18: A big mistake

86 2 0
                                    

Charie's POV

Wala nako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gawin ang mga bagay na alam kong mali.

Kakatapos lang ng shift ko. Naglalakad nako pauwi. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang lamig at dahil kanina pa ako naglalakad.

Ang tanga tanga ko para saktan si Sky. Naging mabait siya sakin pati mga magulang niya pero sinaktan ko lang siya.

May nadaanan akong play ground. Napag desisyunan kong maupo sa slide at humiga. Pinagmasdan ko yung mga bituin sa madili na kalangitan.

"Sorry Sky... I'm sorry." Sambi ko.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bukod sa nalaman niya na magkasama kami ni Zero, dapat malaman niya rin yung nangyari samin.

"Tumayo ka dyan."

Awtomatiko akong napatayo sa nagsalita.

"S-Sky?... A-anong ginagawa mo dito??" Pagtataka ko.

"Hinahanap kita. " sagot nito.

Lumapit siya sakin at  sinuot yung jacket niya.

"S-Sky.... Sky I'm sorry. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi pinag alala kita." Naiiyak kong sabi.

Naramdaman ko yung pagyakap niya sakin.

"Its alright. Wag kana umiyak." Pagtahan niya sakin.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya yung nangyari samin ni Zero. Alam kong karapatan niyang malaman.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya ng deretso sa mata.

"S-Sky... may dapat ka pang malaman." Panimula ko.

Oo, inaamin kong mali. Pero kung ano man ang magiging desisyon o sasabihin ni Sky, tatanggapin ko.

"Ano yun?" Pagtataka niya.

"Sky.... Sky I'm sorry. M-May nangyari kasi samin ni Z-Zero sa resthouse...." Tuloy tuloy ang pag bagsak ng luha ko.

Sinubukan ko siyang tignan ngunit umiiyak na rin siya kaya napatingin nalang sa itaas.

Lumuhod ako sa harapan niya.

"Sky oo inaamin kong mali ako. Mali yung nangyari. Ang sama sama ko dahil ginawa ko yun. Sky kahit anong sabihin mo tatanggapin ko. Kung hihiwalayan mo ako tatanggapin ko. Basta, humihingi ako ng tawad Sky. "Sabi ko.

Lumuhod din siya sa harapan ko at tinignan akong naluluha.

"Charie...." Tinignan ko siya at patuloy ang pagagos ng luha niya.

"Bakit? Anong ginawa ko para gawin mo ang bagay na yon? Hindi ka ba kuntento sakin? May mali ba akong nagawa?"

Nadurog ang puso ko sa mga sinabi ni Sky.

"Sky wala. Wala kang ginawang mali. Ako yung mali dito. Saktan mo nalang ako. Iwan mo ako. Magalit ka sakin. I deserve that."

Dahan dahan niya akong itinayo at pinagpagan ang tuhod ko.

"Hindi ko magagawang saktan ka. " Nakangiti nitong sabi.

"Sky...." Hindi ko maintindihan. Bakit siya ganyan? Bakit ang bait niya?

Dahan dahan niya akong hinalikan sa noo.

"I love you Charie. I always do. I have so much respect for you. I love you too much that I can't even forgive myself I hurt you." Sabi nito.

"Let's get you home. Late na din. May trabaho pa tayo bukas."

"P-Pero paano? Hindi ka ba galit?" Pagtataka ko.

Ngumiti siya sakin. Sa mga ngiti na ito alam kong nasasaktan siya.

"Mahal kita Charie. Kahit anong mangyari mamahalin kita. Kahit nangyari yung bagay na yon, hindi nabawasan yung halaga mo para sa akin. So please, let's just pretend we never talked about that and that never happened. " Nakangiti nitong sabi.

"Kung iyan ang gusto mo.." tangi kong sagot.

Sky's POV

Oo masakit. Mahirap kalimutan yung mga sinabi niya lalo na kapag nakikita ko siya at lalo na si Zero.

Mahal ko talaga si Charie. Kaya kong mag-panggap na walang nangyari. At wala akong narinig.

Handa akong masaktan nang paulit ulit. Huwag lang mawala sakin si Charie.

Nakarating na kami sa bahay na tinutuluyan nila. O mansyon nila Zero.

"Good night. I'll see you tomorrow." Nakangiti kong sagot.

"G-Good night Sky. Ingat ka sa pag uwi mo."

Tumalikod na ako at nagumpisang mag lakad. Naramdaman ko yung kamay ni Charie sa braso ko.

"I love you so much, Sky." Sambit niya.

Napangiti ako.

"I love you more. " Lumapit ako saknya at hinalikan siya sa noo.

~*~

To all of my readers,

I'm sorry I haven't been updating recently. I think it has been months na rin. I went through a break up. A really hard one. That was the main reason I haven't been using wattpad or even my fb page. I will always try to update more.

Anyways merry christmas! Love u all than u for the support!! Xoxo

-Enna

The Summer I'll Never Forget [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon