Pumasok na ako sa room, pagkatapos ibigay nung babae yung love letter nya para kay Drake. Sabagay, may itsura naman talaga si Drake. Ang lakas ng dating. Bukod pa dun, talagang mapapaisip ka sa kanya, kung ano ba talaga yung tinatagao niya. Wala pang nakakapagpaamin sa kanya, kasi parang ilang siya sa bagay na yun.
First Subject, Chemistry... Wow! Pakilala ever lang naman. Ok lang, kahit papaano nakakapagdaldal na ako sa mga bago kong classmate kahit na yung katabi ko, nagsasalita rin pero mas madalas tahimik. Ok lang. Basta, bibigyan ko siya ng time para makagaanan ako ng loob para naman mai-share niya kung may problema ba siya o wala.
Next Subject, Physics. Ok naman, Nag-discussed lang tungkol sa Vector and Scalar Quantity. Pinadefine din ang Physics. Haay! Ilang minuto lang.... Break na! Yes!
Nagsilabasan na lahat. May mga natira pa rin naman. Kasama sa mga lumabas ng room e si Drake. Oo nga pala, di ko pa naibibigay yung letter niya.
"Drake, sandali lang.."
Huminto na naman siya nang hindi man lang lumilingon. Bakit ganito to? Naku Iris! Masanay ka na...
"May nagpapabigay nga pala sa iyo kanina." sabay abot naman ako sa kanya nung letter.
Tinignan niya yung letter. Pero parang wala naman sa kanya.
"Sabi pa niya, maghihintay daw siya sa iyo. Ewan ko kung ano yun. Basta yun yung sinabi niya tapos tumakbo na. Girlfriend mo ba siya?"
Shut up Iris! Kung anu-ano yang itinatanong mo sa kanya. Kung girlfriend man niya, ano naman sa yo?... phew! nonsense na naman ako. Hindi na naman ako sinasagot.
"Hindi. Hindi ko nga siya kilala."
Ibig sabihin yung babae eh, plain admirer lang niya. Ang tibay! Ang lakas ng loob! Siya pa ang nanliligaw kay Drake.
Binasa niya yung letter. Ewan ko pero blangko ang reaksiyon ng mukha niya. Walang emosyon. Hindi mo malaman kung ano yung iniisip niya.
"Pakisabi sa nagbigay nito, hindi ako pupunta. Maghintay siya kung gusto niya. Wala akong pakialam. Tsaka, itapon mo na rin yan, hindi ko kailangan ng basura."
Ano ba tong lalaking to! Babae na nga ang lumalapit, ang pakipot pa. Tsaka hindi ko nga kilala yung babae na yun eh. Alam ko yung mukha, pero hindi ko alam ang pangalan. Tsaka, san ko naman hahanapin yun dito sa campus?
"Teka lang, ano bang pangalan nun? Hindi ko nga siya kilala."
"Basahin mo na lang yan kung gusto mo. Hindi ko na binasa yung pangalan, wala akong pakialam kung sino siya. Sabihin mo sa kanya yung sinabi ko"
Tapos lumabas na siya na yung kamay niya nasa bulsa. Hindi naman siya nakayuko ngayon pero mag-isa lang siya. Anong gagawin ko? Susundin ko ba yung sinabi niya? Teka nga mabasa nga ito, di naman siguro masama dahil sinabi naman niya at para malaman ko yung pangalan.
Dear Drake,
Siguro nagtataka ka kung sino ako at bakit ako sumulat sa iyo. Dederetso na ako sa point ko. Oo, isa ako sa mga babaeng laging tumitingin sa 'yo at isa rin sa mga yun na sana eh lingunin mo man lang. Kung ok lang sa 'yo, magkita naman tayo sa likod ng Bldg. A, uwian 5:30 pm. Sana makapunta ka talaga. Gusto kasi kitang makausap man lang at makilala. Gusto kita. Dito na lang.
Trisha
Ano? Anong gagawin ko? Wala man lang year at section na nakalagay. Wala ring room no. o building man lang ng babaing to. Sige na nga... tama. Ako na lang ang pupunta mamaya sa likod ng Building A, isosoli ko na lang itong sulat kesa naman itapon ko gaya ng sabi ni Drake.
"Iris!"
"O Kyle..."
"Ano ba yang sulat na yan? Tara kain tayo."