Chapter 3

20 3 0
                                    

Nakaka-isang buwan na pala simula nung magbreak kami ni Mark. Isang buwan na din simula nung gunawa ako ng poser account ni Justine.

Tulad nga ng sabi ko, iaadd ko si Paula after 1 week. Pero siyempre after 2 weeks ko siya inadd. Hahahaha!

Tiniis ko yung makati kong kamay na wag muna siyang iadd ng basta basta. Baka kasi makatunog siya na poser eh. Hahaha!

Anong ginawa ko sa loob ng 2 weeks?

Simple lang.

Nagtiis lang naman akong mag-status every 3 days ng kung anu ano sa tatlong poser na ginawa ko. Minsan naka-tag silang tatlo, minsan hindi. Minsan puro share lang ng post ng page. Hindi naman kasi ako eng-eng no.

Tapos siyempre inupdate ko yung 'about' nilang tatlo sa facebook. Nag-upload din ako ng mga selfie nila. Ang popogi nga nila eh. Pero si Justine talaga pinakapogi. Hihi.

Matapos ang dalawang linggo, inadd ko na si Paula. Pucha! Hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayaring yun.

Flashback
"Ayan! Tapos na!" Napalakas yata ako ng sabi nun kasi tinanong ako ng lola ko kung ano yung tapos na.

Tumawa ako at sinabing, "He-he. Yung assignment ko tapos na." Tumingin ako ulit sa laptop ko para kunwari nga eh may ginagawang maganda.

Agad kong inadd si Paula ng matapos kong ayusin ang mga accounts nila. Pucha 3x! Kakaadd ko lang, accepted na kaagad? Wala pang 10 seconds bes!

Hindi man lang ba niya tinignan ang fb kung kakilala ba niya ito, kung sino ba yung nag-add sakaniya, kung poser ba ito or kung ano man?

Ay matinde ito!

Ang masaklap pa eh siya pa unang nagchat! Freak! "Hi"

Seryoso? Totoo ba to? Siya talaga una nagchat? Di ba dapat ako tong mangungulit sakaniya pero bakit parang iba ang mangyayari?

"Hi :)" Reply ko sakaniya.

Mukhang mapapadali at mapapabilis ang mga plano ko kung ganito pala tong babaeng to.

"Thanks for adding me :*" Chat niya sa akin ulit.

Hindi pa ako nakakapagreply sa chat niya eh, nagchat na naman siya. "I'm Paula by the way. I'm 23 y/o. How about you handsome?"

HANDSOME???!!!! Hindi sa nagrereklamo akong tinawag niyang handsome tong poser account na ginawa ko kasi totoo namang handsome si Justine pero agad agad ba naman?!

Is she flirting with me? I mean, is she flirting with Justine? Ang bilis naman!

"I'm Justine. I'm 23 years old too. Nice to meet you, Ms. Paula!" I replied.

Agad akong nag-open ng new tab nung masend ko ang chat ko. Hindi pa ako tapos itype ang link ng Youtube eh nakareply na agad siya. Aba ibang klase din talaga tong babaeng to! Kung makareply, akala mo walang syota!

WAIT! Baka naman break na sila ni Mark! Baka narealize na ni Mark na mas mahal niya talaga ako. Baka narealize ni Mark na chaka tong Paula na to. Oh m! Kelangan kong malaman agad agad! Ariba ariba!

"Do you have a girlfriend, Handsome?" She asked me. Really? Tinanong na din niya ako kaagad ng ganitong klaseng tanong? Oh my!

Pero hindi ko siya agad sinagot. Instead ako ang nagtanong. Kasi atat akong malaman kung sila pa o hindi eh. Pero bakit hindi pa nagtetext o tumatawag sakin ulit si Mark kung break na sila?

Nagpeprepare na ba si Mark ng surprise niya sa akin or baka naman nahihiya siya sa ginawa niya sa akin?

"How about you Ms. Paula, do you have a boyfriend?" I asked back.

She replied "no".

No talaga? Hindi ba pwedeng 'none'?

Pero wala daw siyang boyfriend! So ibig sabihin nga break na sila! Anytime, babalik na sakin si Mark! Ao kelangan ko na palang itigil tong ginagawa ko.

But I still replied, "I don't have a girlfriend too." With a wink emoji and then I logged out the fb.
End of Flashback

Hanggang ngayon di pa rin ako tinatawagan or tinetext ni Mark. Ano na kaya nangyari dun? Masiyado ba siyang nahihiya sa akin? Sana naman bumalil na siya. Miss na miss ko na siya. Tatanggapin ko pa rin naman siya kahit na sobrang nasaktan ako.

Papunta ako sa cr dahil ihing ihi na ako. Paliko na ako nung may humawak sa wrist ko sabay bitaw agad. May nakakita pala sa akin na kakilala ako. Ngitian niya ako, ngitian ko din siya. Classmate ko siya nung high school.

Natigil ako nung may nabunggo ako nung paliko ako. Tanga tanga ko kasi. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan.

Natigil ako nung makita ko kung sino ang nakabunggo ko. Kinabahan ako. Nanlaki pa ang mga mata ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang halos hindi ako makahinga.

Si Justine Zamora

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Go With ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon