Ang ganda ng sikat ng araw. Pero kahit ganun pa man eh nasasayang ko lang kasi hindi naman ako lumalabas ng bahay lalo na kapag walang pasok. Hello? Sinong kakausapin ko naman kapag lumabas ako? Yung mga barkada ng Kuya ko sa basketball? O yung mga batang babae na mahilig maglaro ng lutu-lutuan? Gosh! Mas pipiliin ko na lang sa loob ng bahay kaysa naman piliin ko ang isa sa mga yun. Tt masasabi kong 'This is me' dahil ang buhay ko, puro aral, school at loob lang ng bahay maliban na lang kapag kinakailangan ko na talagang lumabas. Kaya nga mas masaya pa ako sa school kaysa sa bahay... at least sa school, mas marami akong nakakausap na ka-age ko, pati sa level parehas.
First day of school, third year na ako. Ayoko na ngang pumasok dahil nalipat ako sa section 1. Syempre, ako lang ang nalipat at wala akong kakilala. Anong gagawin ko? May pagkamahiyain ako sa simula. Tatanga lang ako. Patingin-tingin, walang kausap habang silang lahat eh magkakaklase na lahat. Paano ba naman akong hindi mababato nito, maging katabi mo ba naman eh lalaki. At hindi basta-bastang lalaki... ang tahimik! Parang ang salita nya, mabibili mo pa. Lagi pang nakayuko.
"Hello po... wala pa po kasi akong kakilala dito. Wala po kasi akong naging classmate, pwede po bang makipagkilala?" naku please! Please! para naman may kausap na ako. Ang tahimik mo kasi eh!
Hanggang sa lumipas ang decade, hindi man lang ako pinansin. Tuloy pa rin siya sa pagsulat ng requirements. Sabi ko na nga ba, dapat hindi na lang ako nagsalita... hangin lang naman ako dito eh. Hindi napapansin. Kaya ang masasabi ko na lang eh... 'never mind'
Hindi naman ako galit sa kanya. Syempre, malay ko ba naman kung talagang ganun lang siya... misteryoso. Ayokong katabi to! Grabe! Magwawala ako nito eh. Boring... nakakabingi...
Pero pagkapos naming magsulat, nakatingin ako nun sa bintana. Syempre, wala nga akong kausap di ba? May naramdaman akong kumakalabit sa akin. Isang daliri... Oh well, siya lang naman ang katabi ko... si Mysterious Guy...
"Hello din po, sorry kanina ha, nakakahiya kasi." boses niya yun? ang hinahon. Sabi ko na nga ba baka binibili ang salita nito kaya pati boses nya, na-preserve.
"Ano pong pangalan nyo?" magsalita ka.. magsalita ka...
"Wag mo na akong i-po, bata pa ko e. Drake... ikaw?"
"Ako? Iris" Drake...Drake pala ang name ng seatmate ko.
Tapos nun, silence na naman. Asar! Akala ko pa naman kapag nalaman ko na yung pangalan nya at nagpakilala na siya sa akin eh hindi na ganito katahimik. Inaasahan ko pa naman may kausap na ko. Pero hindi pala... wala pa rin.
Break time na. As usual, lalabas ako para hanapin yung mga dati kong classmate para naman may makasabay akong kumain. Wala pa nga akong ka-close di ba? Kaya hahanapin ko na lang sila. Alangan namang yayain ko si Daryll, eh baka naman tatsulok na yung mundo hindi pa rin siya nagsasalita.
"Miss, may kasabay ka ba kumain? Kain tayo" tama ba yung narinig ko? May nagyayaya sa akin??? OMG...
"Wala po eh, sige po sabay tayo."
"Ano bang name mo? Ako nga pala si Marianne."
"Iris"
Then, pumunta na kami sa school canteen. Kumain kami. At least ngayon, may makakasundo pala ako ng first day ng school. Akala ko wala eh.
Nagtawanan lang kaming dalawa. Ang saya nga eh. Ang dami naman palang kumakain ngayon. Tapos may tumayong lalaki. Biglang... tumakbo.
"'Di ba classmate din natin yun? Yung tumakbo? Alam mo ba ang name niya?"
"Drake. Seatmate ko nga siya eh" tumakbo siya? nakakapagtaka naman.
"Ano? Seatmate mo siya? Buti nakakatagal ka? Ang tahimik nun eh. First Year pa lang ako, nakikita ko na yun. Laging nag-iisa. Minsan nakayuko. Ang weird.."
"Tahimik nga, pero tingin ko ok naman siya."
Pagbalik namin sa room, walang tao. Doon muna kami ni Marianne sa labas. Kitang-kita sa bintana si Drake. Nakapatong yung kanang braso niya sa sandalan ng upuan, tapos yung mga daliri niya natatakpan ang kanang mata niya. Oo nga, ang tahimik na naman niya. Misteryoso... pero sa tingin ko 'di siya weird. May problema kaya siya? O talagang ganun lang siya?
"Tingnan mo Iris, ikaw ba naman makakita ng ganyan 'di mo iisiping weird? Sandali lang ha, tawag kasi ako nung classmate ko dati. Babalik ako."
Tapos lumingon ako nung tumakbo si Marianne. Pagtingin ko ulit sa loob ng room, wala na si Daryll. Pumasok na ako. Pagpasok ko, nagulat ako nung nasa pinto siya. Nakaupo... nakayuko...
"A-anong ginawa mo diyan? hay nakakagulat naman siya.
"Kanina ka pa ba diyan?...
Kinausap niya ako ng hindi man lang tumitingin sa akin. Ni-hindi man lang lumingon. Ano ba yan?! Ngayon lang ako nagkaroon ng classmate na lalaki na na-puzzle talaga ako. Ewan ko ba... parang... iba.
Sana lang... makilala ko pa siya...
----------------------------------------------------------------------------------
geeez first story ko po to sana magustuhan nyo !!! hihi ^_______________^V
PLEASE VOTE, COMMENT and BE A FAN !!!