Mumunting hakbang palayo
Palayo sa taong mahal ko
Mahal ko na may sinisintang iba
Sabi nila, isang beses lang iibig ang tao
Kung kaya't ayoko ng umasa
Umasa na sa huli, ako'y iyong pipiliinNgumiti ako kahit nahihirapan
Nahihirapan na intindihin
Si tadhana na tila ba nasisiyahan
Nasisiyahan na nasisilayan ang kapaitan
Kapaitan na aking nararamdamanIsang butil ng luha
Isa lamang ang aking ibibigay
Dahil batid ko'y dapat maging masaya ako
Masaya dahil nasisilayan ko
Ang ngiting gumuguhit
Sa iyong maninipis na labi
Sa tuwina sya'y nakikitaPaalam, ito na ang huli
Na hahayaan ang sarili
Na mahulog muli sa taong
May mahal ng iba
Paalam, sa taong sinisinta ko
