"Bakit mo naman naitanong?"
Haay! Painosente effect pa itong mokong na ito. Bakit hindi ba niya alam sa sarili niya na napakamisteryoso niya at napakatahimik kaya maraming napapaisip kung bakit nga ba? At marami na nagsasabi na mababato ka lang kung kasama mo siya.
"Kasi, ang tahimik mo eh. Lagi ka pang nagiisa at nakayuko. Ginagawa lang naman yun ng may problema di ba?"
"W-wala. wala akong problema. Ganito lang talaga ako."
Grabe! Na-convince ako talaga. Over 100%, mga 10% siguro. Feeling ko kasi meron talaga siyang tinatagago. Pero ano? Pero Iris, malay mo naman kung talagang ganun lang siya 'di ba?? Masyado kang nag-iisip.
Maya-maya pa eh nasa 5th St. na kami. Sa kanto namin. Eh siya sa susunod pa. Paano na yan, kailangan na naming maghiwalay. Ang kapal ko naman kung magpapahatid pa ako sa kanya sa bahay. Close ba kami? New classmates pa lang kami.
"Ei Drake, Dito na ako eh. Salamat sa pagsabay mo sa akin ha. Ingat ka sa pag-uwi." sabay wink naman ako at smile.
"Ah.. sige."
Wow! Ang dami niyang sinabi. 'Ah' tapos 'sige'. Uy dalawa yun. Ineexpect ko pa naman na sasagot siya ng "Ingat ka rin" o kayamag-ooffer na ihatid ako. Pero kahit hindi na yung dalawang yun. Kahit sabihin man lang niya yung pangalan ko ok na. Nagpakilala naman ako kanina, pero hindi ko pa naririnig na nabanggit niya ang pangalan ko. Mysterious naman.
Pagkauwi ko ng bahay eh nagpahinga lang ako saglit. Tapos dumeretso na ako sa dalawa kong bestfriend, ang ever dear bedroom ko at ang aking Diary. Grabe! Ang tagal ko na rin silang nakasama. Since bata pa ako. Nakasama ko na sila sa lungkot at saya. Kapag may sama ako ng loob, sa kanila ko nailalabas. Yun nga lang, hindi sila tao na nakakapagbigay ng advice. Lagi lang silang nakikinig sa akin. Good listeners nga sila eh. Ay syempre, subok ko na sila, di nila ako iniiwan.
Dear Diary,
First day of classes, alam mo masaya naman. Wala pa akong masyadong kakilala dahil bago lang ako. Syempre exciting dahil new friends na naman at bagong pakikisama. Seatmate ko? Si Drake. Alam mo, siya ang taong mapapaisip ka talaga eh. Hindi siya katulad ng ibang guys sa school na happy-go-lucky, cool, makwento, pumoporma... siya yung guy na laging nakayuko, nag-iisa at tahimik. Misteryoso noh? Nakasabay ko nga siya umuwi ngayon eh, pero hindi rin ako nakumbinsi sa sinabi niya na ganun lang talaga siya at wala siyang problema. Feeling ko kasi, meron siyang tinatago. At ang pinagdadasal ko eh mabanggit man lang niya yung pangalan ko. Alam ko naman na nakapagpakilala naman ako, pero all day hindi ko man lang narinig yung pangalan ko na lumabas sa bibig niya.
Oo nga pala, may naging kaibigan din ako. Si Marianne, classmate ko. Ok naman siya. Napapatawa nga niya ako eh. Tapos na-elect pa akong muse sa klase dahil kay Rico, yung treasurer. Pero sa totoo, may itsura yung Jan Kyle. Kyle nalang itatawag ko sa kanya ang haba ng name niya eh. Cute naman. Sige dito na lang, magmumuni-muni muna ako.
- Iris
'Di ko na namalayan, nakatulog ako ng 'di kumakain. Diet? Hindi no. Ang aga ko nagising nung sumunod na araw. Kasi ang aga ko rin nakatulog. Sabagay, ganun naman talaga ako dati pa. Maaga pumasok. Lagi nga akong nauuna sa klase. Siguro naman bukas na yung room dahil sa guard o kaya sa janitor.
Naligo na ako. Nagbihis ng uniform. Kumain. Nag-toothbrush. Tumingin sa salamin. Then check ulit ng gamit and off to school.
Medyo madilim-dilim pa nga nung umalis ako. Mag-6:00 pa lang kasi, pasikat pa lang yung araw. Naglakad na lang ako dahil exercise na rin.
Pagkadating ko sa school, wala pang tao maliban sa mga guard at kung anik-anik pa na staff ng school. Eh mabait naman si manong guard, matanong nga.