Zero's POV
Kakatapos lang naming kumain. Dumeretso na agad kami sa Amusement Park dahil excited na excited na 'tong si Olivia. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa itsura ni Charie. Kanina pa siya naka-simangot at walang imik.
Tsk. Siya pa 'tong may ganang magalit, pasalamat siya sinama ko siya.
Nag-beep yung phone ko.
From: Cloud
Asan na kayo pre. Andito nako.
"Tara na. Naghihintay na si Kuya Cloud mo." Sabi k okay Olivia na karga karga ko.
Nilingon ko si Charie sa likuran. Nakatulala ito at nakatingin sa kawalan.
Tsk. Bahala ka nga diyan.
Nag-umpisa na akong maglakad at sumunod nalang siya. Sa hindi kalayuan, natanaw ko na si Cloud. Naka porma si gago.
"Hey" Nakangiti nyang bungad.
"I thought its only the three of us kuya? Why is he here?" Pagtataka ni Olivia.
Tsk. Hindi naman talaga siya kasama. Porke nalaman nyang kasama si Charie sumunod na siya.
"Ayaw mo ba akong makasama baby?" Naka-pout na sabi ni Cloud.
"Ayoko." Diretsong sagot ni Olivia.
"Mag-ccr lang ako." Biglang sabi ni Charie.
"Oh Hi pretty lady." Bati ni Cloud.
Tinarayan lang ni Charie si Cloud. Aalis na sana to nang hawakan ko yung kamay niya upang pigilan siya.
"Ano?" Walang gananyang sabi.
Kinuha ko yung wallet ko at naglabas ng two thousand. Pinatong ko ito sa palad nya.
"Bumili ka ng damit sa souvenir shop. Magpalit ka nga ng damit. Ang pangit tignan dahim naka-uniform ka pa." Sabi ko.
Hindi na siya umangal at tinanggap nalang ito.
"Pre salamat pala ha. Alam mo anman kung gaano kong gusto na makita si Charie." Masayang sabi ni Cloud.
"You owe me big time." Bored kong sabi.
Hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana nung sumama si Cloud. Hindi ko alam kung bakit. Palagi naman namin siyang kasama ni Olivia tuwing mapunta sa ganitong lugar. Pero parang nagiba.
Ewan ko basta, ayokong andito siya.
"Kuya let's ride that!" Sabi ni Olivia at tinuro yung carousel.
"Later baby, hintayin muna natin si Ate Charie." Sabi ko.
"Ako nalang mag-hihintay kay Charie. Samahan mo nalang si Olivia sumakay sa carousel." Sabi ni Cloud.
Tsk. Bida bida masyado. Hindi ka naman kasama dapat e.
"Oo nga kuya! Let's go na. Si kuya Cloud nalang yung maghintay kay Ate Charie." Naka-pout na sabi ni Cloud.
"Baby pagod pa si Kuya kaka-drive e." Palusot ko.
"But kuya...."
"Sige ako nalang sasama sayo baby. Si kuya Zero nalang maghihintay kay Ate Charie." Pagsuko ni Cloud.
Good.
Pumunta na sila sa carousel. Nanatili ako dito sa bench at hinintay si Charie.
"Hoy" Sabi nung babae sa gilid ko. Naka-short ito at naka-tuck in sa loob yung t-shirt.
BINABASA MO ANG
The Summer I'll Never Forget [COMPLETED]
Teen Fiction!! U N D E R R E V I S I O N !! Charie's life has always been a hell. They said that she looks like a monster so they treated her one. They made her life miserable. She know to herself that she's not pretty. She's not like the other girls who put...