Chapter 1

58 5 4
                                    

"Gago ka, Mark! Sabi mo, hindi mo na mahal ang ex mo! Ang sabi mo, ako lang ang mahal mo! Sabi mo, hindi mo na siya mahal at ako na ang mahal mo! Sabi mo, wala na siya para sayo! Tapos malalaman ko ngayon na kayo na ulit?! Kayo na ulit habang tayo pa?! Ang gago mo! Ang gago niyong dalawa! Ginago mo ako! Ginago niyo ako!" Dire-diretso kong sabi kay Mark habang iyak ng iyak.

"Ano bang nagawa ko sayo? Mahal na mahal naman kita! Sinaktan ka na ng ex mo minsan! Ako, mahal kita! Minahal kita ng sobra! So bakit mas pinili mo siya? Ilang beses kitang binilin na lumayo ka sakaniya dahil ganitong ganito ang ikinakatakot ko! Pero talagang dumating! Manloloko ka! Two timer ka! Sinungaling ka! Dapat hindi ako naniwala sayong gago ka!" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero walang ginagawa tong boyfriend ko para patahanin ako. Ay sorry, ex ko na pala.

"Makinig ka, Aubrey. Mahal kita. Okay?" Aniya.

"Mahal? Mahal mo ko tapos mahal mo din siya?" Tanong ko. "Umamin ka nga sakin. Minahal mo ba talaga ako o naging panakip butas lang ako?" Sobrang sakit na ng dibdib ko. Gustong gusto kong sabihin niya sakin na joke joke lang lahat ng mga nangyari, na natutulog lang ako at kelangan ko ng magising sa katotohanan, na ako naman talaga ang mahal niya, na nahihibang lang ako.

"I'm sorry." Aniya at pinatay ang tawag. Napakabastos ng lalaking ito. Pinatayan ako. Hindi man lang ako sinuyo.

Asa naman akong susuyuin diba? Nakipagbreak na nga sa akin, susuyuin pa ako? Eh diba pinagpalit na ako sa ex niya? Ay hindi, girlfriend na nga pala niya ulit.

Dinial ko ulit ang magaling kong ex-boyfriend. Ayaw na ayaw kong pinapatayan ako lalo pag ganito ang kondisyon ko, kapag ganitong masakit ang puso ko. At isa pa, hindi pa ako tapos manermon. So ayun nga, dinial ko ulit pero hindi ko na mapag-ring ang sim niya.

Sinubukan ko pa ng sinubukan pag-ring-in ang number niya pero wala talaga. 3 hours nang ganun. Siguro wala na siyang balak isalpak ang sim niya. Baka nagpalit na siya.

Leche talaga yung demonyitang girlfriend niya eh! Sabi na eh, malandi talaga yun. Siya tong nakipaghiwalay kay Mark tapos siya din tong bumalik. At heto namang isa pang malandi kong boyfriend, nilandi lang, nagpalandi naman.

Iyak ako ng iyak ngayon. Ang sakit sakit ng dibdib ko. May halong galit pa ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko silang isumpang dalawa. Ang sama sama nila.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at nagbukas ng Facebook. Tinype ko ang e-mail address ko at password ko. Sinearch ko ang pangalan ng boyfriend ko, ay ex pala. Mark Millare. At aba! Kabebreak lang namin, profile picture na agad nila ng girlfriend niya ang nakita ko. Ganun na din pati cover photo. Ipinangalandakan pa talaga niya sa mundong wala na kami. Huhu.

May 123 likes na itong profile picture nila. Nasa beach sila sa profile picture nila. Nakahawak si Mark sa bewang nung demonyitang babae habang pareho silang nakangiti.

Sa isip ko, ganiyan pala ang gusto mo ha. Mag-bibikini din ako. Naka-bikini kasi ang demonyita niyang girlfriend. Pero ako wala ng isusuot para intense. Hehe. Siyempre joke joke lang.

Binasa ko ang mga comment sa picture nila.

"Bro, iba na naman?"

"Bro, si Aubrey?" Isa sa mga comment. Comment ng friend namin, pareho naming kakilala. Ayan, tama yan. Hanapin mo ko sakaniya. Tignan natin kung anong isasagot ng Mark na yan. Sige, sabihin mo ang totoong iniwan mo ako para sa gaga mong girlfriend!

"Bro, nagkabalikan pala kayo." Sabi naman nung isang nag-comment. At oo, nagkabalikan sila! Kaya nga heto ako ngayon, sawing sawi sa pag-ibig kasi yang lecheng kaibigan mo, iniwan ako para sa babaeng yan! Hipon!

"Congratulations to the both of you!" Bakit nung kami ang naging mag-on, walang ganitong comment?

Nagtaka pa ako. Eh never naman niya pala akong ginawang cover photo or profile picture niya. Solo picture ko man or magkasama kaming dalawa, hindi niya naisipang gawing profile picture or cover photo. This is so unfair.

Napapaisip tuloy ako kung minahal niya ba talaga ako or kung naging panakip butas lang ba talaga ako.

"I love you, Babe." Comment naman ng demonyita niyang girlfriend. I love you mo mukha mo! Hipon ka!

Pagkakita ko sa pangalan niya, sa comment niya, sa picture niya, nag-alab ang ulo ko! Inis na inis talaga ako sa babaeng to! Bakit ba kasi naging sila ng ex ko?!

Viniew ko ang Facebook ng demonyitang babaeng to. Paula Aplacador. Bwisit kang Paula ka! Demonyita! Hipon! Gold digger! Social climber! Malandi! Flirt!

Nakita ko na naman ang picture niya sa Facebook niya. Inis na inis akong titigan siya dahil naaalala ko ang panggagago nila sa akin ng ex ko pero gustong gusto kong tignan ang timeline niya. Pero hindi ko makita ang lahat dahil hindi naman kami friends sa fb. Ayaw ko din naman siya i-add.

Ini-scroll ko lang ang timeline niya. Bahala na kung ano yung mga posts na pwedeng makita sa fb niya. Inis na inis ako sakaniya pero gustong gusto ko siyang titigan, insecure na yata ako. And I think, I am starting to stalk her. Ano ba tong nangyayari sa akin.

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Hindi ko kayo hahayaang maging masaya. Gaganti ako. Hindi ko man idadaan sa dahas, pero asahan niyong gaganti ako. Lalong lalo na sayo Mark!

Nagsearch ako ng mga pangalan ng lalake sa Google. Na pag unang rinig o basa mo pa lang, malakas na ang dating. Madami akong nahanap pero sa pictures magkakaproblema.

Naghanap ako ng mga Facebook account ng mga lalaking gwapo. Madami akong nakita, may mga pangit. May mga nakita din akong sakto lang. Hehehe. May mga nakita akong super gwapo kaso nagmumukhang poser.

Ngunit may isang nakaagaw pansin sa akin, Justine Zamora. Nakasuot siya ng formal attire sa profile picture niya. Sa cover photo niya naman, pictures nilang magkakaibigan. Agad kong ini-scroll ang timeline niya upang makita kung anong mga pinagpopost niya at para malaman ko kung dummy account lang ba ito o kung siya nga ba talaga ito.

Napag-alaman kong totoong account niya ito. Agad kong kinuha ang profile picture niya at cover photo niya at sinave ko sa laptop ko. Inalam ko din ang mga ibang importanteng bagay sakaniya na naka-share in public.

At dito na mag-uumpisa ang paghihiganti ko.

Just Go With ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon