Aizhel's POV
3 days had pass mula nung matamaan ako ng bola sa ulo ni Kumag.Hayss!Di ko ba alam,bakit ba kase paiba-iba ng mood yung lalaking yun?Sa una tatawa-tawa lang tapos bigla-bigla nalang hindi mamamansin.Daig nya pa ang babaeng may period eh.Hirap nyang espelengen!
Gumising ako ng maaga ngayon sa kadahilanang magprapraktis kami ng Tinikling para sa Performance namin sa Mapeh next week,kaya eto ako ngayon kumakain habang ka-chat yung mga Group Mates ko.Btw.Group 2 kami at Group 3 naman sila Kumag pero parehas kami ng lugar na pagpra-prapraktisan.Ano naman kaya ang magiging ganap namin mamaya?Hayss
"Ma,alis napo ako.Magna-nine na rin po eh."paalam ko kay mama matapos kong kumain.
"Sige anak,ingat ka!"sagot naman ni Mama
"Opo ma,Byeee"paalam ko uli
Nakarating naman ako agad kung saan kami magprapraktis at napansin kong si Charles at Kyler palang ang nandoon at wala pa yung iba.
"Oh ayan ka na pala Aizhel"sabi ni Charles nang mapasin ako
Nginitian ko naman sya"uhm.Kanina pa kayo?Bakit wala pa sila?Nine ang usapan diba?"magkakasunod na tanong ko kay Charles
"Medyo ngayon-ngayon lang.Pumunta lang sila sa palengke para magrent ng Costume na gagamitin natin.Pero parating narin ang mga yon,saglit lang naman ang mag-rent eh"sagot naman ni Charles
"Ahh.Okay"walang ganang sagot ko
Si Kumag?ayun tutok na tutok sa Cellphone nya.Aish!ang nya bait diba?wala manlang Hi or Hello,di nga ako tiningnan manlang eh.Hmp!Bahala nga sya.
"Oh ayan na pala sila!"sigaw ni Charles habang nakaturo sa bandang kanan namin
"Hi Aizhel!Di kana namin nahintay kanina kaya kami nalang yung nagrent ng costume pero okay na,nirentan ka narin namin"nakangiting sabi sakin ni Avy,pinsan ni Kyler
"Ah.Okay lang,Thank you narin sa pag-rent ng akin"sagot ko pabalik
"Okay!Mag Start na tayo."anunsyo ni Lorraine,yung ka-group ko
"Sige sige,dun nalang kami ng mga ka-group ko sa bandang likod at kayo nalang dito nang walang gayahan ng steps.Hahaha"natatawang sabi ni Pauline
"Sige na mag-start na!"iritableng sambit ni Sedie,ang Leader namin
"Okay...Boss"naiilang na sambit namin with matching tinginan pa
Hanggang sa matapos ang praktis namin ay di kami nagkibuan ni Kumag.Wala eh di nga ako pinansin manlang.Awww.ToT what a Bad guy?Chareng!Hahaha
---
Kyler's POV
Hep Hep...Nanlaki nanaman ang mga mata nyo sa ka gwapuhan ko.Tsk.Tsk.Oo ako lang ito ang nagiisa,walang katulad at bukod tanging Gwapo sa balat ng Lupa,Yes,here I am again ang pinaka Gwapo at nag-iisang Travis Kyler Monteverde ang nagiisang Heart Trob ng DFHigh!!!*Pogi pose+Wink Gwapoly*Whooo pauso ko yun.Hahaha
Nakakabadtrip!Nabuhayan pa naman ako kahapon nang sabihin ni Ate Avy na dito rin sila magprapraktis ng mga Groupmates ng Tinikling which is kabilang si Aizhel ang kaso,kabaligtaran ng inaasahan ko yung nangyari.Puteks!kala ko pa naman papansinin ako ni Aizhel at tatanungin kung ano ang nangyari sakin last week pero hindi!Ang boung akala yung tipong ia-approach nya pa ako pero di manlang ako pinansin.Akala ko pa naman eh siya yung unang babati sakin kanina pero hindi!Di ko na nga pinansin di rin pala ako papansinin.Nagpaiwan na nga ako kanina para antayin sya eh.Aish!
"Uhm.Guys break muna,punta lang kami dun sa Group 2.Maiwan muna namin kayo dito Kyler"sabi ni Janine, isa sa mga Groupmates ko.Tumango nalang ako bilang pagsagot.Kaya Here comes again,dalawa nalang kami ni Charles na naiwan dito.
"Buddy,pansin ko kanina kapa walang imik jan ah?"tanong ni Charles habang tutok parin sa Cellphone nya
"Wala lang ako sa Mood."walang ganang sagot ko
"Tsk.Dahil kanino ba yan?Kay Aizhel ba?"natatawang tanong nya
"Tss.Nakakabadtrip lang,di manlang ako pinansin kanina."inis na tugon ko
"Hayy,bat ba kase di ka umamin?"seryosong sabi nya
"Mahirap eh.Basta ang alam ko ngayon,masaya nakong nakikita sya,na kahit na papaano eh nakakasama ko sya.Ang kinakatakot ko kase baka sa oras na malaman nya yung nararamdaman ko sa kanya baka layuan nya ako,baka iwasan nya ako.Masaya na kong ganito lang kami,yung walang pag-i-ilangan sa isa't isa."mahinahong sabi ko."Isa pang dahilan eh,3 taon din kase ang sinayang ko,3 taon na syang umasa noon sakin tapos ngayon bigla bigla akong aamin?Kailangan nya rin namang sumaya,at kung ang kaligayahan nya eh yung si MJ edi ayos lang.Iniisip ko kase,alam kong galit sya sakin ngayon dahil sa pag-babalewala ko sa kanya noon."dagdag kopa.
"May punto ka naman,ang ikinababahal ko lang naman eh baka dumating ang araw na sa iba sya mahulog at hindi sayo.Ikaw din,ika nga nila 'Nasa huli ang pag-sisi' " mariing sabi nya
"Aba!alangan namang magsisi sa umpisa?"sarkastikong sabi ko
"Tss.Sira!"natatawang sabi nya"Sumbong kita kay Aizhel eh!"pag-babanta nya pa
"Hmp!Bahala ka sa buhay mo!"sigaw ko sa kanya
"Paano yan?Ikaw ang buhay ko edi ako na ang bahala sayo?"sabi nya habang pinapaliit pa ang boses nya
"Lul!wag ako,iba nalang!Hahaha"patawa-tawang sabi ko
"Eh ekew nge eng geste ke Fefe Kyler eh"pabebeng sabi nya,nagmu-mukha tuloy sya Tanga
"Mag-tigil ka nga!Para kang tanga!"sabay tabig ko sa kamay nyang nakahawak sa leeg ko
"Hahahaha!Pero Buddy,pano nalang kung maging sila nung Crush nya?Yung Mj ba yun?MJ Tuazon tama ba?"seryosong tanong nya
"Oh edi ang saya nila,gusto sya ni Aizhel at kung sakaling gusto nya rin si Aizhel edi sila na!Ako na ang nga-nga."inis na sabi ko
"Wag ka lang mawawalan ng Pag-asa Buddy."sabay tapik ng balikat ko
Nag-isip-isip ko lang,masyado pa naman kaming bata para dito eh.Panigurado naman akong kung sakaling ligawan ko man sya,ire-reject nya ako,hindi dahil sa ayaw nya sakin kundi dahil pag-aaral talaga ang inuuna nya.Sa katunayan,sya nga ang 1st Honor namin eh.Hayss ang hirap ng sitwasyon ko,kung tigilan ko kaya muna?hindi pa nga siguro ito yung panahon para samin.Itutuon ko muna ang oras sa iba,kahit naman siguro papaano eh maiiwasan ko nang maisip sya.Nahihirapan narin ako eh.Ang hirap magkuwaring wala ako pakialam sa kanya pero ang totoo naman ay ayokong may nangyayaring masama sa kanya.Alam ko namang darating din kami sa tamang panahon,ang panahon para sa aming dalawa.
-