Kyler's POV
Oo ako nga ito,hindi kayo nagkakamali.Ako ito,ang lalaking saksakan ng Gwapo at ubod ng Macho!Ladies and Gentlemen,I am Travis Kyler Monteverde.Ang Captian ng VolleyBall at ang nag-iisang Heart trob ng DFHigh!!!*Pogi pose+Wink Gwapoly*
Kasalukuyan kaming nagtratraining ngayon dito ng VolleyBall sa Gym.Puteks!nakakabanas lang at wala talaga kaming tigil sa kakatraining.Araw-araw nalang,wala manlang kapahi-pahinga!Lintek kase tong Coach namin eh,turo ng turo parang sya naman yung napapagod at hindi kami.Shete talaga!Sa sobrang kainisan ko di ko na napapasin yung bawat tira ko kaya palaging outside.Ikaw ba naman ang magtraining maghapon habang nakabilad sa sikat ng araw hindi kaba mabubwiset?!
"Mr.Monteverde!Ano ba ang nangyayari sayo!?"sigaw ni Coach
"Tsk."sambit ko nalang kasabay ng pag-iling ko
Sa sobrang inis ko dito sa Coach namin yung bolang titirahin eh pumalpak at ayun nga outside...at ang kalintikan pa tumama sa ulo ng babae--teka?babae?!
"Shete!Si Aizhel yun ah!"bulong ko sa sarili ko sabay takbo papalapit sa kanya.Kinalabit ko sya sa ulo at ngumiti pero laking gulat ko nang bigla nya akong hiyawan
"Ikaw ba yung naktama ng bola sakin --"di ko na sya pinatapos pa at dinala ko na agad sa clinic.Natakip sa bibig nya yung kanang kamay ko kaya di na sya nakapagsalita pa pero lintek!ang lakas nya ring magpumiglas eh kaya wala akong nagawa kundi ang tanggalin yung kamay ko at...
"Ikaw ba yung nakatama ng bola sakin ha!?Kyler!?"sigaw nya nanaman sakin.Shete!lakas ng bunganga ng babaeng to!
"Oo!ano masaya kana!?manahimik kana"inis na sabi ko sa kanya pero laking gulat ko nang batukan nya ako"Ouch!Ano ba!?"sigaw ko sa kanya,pero nakangisi lang sya
"Masakit ba?"cool na sabi nya sakin
Sa inis ko hinila ko na sya papasok ng clinic"Hmp.Halika na nga!"
"Ano ba Kyler!?Di na kailangan!Wala namang sugat eh"papupumiglas nya
"Hindi!Bakit sugat lang ba ang ginagamot?Mag-isip ka nga Aizhel kahit na konti,baka may bukol ipatingin mo na sa Nurse"papupumilit ko naman
"Wag na nga.Di na masakit"
"Halika na!"
"Isa!ayoko nga kase"
"Dalawa.Tatlo.Apat.Blah blah blah!"
"Ayoko nga!Ano ba!?"
"Nurse!Nurse!"tawag ko sa Nurse nang tumilig na tong si Aizhel sa kakasigaw
"Oh anong nangyare?Bakit kayo naparito?"tanong ng Nurse samin.Agad namang sumagot si Aizhel
"Ah.Ma'am wala --"pinutol ko na ang sasabihin at ako na ang nagsalita
"Pakitingnan nga po yung bukol nya sa ulo natamaan ko po kase ng bola eh"mahinahong sabi ko
"Ahh.Hija halika dito"tawag sa kanya ng Nurse pero di sya gumalaw kaya tinulak ko sya papalapit sa Nurse.Sinamaan nya naman ako ng tingin pero nginisisan ko lang sya
"Saan ba masakit Hija?Saan ka natamaan?"magkasunod na tanong ng Nurse
"Ah.Maliit lang naman po ayos napo ako."sabi nya sa Nurse at akmang tatayo na pero pinigilan ko sya.Hinawakan ko sya sa balikat at sinenyasan na maupo.
"Ma'am dito ko po sya natamaan sa gawing to."sabay turo ko sa bandang kaliwa ng ulo nya
Hinawakan ito ng Nurse kaya mapaigtad sya ng kaunti"Ahww."
"Masyado naman yatang malakas yung pakakatama ng bola.Ang laki ng bukol oh"sabi ni Nurse
"Ma'am hindi ko po kase alam na dadaan sya dun sa Training Area namin eh.Dun po kase sya dumaan sa bandang gilid ng gym at hindi sa Pathway kaya ayun po naabot sya ng bola na tinira ko"paliwanag ko
"Oh sya Hijo,samahan mo muna sya dyan at kukuha lang ako yelo para mailagay dyan"paalam samin ng Nurse
"Sabi sayo eh.May bukol ka"sabi ko sa kanya pagka-alis ng Nurse
"Nakakahiya kase eh.Alam ko namang ako yung may kasalanan"sabay yuko nya ng ulo nya.Putcha paawa pa ay.
