Hate at First Text

39 2 0
                                    

[Raywee's POV]

Casanova, womanizer, babaero: yan ang tawag nila sa akin. Kasalanan ko bang pinanganak akong gwapo? Marami~rami narin akong ehem napaiyak pero mas marami naman akong ehem napaligaya! Di ko na nga mabilang ehh. Tas ngayon, kabibreak lang namin ng girlfriend or should I say, EX girlfriend kong si Beauty. Well, maganda siya, bobo nga lang at napakaarte! Grabe! Nakakasawa narin ugali ng babaeng yun. Napakaclingy. Nakakabwisit na nga minsan eh, nakakairita. At saka, dami dami pang iba jan. Hindi siya kawalan!

Nasa cafeteria ako ngayon kasama ang mga barkada ko. Nasa usual spot kami at kami lang ang pwedeng  umupo doon. Nung paupo na ako, nakita kong may number na nakalagay sa table. Aba't, sinong naglakas loob na lumapit sa table na 'to?

At may note pa talaga: Text me, I'm naughty! ;)

Ipinakita ko sa barkada ko ang nakasulat at tinanong kung sila ba nagsulat ng number na yun. Hindi rin daw sila ang nagsulat.

"Sino ka? Ba't nagsusulat ka kung saan-saan? Di mo ba alam na vandalism yang ginagawa mo?"

Naghintay~hintay ako ng reply. After 5 minutes, may nagtext. Pero yung mga "fangirlS" ko lang pala. Plural talaga kasi (ehem hindi naman sa nagmamayabang pero ehem) marami kasi sila.

After an hour, di parin nagreply ang number na tinext ko. Siguro wala namang nagmamay ari ng number na yun kaya walang nagrereply. 

After 10 minutes...

Calling +63924XXXXXXX...

Ewan ko kung anong napasok sa kokoti ko na nag udyok (wow deep) sa aking tawagan ang number na yun. Sobrang bored lang talaga siguro ako.

*ring ring ring*

"Oh, meron naman pala nag mamay~ari eh pero wala namang sumasagot. Busy siguro." sabi ko sa sarili ko habang dinadial ulit ang number.

Napahinto at tiningnan lang ako ng mga barkada ko sa sinabi ko. Tiningnan ko lang sila ng masama at ayun, balik ulit sila sa pagkwekwentuhan.

Lumipas ang 3 araw, may nag text na unknown number sakin.

From +639248733790

Message: Ha? Sino ka ba?

Ha? Sino naman to? Uso na pala ngayon ang magtext ng kung sinu-sino at magtanong ng "sino ka?"

"Ha? Ikaw? Sino ka rin?" antanga lang ng reply ko diba?

"Excuse me lang po ha? Nakadrugs po ba kayo o ano? Kung wala ka pong magawa sa buhay mo po, wag po kayong magtitetext ng di niyo kilala po. At lalong~lalo na pong wag kayong tatawag~tawag po. Ako po ang napapahamak sa inyo eh! At FYI, hindi po ako nagvavandal!"

Ano naman problema nito? Nagtatanong lang naman ako kung sino sya tapos ang haba haba na ng reply. OA naman masyado. Sino kaya tong masungit na ito? Mapag tripan nga. Nyehehehe 3:)

"Chill. Isa isa lang. Gwapo ang kalaban! Mwahahaha. But i like your approach, its different from my other fangirls. ;)"

After 5 minutes, di parin nag rereply. Kaya itinext ko ulit.

"Uy, galit ka?"

*Teet teet teet teet*

Wow, wala pang 1 minuto nagreply agad. May topak siguro tong taong to.

"HINDI! TUWANG~TUWA NGA AKO SAYO EH! SA SOBRANG TUWA KO SAYO, GUSTO KITANG HAGISAN NG BULAKLAK.....

.

.

.

.

....NA MAY KASAMANG FLOWER POT PARA RAMDAM MO ANG IMPACT! >,<"

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon