AINE 3: Maybe We Just Weren't Right

128 11 5
                                    

"Mommy why are we staying here?" Tanong ni Xzelinah sa akin. Nilibot nito ang tingin sa pad ng kapatid ko.

"You'll live with Tita muna," I smiled. "Mommy needs to fix some things baby."

Mabuti na lang nang pumunta ng bahay si Draven ay pumunta pala ang mama kasama ang kambal sa Villa dahil naghanap daw ng strawberries ang kambal. Hindi niya dapat makita ang mga anak ko. Hindi pwede.

Lumapit sa akin si Janel na buhat-buhat si Angell na kumakain nanaman ng chocolates. Ngumiti sa akin ang bata. "Tita Janel's ref is full of chocolates mommy!"

"You go with Xzelinah to your room muna baby okay?" I asked Angell at binaba siya kay Janel. Agad namang sumunod ang kambal.

Nawala ang ngiti sa labi ng kapatid ko at umupo na sa sofa niya at tumitig sa akin. "Ate... You're being selfish. Hindi mo ba naisip ang nararamdaman ng kambal? They need a father! Alam nating pareho kung ano ang pakiramdam ng walang Tatay!"

"Alam din nating pareho kung ano ang pakiramdam ng may kahati sa atensyon, Janel. Intindihin mo din sana kung saan ako nanggagaling." Bumuntong hininga ako at tiningnan ang kapatid kong pumikit at sinandal ang ulo sa headrest.

"... One day, Janel. You'll understand. You'll get me one day."

Nagpaalam ako sa kambal bago umalis at dumiretso sa bahay. I need to make sure he won't be there anymore.

Pumasok ako sa bahay at naabutan ang sala na tahimik. Sinilip ko ang kusina at wala din siya don. Lihim akong napangiti. Sana wala din siya sa kwarto namin noon. Tinahak ko na ang daan papunta doon at binuksan ang pinto.

He left.

Half of me rejoiced while half of me was still hurt. Great.

Pumasok ako sa kwarto ko at laking gulat ng makita siyang nasa sahig habang nagpapakalasing sa isang rum na black label. Malapit na niyang maubos ang pangalawang bote non.

Nag-angat siya ng tingin dahilan para magtagpo ang mga mata namin at ngumisi siya sa akin.

"Hey, wife."

"Why are you inside my room?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Why didn't you told me about them?" Paos niyang tanong na ikinakurap ko ng ilang beses. Tumayo siya at lumapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at may inilagay doon.

Nang tingnan ko iyon ay napasinghap ako. It was Angell and Xzelinah's picture. It was taken almost a month ago. My babies are smiling lively at the picture. It was candid. They were wearing matching tutu skirts.

Nagulat ako ng ibalya niya ako sa pader dahilan para mapaigik ako sa sakit. Mapang-akusa ang mga matang ipinukol niya sa akin. Tila ba sinisigawan ako sa kasalanang ginawa ko. Tila ba sinasabing napakasama ko at di ko dapat ginawa ang bagay na iyon.

"What have you done?" He asked silently with anger dripping on his voice. Pain was there. Hindi ko naman maitanggi na kanya ang mga bata dahil kaparehas ng kulay ng buhok at mata niya ang namana ng mga ito. Coffee brown hair and green orbs. I'm blonde with blue eyes. There's no way na Hindi niya mapansin.

"That's what you made me do..."

"Bullshit!" He hissed.

Tiningnan ko siya sa mata. "I don't want my daughters competing for their own father's attention! You impregnated your mistress! And you chose her! You don't deserve my babies! They are mine! Ako ang nagpalaki mag-isa sa kanila! Ako lang ang naghirap sa kanila!"

"Because you never told me!"

"And if I would have another chance I still won't!" Gigil na hiyaw ko sa kanya. "You have your son with that bitch! Siya lang ang anak mo! I don't want my kids to have a father like you! You lying, immoral, son of a gun! Wala kang kwenta!"

Kahit magalit sa akin ang kambal ay ayos lang sakin kahit masaktan ako. Ako na lang, wag na sila.

"I never had a son..." Nanghihinang sagot niya. The fiery inside him was suddenly lost. "She lied to me... Ginawa niya yon para paghiwalayin tayo. And another reason I can't tell."

I stilled. But there was a baby. I saw the baby.

"Hindi niya kailangan gawin yon, Draven. Ikaw mismo ang naghiwalay sa ating dalawa. And maybe that's your karma for being an asshole. Kumusta? Masarap ba mag-alaga ng anak ng Iba?" I sarcastically replied sabay tulak sa kanya para magkaroon ng distansiya sa aming dalawa.

Bigla-bigla ay lumuhod siya sa harapan ko. Yumakap siya sa binti ko na ikinagulat ko nanaman.

"Mariel..."

"Tumayo ka. There's no mercy left for you inside me."

"Mariel... I'm on my knees. Take me back. Please. I need you. Let me meet the twins. Let me introduce myself as their father."

I don't know.

Almost Is Never Enough (E D I T I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon