Girlfriend?

37 3 1
                                    

Genisis POV

Tinitingnan niya na naman ako. Hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay palagi niya akong tinitingnan.

Sa tuwing napapalingon ako sa kanyang pwesto ay nakikita kong nakitingin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang creepy niya lang. Medyo gwapo naman, pero creepy parin.

Nakita ko nga siya na parang may hinihintay nuong dumaan ako sa sakayan ng jeep, at nang sumakay ako ay ilang minuto din ay sumunod rin siya.

Hindi naman sa assuming ako masyado, pero kasi palagi nalang kaming sabay sa jeep. Hindi kaya hinihintay niya ako?

Ang feeling ko naman kung ganon. Pareho lang siguro kami ng oras ng labasan sa trabaho.

Una siyang bumaba kasi parang taga Robinson yata siya, eh ang bahay namin ay nasa unahan pa ng binababaan niya.

Kaya kapag nakababa na siya ay agad akong nakakahinga ng maluwag, pero parang gusto ko ring magpapansin kahit na ganun na nga ang nararamdaman ko. Na creepy nga siya.

Pero gwapo eh, di ko mapigilang humanga. May dimple, matangos ang ilong at sobrang kinis ng mukha na parang ang sarap hawakan.

Isang araw nasiraan kami ng jeep eh, pag ganon hindi na binabalik ang bayad namin kasi na kolekta na sa terminal palang.

Kaya plano kong maghintay na maayos yung jeep at huwag munang bumaba para hindi ko na kailangang sumakay pa ng ibang sasakyan.

Ako nalang at siya ang naiwan sa jeep kasi ang iba ay sumakay na sa iba.

Makalipas ang dalawampung minuto ay kinausap kami nuong driver kung maghihintay ba talaga kami. Kaya ako na gipit, sinabi ko agad na oo.

Sagot niya din ay oo daw. Sinabi ng driver sa amin kung okay lang ba daw na maiwan kami at hihingi siya ng tulong sa malapit na vulcanizing shop.

Oo lang kaming dalawa.

Nung kami nalang ay awkward masyado ang atmosphere pero nung magsasalita na sana ako, ay bigla niya akong kinausap.

"Hi Gene" sabay pakita ng dimple niya

Nabigla ako, kasi alam niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi ang daming tumatakbo sa isip ko nuon.

Stalker ko ba siya?

Bakit niya ako kilala?

Bumaha ng tanong ang utak ko nuon.

Di ako sumagot, kasi nga nabigla ako at hindi ko alam anong sasabihin ko.

"Kilala kita, matagal na kitang kilala. Hindi ako stalker, diba basta gwapo tawag ay admirer? Kilala ka ng pinsan ko at tinanong ko sa kanya ang pangalan mo." Sabi niya na parang sinagot lahat ng tanong na tumatakbo sa isip ko.

"Di naman makapal ang mukha mo no? at bakit mo naman gusto malaman ang pangalan ko?" Sabi ko na curious talaga at medyo kinikilig din sa kaloob looban.

"Maganda ka kasi, bagay ka sa akin kasi gwapo ako." Mahangin niyang sagot.

Ay! Napahawak naman ako sa inuopuan ko kasi baka madala ako sa lakas ng hangin ng lalaking to. Pero di ko rin naman maiwasang matawa din.

"Sinong nagsabing gwapo ka?" Tanong ko na parang nagtataray

I found a Love for me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon