"Nga pala. Klaus. Hindi pa tayo tapos mag-usap kanina." sabi ni Ate Miyo. "Ano yung narinig kong kasal ni Tita?"
"Oo nga, Klaus. Yan ba ang dahilan bakit kanina ka pa wala sa sarili mo?" tanong sa akin ni Gi.
Napabuntong hininga ako. I don't want to talk about it right now, lalo na nandito sila Mint.
"You heard it right. Ikakasal si Mama." sabi ko with a straight face.
"So totoo pala yung sinabi ni Wil kanina? Akala ko nagbibiro lang siya." sabi ni Ate Miyo.
"Kaya ka pala nagkakagyan." sabi ni Gi. "Oh ano plano mo ngayon?" tanong niya.
"Hindi ko ba alam. Isang taon pa lang ang nakalipas sa pagkamatay ni Papa.. Ganun ba siya kabilis magmove on?" sabi ko. Naiirita ako isipin na para bang hindi minahal ni Mama si Papa sa tagal ng pagsasama nila. Para kasing ang habol lang ni Mama ay yung mga yaman ni Papa. Pero.. Hindi ko naman alam ang buong storya nila.. Hindi naman sila palakwento o ano.. Pero kasi... Hindi ko tanggap na magpapakasal si Mama dun sa boyfriend niya??! Yung boyfriend niya na mas bata pa sa kanya. Parang limang taon lang ata yung tanda nun sa akin ei.
Alam niyo ba kung anong mas ikinagagalit ko? Yung tipong tatlong buwan pa lang ang nakalipas simula nung nilibing si Papa ay meron nang lalake si Mama. Tss.. Tapos walang hiya.. Dun pa natutulog sa bahay yung gag* na yun. Nung una kasi ang alam ko bagong personal assistant daw ni Mama. Kaya daw dun natutulog sa bahay kasi madami daw silang ginagawa sa trabaho. After ng isang taon na namatay si Papa. Saka ko nalaman na boyfriend niya pala yun. At nalaman ko pa sa mga kasambahay namin. "Totoo pala yung narinig ni Manong na ikakasal talaga si Mama." bulong ko.
"OKAY!! Nevermind na lang muna natin yang topic na yan!! SOOOO~~~ Musta kayo?? AY! Magkakakilala na ba kayong lahat? Mas maganda siguro na magpakilala muna tayo sa isa't isa kasi baka hindi niyo pa kilala si Gian at hindi pa kayo kilala ni Gian." masayang sabi ni Ate Miyo.
"Ahh! Oo nga! Sige ako muna magpapakilala. Ako nga pala si Gian Moraga. Bestfriend ni Klaus simula pa nung elementary. Nice to meet you." nakangiting sabi ni Gian.
"My name is Charmaine Sy. Charmaine na lang for short."
"Anong ikinaikli nun? Yun parin buong first name mo. Buang."
"Bakit ba? Gusto ko ganun ang itawag sa akin eh."
"Haha. I'm Hana Manalo."
"Bluebell Rieva. Blu po ang itawag mo sa akin." sabi ni Mint.
"Okay so, magkakakilala na rin tayong lahat. Alam niyo bang may magandang movie ngayon sa sinehan??" sabi ni Ate Miyo. Halata kong ginagawa niya yung makakaya niya para machange topic. Wala na talaga ako sa mood ko eh.
"Oh? Anong meron ngayon dun sa sinehan Ate Miyo?" tanong ni Charmaine.
"Hmm. Nakalimutan ko na ang title pero alam ko love story yun." sabi ni Ate Miyo.
"Yun ba yung Let me be yours?" tanong ni Hana.
"Ay! Oo yun na ata yun!!" tuwang tuwang sabi ni Ate Miyo. "Gusto ko yun mapanuod kasama ng boyfriend ko. Ang ganda kasi nung trailer."
"May boyfriend ka Ate Miyo? Bakit hindi ka nagkwekwento sa amin? Gwapo ba? San mo nakilala?" maintrigang tanong ni Charmaine.
"Kaya nga ate. Wala kang nakwekwento sa amin." sabi ni Hana.
"Hindi ko ba naikwento sa inyo? Ang naaalala ko naikwento ko yun nakaraan nung nagsleep over party tayo." nagtatakang sabi ni Ate Miyo.
"Nakatulog na po ata sila nun Ate Miyo." sabi ni Mint.

BINABASA MO ANG
3 Girls, 1 Boy in a house
RomanceAnong manyayare kung nag-iisang lalake lang si Klaus sa kanyang tinitirahan na bahay? Magkakaaway-away ba sila o merong mabubuong isang bagong pagkakaibigan? Alamin natin ang kwentong puno ng romance at kaweirdohan. Subaybayan ang kwento ng buhay n...