Deal

15 1 0
                                    

<RAYWEE'S POV>

Nasa kwarto ako ngayon. Di ako nakapasok dahil ang sakit ng ulo ko! Akala ko nananaginip lang ako pero totoo pala ang lahat! At totoo din ang letseng deal na yun! Poteeeek! Napasubo ako dun ah..

*flashback*

"Grabe pare! Sino ba yung sumampal sayo kahapon? Ex mo ba yun? Ganun na pala type mo ngayon?" tanong ni Vince. nandito kami sa tambayan namin, HO Bar o Hang Out Bar. Pagmamay-ari ito nina Vince kaya kahit anong oras, pwede ang GL-4 dito.

Nagtawanan silang dalawa ni Paul sa sinabi ni Vince maliban kay Sherwin na seryosong seryoso sa paglalaro ng kung ano sa selpon nya. Tong mga hinayupak na to, napakabakla mang aminin pero kaibigan ko talaga sila. Friends mga magulang namin kaya naging kaibigan din kami. Lalo

na tong si Sherwin, since birth magkakilala na kami.

"Ogags ka ba? Syempre di noh! Tibo ata yun eh, na may pagkabakla? Ay ewan! Naalala nyo ba yung number na nasa lamesa? Dun sa school. Siya yun!" pag-eexplain ko sa kanila.

Nakita kong nagkatinginan silang tatlo at nagtawanan. Ogags talaga tong mga to eh! Nakadrugs ba sila?

"Pinatulan mo yung vandal erp? Napaka cheap mo naman! Hahaha! Naiintidihan ko namang may pinagdadaanan ka pero sana humingi ka nalang ng chickababes sakin erp! Di yung kung sinu-sino pinapatos mo! Hahahha" sabi ni Sherwin na natigilan sa paglaro para makitawa at asarin ako sa ginawa ko.

Grabe! Ba't ko nga ba ginawa yun? Aiiisshh!! 

"Pano ba yan erp, papayag ka bang masampal ng kung sinu~sinong nakilala mo lang sa text? Wala ka pala eh! Hahaha" tanong ni Vince sabay laklak sa alak na hawak niya.

"Syempre di noh! Nag iisip pa ako ng magandang iganti sa kanya. Yung hinding hindi niya malilimutan!" I said with a smirk.

Wala pang nakakasigaw at nakakasampal sa isang Ray William Villaflor noh! Lintik lang ang walang ganti!

"Ipabugbug mo nalang erp! O di kaya ipasalvage! Yaan mo may kilala ak--" pagsusuggest ni Paul na halatang lasing na. BI 'tong isa to!

"Siraulo ka pala eh! Kala mo sakin? Kahit pinahiya ako nun , di naman matitiim ng konsensya ko ang mga pinagsasabi mo!" iritang sagot ko. Kahit naman ganito ako, di ko naman magagawang pumatay ng tao.

"Sori na! Nagsusuggest lang naman! Saka meron sana akong naisip na isa pa pero mukhang imposible eh! Mission impossible ang dating kaya wag nalang!"

"Asus, nagpapapilit ka lang eh! Sabihin mo na! Pero kapag isang yan wala paring kwenta uupakan kita jan!" sagot naman ni Vince na medyo lasing na din.

"Di ah. Eto, what if, paibigin mo. Ayaw mo ng physical na sakit eh. Kaya dun tayo sa emotional! Pero mukhang imposible talaga eh!" pagsusuggest uli ni Paul.

"Oh bakit naman?" tanong ni Vince.

"Eh kasi erp, pustahan tayo, hinding hindi magkakagusto kay Raywee yun! Kahit gayumahin mo pa yun erp, di talaga!! nakita mo ba kahapon? Grabe erp, parang *hik* gusto kang lamunin ng buhay sa galit" sagot ni Paul habang tinuturo-turo niya ako.

"Bakit di naman magkakagusto sakin yun? Baka nga crush nya ako eh kaya nilagay nya yung number nya sa table natin. At bakit ko naman gugustuhing maging girlfriend ang isang yun? Di mo ba nakitang ang panget-panget nun? Napakabuhaghag ng buhok at ang itim-itim pa! Ewan ko nalang kung may magkagusto pa dun!" pag-eexplain ko kay Paul.

"Sang-ayon ako kay Paul! Wala ka naman pala erp eh! Sabi mo walang di naiinlab sa isang Ray William Villaflor? Eh ba't ang isang panget na tulad nya di mo kayang paibigin? Hik-hik" Sabi naman ni Sherwin sabay tawa ng tatlo.

"Hoyy!! Di ko naman sinabing di ko kaya ah? Ang sabi ko, ayoko magkagirlfriend ng panget! At hoy, wala pang nakakahindi sakin! Kaya sige deal! Pag ako nanalo sa deal na to, kayo manglilibre sakin sa birthday ko ha?! Sige, sino kampi sakin?"

Walang sumagot, tinawanan lang nila ako! Mga walangyang to! Kala nila ha! Kaya ko yung panget na yun! Tss. Umaacting lang yun eh para mapansin.

"Hahahaha! Sige erp, pag naging kayo sa birthday mo, magpapaparty tayo sa school! Hahahaha! Sagot naming tatlo! Pero pag hindi, ikaw ang manlilibre sa birthday naming tatlo! Okay ba? hik" nakathumbs-up na tanong ni Vince sakin.

*end of the flashback*

Wala akong nagawa kundi tumupad sa lintik na deal na yun! Ngayon palang sumasakit na ang ulo hindi dahil sa hangover kung hindi dahil sa pag-iisip na magiging girlfriend ko ang panget na yun! Kaasar!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon