Panget Meets Bakulaw

37 2 0
                                    

*kring kring kring*

"Aiiissh!! Ang aga-aga ang ingay ingaaaaayy!!!!"

Sabay patay ko sa alarm clock. Literal na patay. Joke lang!

Di ako nakatulog kagabi karereview sa Chemistry kaya ayun, naging mortal na kaaway ko ang alarm clock ngayon. Dapat bumawi ako dito dahil sa zero ko last time noh! Nang dahil lang sa isang bakulaw na walang pusong tumawag!!! Ugh!! Pag nalaman ko talaga sino yun, patay talaga sakin yun!

*teet teet teet*

"Ay kabayong bakla! Sino ba naman kasi nagtetext ng ganito kaaga? Panira ng moment eh!" nasabi ko sa sarili ko. Pano ba naman, alas singko palang kaya ng umaga at may nagtetext na? Eh dati nga kahit abutan ng gabi walang nagtetext eh! Nakakalowka ha?

From: Bakulaw

Good morning sungit! Ngumiti ka naman para gumanda ka kahit konti! :D

AND SPEAKING OF THE DEVIL! ANG GANDA NG UMAGA KOOOO, SOBRAAAA!! >.<

"CHE! SANA MASAGASAAN KA! O DI KAYA MASAKSAK O DI KAYA MADAGANAN NG ELEPANTE SA MANILA ZOO!!!"

Haay, makaligo na nga't makapunta sa school! Aga aga nangbabadtrip eh! Grrr

~~~~~~~~~~~

Natapos rin ang Chemistry exam ko. Syempre, nakasagot ako. Pinagpuyatan ko kaya yun. Tsaka,

pinatay ko na rin phone ko kanina pa nung before ako maligo. Oo, na traumatized ako nung last exam. Haha. Pagkatapos ng Chem, nagkita na kami nina Raf at Nic.

"Oh, Yumi, kamusta naman exam mo sa Chemistry? Pag ikaw di na naman naka sagot, isusumbong kita kay Auntie!" sabi ni Nic habang nagtetext.

"FYI, nakasagot ako noh! Di ako natulog para lang dyan." pagmamalaking sagot ko! heee :">

"Eh sister, di naman tumunog selpon mo diba?" pang-aasar ni Raf sakin habang nagpipigil ng tawa. Palagi niya talagang pinaaalala sakin ang pinakamasalimuot na bagay na nangyayari sakin >,<

At bigla nalang nagtawanan ang dalawa. Bully talaga tong mga to!! Di ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko tong mga to eh!

"He! Hmm, speaking of cellphone, alam niyo ba tong number na to?" sagot ko para ma change topic. Hihihi! Kala nila ha!

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, ipinakita ko sa kanila number ni bakulaw. At yun, alam ni Raf! Tong baklang to, baka siya nag bigay ng number ko! Aaiissshh!! ><

"Kay fafa Raywee yan gurl! Yung macho gwapitong 2nd year. Engineering din ata kinukuha nun eh. Beauty and brains, owemji talaga!!"

"Ahh, yung mayabang na yun? Makikita nya hinahanap nya! Baklang may sumpong pala ha! Pangit pala ha!" bulong ko sa sarili ko. Kilala ko kasi yang Raywee na yan. Kilalang-kilala. At excuse me, HINDI SIYA PAPABLE NOH! Dapat ALL CAPS para intense, para may emphasis! Oh, dba? Kabog!

Nagtinginan lang si Raf at Nic sa sinabi ko dahil di nila magets sinasabi ko. Di ko pa kasi nasasabi sa kanila na ang hinayupak na Raywee na yun ang dahilan kung bakit ako na zero sa Chemistry exam ko at ang tungkol sa conversation namin. 

Pag dating namin, umorder agad si Raf at Nic. Nagpadala nalang ako kay Nic kasi mahaba ang pila at maraming tao kaya ako ang naghanap ng mauupuan namin. Saktong sakto, nakita ko si bakulaw (na nagbabalat kayo bilang isang Raywee) sa kabilang table. Pano'ng di makikita eh pinagtitinginan ng mga babae! Duh. Hindi ko magets bakit nagkandarapa mga babae sa kanya. Like, ew. Wala ba silang taste? Ew talaga!

Nakita kong may kalandian siyang babae. Another addition to his collection. Napaka ew! Hindi pa ba siya nagkaka AIDS? Tss. Kaya ang ginawa ko, sinugod ko sila at sumigaw.

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon