Stay Awake. Nung nabasa ko 'to sa Confession Of A Wattpad User akala ko Stay Awake Agatha XD (Pasensya na hindi pa rin ako nakamove-on sa pagkamatay ni Cooper at Agatha) tapos binasa ko yung comments at dun lang ako nagising sa katotohanang Stay Awake lang talaga yun hahaha. So ang kwento ng stay awake ay tungkol sa isang guy na ang pangalan ay Jared ay nagising na lang isang araw mula sa pagkakalasing na tulog na ang buong mundo. Sinubukan niyang magonline and doon niya nakita na may gising pa bukod sa kanya. Together, they will try to solve and find the solution kung ano nga ba ang nangyari sa buong mundo and why the hell they all fell asleep.
So, noong nabasa ko 'to naistress ako kaagad. Wait! Hindi dahil pangit ah. Actually maganda siya! Naistress ako dahil kay Andre. Ansarap niyang ibalibag at sampalin ng left and right kasi sobrang duwag niya. Grr!! Si Holly naman okay naman siya pero minsan nakakabwisit din siya kasi nagiging irrational siya. Well kay Jared, Felicity at Ian wala pa naman akong nakikitang flaw pero iba yung pakiramdam ko kay Ian. May feeling ako na traydor siya at kasama siya ng mga goons na kumukuha ng tulog na tao kaya nakuha ng mga yun yung kapatid ni Holly at Jared. Tapos si Pauline, feeling ko may kinalaman siya sa nangyari! Iba talaga yung pakiramdam ko! But kuya dave, well done! Your story is wonderful at sigurado ako na magiging hit yan. Just keep writing and more power!
Rating: (5/5)
Message to the author: Bitin yung update huhu. Maghihintay pa 'ko ng ilang araw ajuju. Pero okay lang, worth the wait naman T______T
P.S. Thank you sa pagaccept sa 'kin sa facebook kuya \(*0*)/ (~^___^~)
P.P.S. Medyo nagulat ako sa name ng characters hahaha. Kasi may dati akong character na ang name niya Andrei Jared F. Salvador. Tapos nung nabasa ko 'to bigla ko siyang naalala hahaha. Yun lang Kuya author!
BINABASA MO ANG
BEST STORIES IN WATTPAD
RandomThe title says it all. Makikita niyo dito lahat ng magagandang stories! Though hindi hundred thousands ang votes at hindi million ang reads ay siguradong magugustuhan niyo.