"Wow!Meron ka pala non hano?"asar ko sa kanya
"Natural!ikaw lang naman yung wala eh"sigaw nya nanaman sa akin.Nakakarami natong babaeng to ah!
"Tsk.Kala koba nahihiya ka?bat nagtataray ka nanaman jan?"asar ko naman sa kanya
"Sa Nurse ako nahihiya hindi sayo!Bat naman ako mahihiya sa katulad mong walang Hiya!?"sabi nya habang pinanlalakihan pa ako ng mata
"Aba.Sa Gwapo kong to di kana nahiyang kausapin ako ng ganyan.Di ka nalang magpasalamat at dinala kita dito."natatawang sabi ko
"Sino ba kaseng nagsabi sayong dalin mo ko dito!?"inis na sabi nya
"Naaawa kase ako sayo baka mamaya ngumawa kapa dun sa Gym pag di kita dinala dito"pang-aasar ko naman.Ang sarap lang kasi nyang asarin^_^
"Pwes.Diko kailangan ang awa mo!May paa ako para makapunta dito,may kamay ako para maalalayan ang sarili ko,may mata ako para mahanap tong clinic nato,may bibig ako para sabihin sa Nurse ang nangyari at may utak ako para maalagaan ng maayos ang sarili ko.Kaya you"sabay duro ko sa kanya"Kung dinala mo ko dito para ipagyabang yang pagmumukha mo pwede mo na kong iwan dahil diko kailangan ang tulong mo,Stupido"pagtataray nya sabay ikot pa ng mata.Napaka taray talaga ng babaeng to.
"Pakipot kapa Chalkly.Pero deep inside naman kilig na kilig kana at may kasama kang Gwapong katulad ko*wink*"sabi ko sabay kindat sa kanya.Yiee kilig naman sya Hahaha^_^
"As if naman na tama yang iniisip mo.Kung ipinanganak ka sanang isang Marcus Jeriel Tuazon baka sakali"sabi nya habang parang nagpapantasya dun sa Mj nayun!hamak gwapo ko naman dun,bat ba kase dun sya patay na patay bat di nalang kase sakin?!Drama pa Kyler!Drama pa!
"Sus!Si MJ Tuazon lang ba?Kili kili ko lang yun eh!Hahaha"sabay halakgak ko ng nakakaloko"Hamak gwapo ko kaya dun*pogi pose+Wink Gwapoly*"Pauso ko yun Hahaha
"Asa!Mas gwapo sayo yun no!"sigaw nya
"Mas gwapo ako"
"Mas gwapo sya"
"Ako"
"Siya"
"Ako!kili kili ko lang yun eh"
"Asa ka!Kwento mo sa salamin!Baka sakaling sumangayon sayo!"sabi nya sakin sabay irap.
At dahil nakyu-Kyutan ako sa kanya pag-naiinis sya,tumayo ako at humarap sa salamin
"Gwapo ko sabra!Diba?mas gwapo ako sa Mj Tuazon nayon?"sabi ko with *Pogi Pose* pa Hahaha.
Sinulyapan ko sya ng sandali at nakitang ko bumuka bahagya yung bibig nya kaya naman pinakinggan ko kung ano yung sinasabi nya
"Tss.Lakas ng topak ng gagi"sabi nya sabay iling
"Anong sabi mo!?"pagsigaw na sabi ko with kunot noo pa
"Sabi ko ang Gwapo ni MJ!"sabi nya kasabay ng pagtayo nya"Mas gwapo sayo!"hiyaw nya nanaman sakin.
Nakakabanas lang at lagi nyang bukang bibig yung punyetang Mj nayun!Eh di hamak naman na mas gwapo ako dun eh!Diba!?Diba!?Teka bakit ba umiinit ang ulo ko!?Paki ko ba sa kanila?!Aish!Di ko na alam tong lintek na nararamdaman ko!Lumabas si Aizhel mula sa Restroom ng clinic.
"Pstt."narinig ko tawag nya
"Huy.Pstt..Pstt.."tawag nya ulit pero dahil nagiinit ang ulo ko sa kaka-MJ nya tumayo agad ako at dirediretso nang lumabas
Aish!Ano ba kaseng nararamdaman ko!?Naguguluhan na talaga ako!
-