Chapter 2

18 0 0
                                    

"Kanina ka pa ba diyan?... 

"Ha? H-hindi. Kadarating ko lang." ano bang problema niya? Bakit antahimik niya? Hindi normal.

Pagkatapos nung tinanong niya ako, tumayo na siya at bumalik doon sa upuan at yumuko na naman. Inay ko po! Ano ba yan? Then.. nagdatingan na yung mga classmates namin.

Wala daw yung teacher namin sa Physics I. Yeah... 3rd year pa lang may Physics na kami. Pero Physics I... hindi pa ganun ka major unlike sa 4th year. Since kailangan mag-elect ng class officers, kailangan magpakilala isa-isa. Hindi naman na sa harapan, kahit sa upuan na lang. Haay! Much better. Nakakahiya kasi kung sa harapan pa.

Pagkatapos magpakilala ek-ek na yan, syempre election na. Hindi naman ako nageexpect na maeelect ako. Hindi naman nila ako kilala sa tingin ko kahit nagkaroon na ng pagpapakilala... Ewan ko ba?! Hindi naman ako striking person na sa unang tingin mo, tititigan mo talaga.

President namin si Michael John Cortez. Then Vice si Shirley... pababa. Nung nasa last na Muse... nagulat na lang ako nung tanungin ako nung isa doon sa mga classmate ko.

"Miss anong pangalan mo?" tapos ngumiti siya.

"Iris Jade Lim."

Tapos nagtaas siya ng kamay. Sinabi na niya yung respectfully nominate na linya kapag botohan. Shocking! Nakakahiya. Sino nga ba naman ako para maging muse?

"Siya nga pala, Jan Kyle Rosales." 

Ayun, na-elect akong Muse ng klase kahit 'di ko naman inaasahan na mananalo ako. Mas inasahan ko pa ngang manalo si Lei, Short for Lei Victoria, kasi ang puti na niya at maganda talaga siya. Kapansin-pansin naman talaga siya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nila at ako ang binoto. Tatlo lang naman ang lamang ko sa boto. 29-26. Fifty-five kami kasi sa klase.

At alam niyo ba kung ano ang ikinagulat ko? Akalain mo si Drake ang na-elect na Escort. Ewan! Kung nakita niyo lang siya, as in deadma effect talaga. Tahimik. Walang pakialam kung maelect man siya or what. Pero ang kaibahan lang sa akin, majority ng klase siya ang binoto.

Maya-maya pa, nag-bell na. Ibig sabihin uwian na. Nagsialisan na yung mga classmates namin pero may natira pa naman. Inayos ko na yung locker ko para hindi magulo pagkatapos umuwi na rin ako. At ang kapansin-pansin na naman, nakaupo lang si Drake sa upuan niya. Nagsusulat ng kung ano. Hindi ko na alam kung anong oras na siya umuwi. Alangan namang tanungin ko pa siya. Maghihintay na naman ako ng 100 taon bago marinig yung sagot nya.

Pero imbis na umuwi na ako, tumambay pa ako sa field kasama nung dati kong classmates. Niyaya kasi nila ako eh. 

"Ei, asensado tayo ha, section 1 na" 

"Oo nga Iris, nahiwalay ka tuloy. Kasi ang talino eh!"

"Hindi naman. Ok lang naman ako doon. At least, new friends."

"Kanina dumaan kami doon sa room niyo, nakatingin ka doon sa bintana. Wala ka yatang kausap. Walang silbi yung katabi mo. Nakakausap mo ba yun? Eh ayun yata yung tahimik na laging nakaupo, nag-iisa... ewan!"

"Si Drake? Hindi. Ok naman siya. Yun nga lang may pagkatahimik pero ganun lang siguro siya sa simula. Kapag tumagal siguro, dadaldal na rin yun!"

"Kung ako sa yo Iris, ngayon pa lang lumipat ka na ng upuan. Mababato ka lang kapag katabi mo buong maghapon yung Drake na yun. Saksakan ng tahimik."

Ewan ko rin. Kapag sinasabi nila na si Drake eh tahimik, weird o kung ano pa man, lagi kong sinasabi na ok naman siya. Tingin ko naman talaga ok siya. Siguro nga pinanganak na siya na ganun ka misteryoso. At, napakainteresting malaman kung bakit siya ganun. Sabi nila since first year pa siya ganun. At kahit ako, napapaisip niya.

Tapos tinuro nung dati kong classmate si Drake. Pauwi na yata. Nag-excuse ako para kausapin siya...

"Drake!"

Huminto lang siya sa paglakad pero hindi lumingon. Tapos naabutan ko na siya.

"Pauwi ka na? Pwede bang sumabay? Taga saan ka ba?

"Ikaw pala. Sige. Sa 4th ako nakatira. Ikaw?"

"Sa 5th. Mas malayo pala ng isang kanto yung sa inyo. Mauuna pa pala akong bumaba ng jeep sa yo."

"Magji-jeep ka? Lalakad lang kasi ako ngayon eh."

Ngeeekz. Pero sa totoo lang, pwede naman talagang lakarin dahil malapit naman sa school. Ako lang naman ang tamad eh may pajeep-jeep pa.

"Ha, o sige lalakad na lang din ako ngayon. Malapit lang naman eh."

Nung naglalakad na kami... WOW! Sobra... ang dami naming napagusapan. Sa sobrang dami nga ng napagusapan namin eh HINDI ko pa nga alam kung ano ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. GOSH! Ang tahimik nya talaga. Hindi nagsasalita. Bilang mo lang talaga yung mga salitang sasabihin niya. At nagkamali yata ako ng desisyon na sabayan siya dahil alangan namang magsalita ako dahil sa sobrang haba nung silence, bigla na lang akong magsasalita. Nagulat na lang ako nung tanungin niya ako...

"Ah... mm... ano bang hilig mong gawin?"

"Ako? Wala naman. Manood ng TV. Magcomputer. Hindi kasi ako pala-labas ng bahay maliban na lang kung gagala kami ng mga kaibigan ko."

OMG! May Himala! Nagsalita siya. Sige Iris, tanungin mo na siya doon sa tanong na kanina mo pa dapat itinanong.

"Drake, may problema ka ba? Ang tahimik mo kasi eh. O talaga lang na gusto mong napapag-isa lagi? Kasi, lagi na lang kitang nakikitang nag-iisa, madalas ka pang nakayuko. Bakit ba? Pero kung ayaw mong sagutin, ok lang. Na-curious lang kasi ako eh."

Naku! Sana sagutin niya. Sana lang please!! Pero kung ayaw niyang sabihin ok lang. Pero... sana...

Sana lang... sabihin niya...

Diary ツ ♥‿♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon