata na napili ay minamaliit nila ito. Kung kaya't hanggat maari ay nag eensayo akong mabuti upang hindi ganun ang sapitin ko, gusto kong maging tulad ni Kapitana na ginagalang at nirerespeto.
"Tara na",hinatak ko ang kamay ni Farold at patakbong nagtungo sa gawaan ng barko. Ngunit habang binabaybay namen ang daan patungo sa gawaan ay biglang nagsalita ang aking katabi na akala ko ay tatahimik na lamang habang hinihila ko siya. Iniisip ko kasing kinikilig siya dahil magkahawak kamay kami ngayon. Haaayyy.... Malala kana Sabina ☹ tigilan mo ang iniisip mo maghunos dili ka!
"Masyadong abala ang lahat Sabina, lahat naghahanda na para sa susunod na buwan", malungkot ang mga mata n Farold. Alam kong pagsapit ng susunod na buwan ay maaring magkahiwalay na kami. Sa susunod na buwan kasi dadaong dito ang tatlong barko. Ngunit sa magkakaibang araw dahil may sinusunod silang Trianggulong direksyon sa paglalayag, kung sino ang nasa tuktok ng umalis sila ay sila ang mauunang dumating panigurado.
"Akala ko ba ay hindi kana makapaghintay na mapili sa araw ng talaan Farold? Bakit yata tila ayaw mo ng sumapit ang araw na iyon?" Natatawa kong wika sakanya. Pero deep inside alam kong nangangamatis na ang aking mukha dahil binatawan na niya ang aking kamay upang mahawakan ang aking mukha at mas malapitan. May sinasabi ang isip ko na kailangan kong umaktong natural dahil hindi ito makakabuti, sinasabi naman ng puso ko na kapag tumibok ang puso sunggaban na. Nyek, ang pangit Sabrina! Erase erase erase!
Farold
"Sabina, natatakot lamang akong mapahiwalay sa iyo. Mula pagkabata tayo na lamang dalawa, natatakot akong sa oras na mapili tayo ay magkahiwalay na barko ang mapuntahan natin. Ibig sabihin, buong buhay natin ay hindi na tayo maaaring magkatuluyan". Madalas kaming nag-iisip ni Sabina ng paraan noon kung paano kami magkakasama sa isang barko, kung paano ba ang paraan ng pagpili. Ipinangako namen ni Sabina noon na kapag sa iisang barko kami naatasang maglingkod ay itutuloy na namen ang aming relasyon. Ngunit hindi naming hawak ang aming kapalaran, parehas kaming namulat at minahal ang propesyon ng pagiging pirata.
Maraming benefits oo, pero napakarami din naman ng bawal. Tinitignan ko pa lamang ang mukha ni Sabina, ang mga mata niyang itim na itim, ang matangos niyang ilong, at ang labi niya na kay pula, labis na akong nangangamba para sa kanya kapag nagkahiwalay kami.
"Sabina, kahit anong mangyari ipangako mo sa akin na titibayan mo ang loob mo, na kahit anong mangyari magpapalakas ka at hindi magpapa-api sa kahit kanino, mangako ka," nakikiusap ang mata ko sakanya at nagsisimula ng magtubig ang aking mga mata.
Ngumiti siya habang pinupunasan ang aking papatulong luha.
"Tinuruan mo akong maging malakas Farold, kaya hindi ka dapat mangamba, halika na Captain Farold gagawin na naten ang barko mo"
Humahalakhak siya habang nagpapahabol sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiti na rin at habulin siya tulad ng dati sabay bato ng aking kutsilyo na siya namang iniiwasan niya.
"Hoy ! hintayin mo ang command ko Sabina ako ang iyong kapitan, hintayin mo ako" Sigaw sigaw ko sakanya na ngayon ay malapit na sa pagawaan at hindi man lang alintana ang aking sinabi. Hay napakasaway mo Sabina.....mas pinabilis ko na rin ang aking pagtakbo upang maabutan siya at hindi siya makasira ng gamit doon.
Sa ngayon, iisipin ko muna ang paggawa ng masasayang alaala kasama siya, walang kapitan, walang barko, walang mga pirata at tanging kaming dalawa lang. Tulad ng dati.
Okay , ito na po ang chapter 1 :* :* :*
sana magustuhan niyo feel free to express your opinions :) that will help me a lot.
YOU ARE READING
Praedonum Meum
FantastikKapag narinig naten ang salitang pirata naiisip agad naten na masama sila hindi ba? Pirata, ibig sabihin ay mga manlalakbay sa katubigan o karagatan na kung saan ginagawa nila ang pagnanakaw sa katubigan kung sa lupa sila ang tinatawag na magnana...