Nakakatatlong gawa na ako ng bagong Facebook accounts. Hindi ko Facebook accounts. Facebook accounts ni Justine Zamora at siyempre yung dalawang accounts eh sa friends ni Justine.
Hindi naman ako eng-eng no. Siyempre dapat kapanipaniwala na hindi ako poser. Hehehehe.
Hindi ko muna in-add yung lecheng ex na girlfriend na ulit ni Mark ngayon. Siyempre it takes time. It takes time na magmukhang hindi poser. Siguro after a week nalang ganern.
Nilog-out ko yung fb na ginawa ko na poser ni Justine Zamora at nilog-in ko yung fb ko. Pumunta ako sa search bar at tinype ang Justine Zamora.
Aba't pogi na nga ang pangalan, pogi pang talaga! Pero teka, kung lalandiin ko si Paula gamit tong lalaking to, eh kelangan ko munang malaman kung may girlfriend to.
Ini-scroll ko ng ini-scroll ang timeline niya. Chineck ko ang about niya, ang photos of him, ang photo uploads niya, pati mismong timeline niya. Kaso wala naman akong napapansing girlfriend niya. So pwedeeee. Hehe.
Napagdesisyunan kong iadd nalang itong Justine na ito para siyempre mas madami akong news sa buhay buhay niya at magamit ko yun sa ginawa kong fb niya. Hehe.
Aware naman akong mali tong ginagawa ko, pero kasi may kelangan akong gawin. Sana nga lang hindi niya makita or malaman na may gumagamit ng mga pictures niya sa ibang fb accounts.
Sana acceptin ako nitong Justine na to para mas madami akong informations. Di bale, mabait naman ako. Di ako nangangagat.
Kumuha ako ng libro sa book shelf ko. Magbabasa nalang muna ako habang naghihintay. Pero hindi ako sigurado kung ano nga ba talaga ang hinihintay ko. Nababaliw na ata ako.
Nabobored ako. May gusto akong gawin pero hindi ko alam kung ano. Gusto kong umiyak pero napapagod na ako. Gusto kong maging masaya pero mahirap. Gusto kong umalis pero saan? Gusto ko ng yayakap sakin pero yung taong gusto kong yumakap sa akin, may kayakap ng iba, may niyayakap ng iba.
Sobra sobra akong nasasaktan ngayon. Alam ko namang makaka-move on din ako pero sobrang sakit talaga eh. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Natuluan pa nga ng luha ko yung pahina ng librong binabasa ko. Hanggang sa nakatulog ako.
-
Nagising ako kinabukasan ng sumasakit ang mga mata. Namumugto ang mga mata ko. At ramdam na ramdam ko yung pagod dito sa mata ko. Nakatulog na pala ako. Buti nga nakatulog ako. Sobra yata akong napagod umiyak.
Binuksan ko ang Facebook ko at nakakita ng notification. Napahawak ako sa bibig ko ng makita kong inaccept ako nitong Justine Zamora. Medyo sumaya ako sa nakita. Nabuhayan ako ng loob na mas lalong gawin ang mga plano ko.
Agad kong nilog-out ang Facebook ko at nilog-in ang fb na ginawa ko for Justine. Tinype ko ang Filipino Vines sa search bar ng Facebook. Hinanap ko yung pinaka-recent post nitong page na to. Clinick ko yung option para makita kung sinu-sinong mga nagreact sa post ng page.
Inadd ko lahat ng mga babaeng makita ko na naglike or nagreact sa post nung page. Siyempre kelangan kong magkaron ng mga friends sa fb na gagawin ko. Nag-add ako ng mga 50 persons lang naman. Siyempre para may maglike ng picture ko kahit tatlo lang no. Hehe.
May mga agad agad namang nag-accept ng friend requests ko. Pero wala naman akong pake dun. Dahil yung hipon naman talaga ang kailangan ko.
Vinisit ko din yung page ng Cleveland Cavaliers para kunin yung cover photo nila. Yun nalang icocover photo ko siyempre ang mga lalake mahilig sa basketball. Hindi ko alam kung anong team ang bet nitong Justine na to. So since Cavs fan ako, Cleveland Cavaliers nalang gagamitin ko. Hehehe.
![](https://img.wattpad.com/cover/120896732-288-k594672.jpg)